Samantha's Point of View.
"Ayos! Babalik na tayo sa Camp Royalty!" hyper na sigaw ni Jess at Jona sabay apir.
Mga loka-loka.
Hindi ko sila pinansin at nagpatuloy pa rin sa pag-aayos nang gamit ko sa bagahe. Dati naman, sakto ito bakit ngayon parang malaki? Tsk. Ang hirap talaga kapag hindi ka marunong mag-ayos ng gamit.
"Aay, ano ba yan," I mumbled, forcing my things to compress inside my bag.
Napansin ako nila Jessie and Jona na ngayon ay nagsasaya lang sa mga bagay-bagay na kung ano-ano. Panunuod ng TV at paghiga.
"Let me help," ani Jona.
Tinulungan nya akong ipush at ilock yung zipper ng bag. Ako naman tung si tatanga-tanga, naipit ng wala sa oras. Ah juskopo! Ang sakit-sakit naman, parang natanggal yung konting balat sa index finger ko.
Agad ko yung tinanggal mula sa pagkakaipit at dumugo nga sya ng konti.
"Ugh. Sh*t," I cussed habang pinapaypay ng bahagya ang aking kamay.
Ang hapdi!
"Naku, Sam. Ayos ka lang? T-Teka, kumuha ka ng Betadine dun sa kit, Jess," utos nya.
"Ayos lang, maliit lang naman ito e," sabi ko habang pinapaypay pa rin ang daliri.
Jusmeyo! Sa lahat ba naman ng araw ko? Ngayon pa? Ganda-ganda na sana nang gising ko kanina tapos ngayon naipit na lang ako ng basta-basta. Signus ko ata ito na may paparating na kamalasan sa buhay ko bukod kay Rose at Kian!
Bumalik si Jessie dala-dala ang first aid kit na kinuha nya mula sa cabinet. Agad akong ginamot ni Jona.
"It's just a small wound," ani ko.
"Ano ka ba. Alam naman naming manhid ka talaga pero mahapdi rin ang sugat no. Mafefeel mo rin ang sakit kaya gagamutin natin ito," utas nya habang dinadampi ng dahan-dahan ang bulak sa aking daliri.
"Bakit naman ako namanhid?"
Nagkibit-balikat lang sya tapos ay bumalik na sa panggagamot ng aking sugat. Napatingin ako kay Jessie na ngiting-ngiti ngayon sa harapan nang kanyang cellphone.
"Baliw ka na ba?" seryoso kong tanong sa kanya.
Kaya napatingin na rin si Jona sakanya.
"H-Hindi. May videong nakakatawa," sabay halakhak.
Nagtinginan agad kami ni Jona, Palusot Queen talaga kahit kailan. Ang halata nya masyado para magsinungaling.
"Alam mo, Jessie. Hindi ka talaga marunong magsinungaling," nakangising sambit ni Jona habang naglalagay ng band-aid sa aking daliri.
"B-Bakit naman?"
Tinaasan ko sya ng kilay. "Kailan pa nagkaroon ng video ang 3310 model na Nokia?"
Binuka nya nang kaunti ang kanyang bibig pero di na rin nagsalita. Huli ka balbon!
"Sabi ko nga e," tsaka sya yumuko ng bahagya para matakpan ang pamumula nya.
Pagkatapos akong gamutin ni Jona, naupo muna kami saglit tsaka nanuod ng palabas. Adventure Time, one of my fave series and episodes. Naka concentrate lang talaga kami sa panunuod nang biglang may kumatok sa pinto namin.
*tok tok tok*
Nagtinginan lang kami sa isa't-isa tsaka kaming sabay na humiga ni Jona sa kama.
"May kumakatok," I groaned.
"Oo nga, may kumakatok," segunda ni Jona.
Tinitigan lang kami ni Jessie nang nagtataka. Nung nagets nya ang pinapahiwatig namin, bumuntung hininga sya tsaka tumayo.
BINABASA MO ANG
Camp Royalty | Under Revision
HumorSix wealthy teeanage royalties. Six spoiled brats. Six different personalities. Living in one roof! What could go wrong? End: May 14, 2017
