Samantha's Point of View.
"Extend daw tayo dito ng isang araw sa hotel," yan lang yung naiintindihan ko sa sinasabi ni Jona. Kanina pa sya nagsasalita pero yun lang talaga nagets ko. Lutang pa rin ako.
"Ah, okay. Okay," sabi ko. Nakita ko na yung susi na hinahanap ko pero di ko inaasahan na bibigyan sila ng Master Key. Parang ako yung naging tanga sa kanilang lahat, well, typically tanga talaga ako sa ibang bagay.
"Tara, punta na tayo sa swimming pool," ani ni Jona, pero di ako tumatayo mula sa pagkakaupo ko sa sofa. Nakatitig pa rin ako sa TV.
"Sam, di ka ba sasama?" tanong ni Jessie habang sinusuot yung parang pang swimming uniform nya sa school.
"Kay Rose ba yan galing?" tinuro ko pa yung sinusuot nyang violet na one-piece.
"Oo, di ba bagay? Wala akong choice, eto lang yung kumasya sa katawan ko," nahihiya nyang sabi.
Tumango lang ako at binalik ang tingin sa TV. Ayokong sumama, nakakatrauma yung nangyari sa 'kin dun. *sighed*
"Tara na Sam, ayaw mo ba sa two piece mo?" Umiling ako sa tanong nya.
"Hindi naman sa ganun, ayokong magswimming pool. Gusto ko sa beach."
Hawak-hawak ko pa rin yung VIP key na tinapon ni Patpat. Hingal na hingal nga akong bumalik sa room namin para ibalita na may susi na ako. Kaso may Master Key na ang boys, pinabibigay daw ni Kian at Rose.
Ibig sabihin lang nun, magkasama sila habang wala ako. Pake ko sa kanila? Magsama sila hangga't gusto nila, dyan naman sila magaling e. Sa pagsisikreto ng maraming bagay. Lalo na't engage na yung dalawa sa kaswertehang palad.
"Ah okay, iiwan lang namin ni Jessie yung master key dito. Akin na lang yung VIP key mo," sabi nya habang nakabukas palad.
Binigay ko naman sa kanya. Wala talaga akong plano pumunta dun. Mamaya na ako magbibihis kapag andito na yung pagkain namin, ako lang naman mag-isa kaya literally sa akin lahat ng pagkain ngayong araw.
"Bye, Sam. Sunod ka lang ah," paalam ni Jessie habang sinasarado yung pinto.
Napabuntong hininga ako tsaka humiga sa kama. Hindi ako makaget over sa nangyari. Sinabi ko ba talaga yun sa kanya? No choice ako e, friends vs. sya, ang obvious ng pipiliin ko sa dalawa.
"Kung bakit nya ba kasi ako pinapili," I said in between my sigh.
*tok tok tok*
Halaa, baka food ko na yan. Wehehe, bumangon ako agad at binuksan yung pinto. Tuwang-tuwa pa ako at parang nagliwanag pagmumukha ko. Kanina pa kaya ako gutom na gutom. Ikaw kaya maagang gumising tapos walang kain??
"Fooo ---"
ako: O/////////o
sya: ~_____o
Kyaaaahhh. Bigla kong sinara yung pinto. Di ko sinasadya ha, pero kasi nagulat ako sa pagpop-up nya sa harapan ko. Walangya!
Kumatok ulit sya. Napapalunok laway ako ng wala sa oras nito e. Tsk, anong mukha ang ihaharap ko sa lalaking 'to? Di ko pa naman kinakaya ang hyperventilation kapang andyan sya sa malapit. Lalo na pag kaming dalawa lang. Ang daya, parang ako lang 'yung nagkakaganito.
"Buksan mo nga, may sasabihin ako."
May sasabihin daw sya? Ano naman kaya yun? Aayy, nagiging masokista na ba ako ha? Sadista naman ako originally.
"Ah.. eh.. kasi.. tungkol saan ba?" pagmamaldita ko pero kinakabahan ako dito. Nanginginig na nga tuhod ko e, kakain talaga ako ng balut bukas.
Silence muna before sya sumagot.
BINABASA MO ANG
Camp Royalty | Under Revision
HumorSix wealthy teeanage royalties. Six spoiled brats. Six different personalities. Living in one roof! What could go wrong? End: May 14, 2017
