Jona's Point of View.
I woke up gorgeously again. Lol. Bumangon ako agad paggising na paggising ko. I want to start my day nice and pretty and confident. Kaso hindi ko pa rin makakalimutan yung nangyari kagabi sa amin ni Ajay.
**Flashback
Natutulog na kami ng bigla nya kong tinext na pumunta ako sa may bench sa pinakadulo nung hallway.
From: My loves <3
Meet me outside your room.
Ha? Ano ako? Aso na basta-basta nya na lang uutusan ng kung ano-ano? Ayoko nga!
Padabog kong nilagay sa sidetable yung phone ko. Ayoko, matutulog na ko. Istrobo naman!
"Why don't you just go. You need to clarify something from him diba? Puntahan mo na," sabi nya sabay tulog ulit.
Napabangon ako agad. Neither sa kanila ang humaharap sa 'kin ngayon. Sino ba yun, si Sam o si Jessie?
Umiling-iling ako. Aish, sige na nga. Ako na magpaparaya. Lumabas ako ng room at nakita ko sya sa dulo ng hallway. Nakaupo sya sa bench, isang bench lang naman meron dito e.
Agad ko syang nilapitan. Ano kayang kailangan nito? Gusto nya bang ulitin ko tanong ko sa kanya??
"Oh, bakit?" matigas kong sabi sabay tabi sa kanya.
"I'm sorry," sabi nya lang tapos niyakap nya ako nang walang pasabi.
Ang tagal nya ngang kumalas e. Aabot ka sa point na 'I can't breath' na lang ang masasabi mo.
"I-It's fine. Sige na, n-nasusuffocate na ako, Jay," pagkasabi ko nun. Nag-sorry na naman sya at kumalas din.
I inhaled and exhaled deeply. Buti na lang talaga, i thought for a minute mamamatay na ako.
"Why did you call me out here?"
"I'm sorry tsaka.. sasagutin ko na yung tanong mo."
'Aba, buti naman pala,' sabi nang baliw kong isip pero kasi mahal ko 'to kaya wag na lang.
"Aaah..." hinintay ko sasabihin nya. Mukhang wala naman ata -_-
Hinawakan nya ang kamay ko bago nagsalita. "E kahit saan naman tayo magpunta ay ayos lang basta't kasama kita. Para mo na akong dinadala sa iba't-ibang lugar, Jona," seryoso nyang sabi.
Di ako makaconcentrate. Ayan tuloy, umiwas ako agad. Kailangan pa ba talaga akong pakiligin?
"B-Buti naman, good to know." tumayo ako nun. "Matutulog na ako ulit. Good night, see you toms," paalam ko sana, kaso hinila nya ako pabalik at kiniss sa temple ko.
"Good night lang?" he asked, smiling foolishly.
"Ano pa bang gusto mo? Dyan ka na, inaantok na talaga ako, Jay!!" paalam ko ulit tapos umalis na talaga.
*Dugdug dugdug dugdug*
Takte, buti na lang at hindi nya narinig. Ang tahimik pa naman dito sa hallway.
Habang pabalik, I saw someone familiar. Andun sya nakabase sa kabilang dulo ng hallway. P-Parang si Iya!
- present -
Napabuntong hininga na lang ako sa harap ng salamin.
"Bakit ako nagseselos?" para na akong baliw na kinakausap yung salamin. Tss.
BINABASA MO ANG
Camp Royalty | Under Revision
HumorSix wealthy teeanage royalties. Six spoiled brats. Six different personalities. Living in one roof! What could go wrong? End: May 14, 2017
