Chapter 34

622 15 4
                                        


Jessie's Point of View.

Hindi ko alam kung ano yung nakita ko kahapon, but I'm pretty sure na nakita ko na yun noon. I can't even look at her eyes because I am so so dumb about what I saw.

"Okay ka lang?" bulong sa akin ni Ron.

Bumalik ako sa reyalidad dahil sa boses nya. Andito pala sya? Kailan pa? Tumango lang ako tsaka nagpatuloy sa paghuhugas ng pinggan. Hindi ko namalayan na huminto ako saglit dahil sa pag-iisip.

"May iniisip ka ba? Mukha kasing malalim. Hindi mo man lang ako napansin pag pasok ko," sambit nya sa isang nagpapakonsensyang tono.

Loko rin itong si Ronier pero isa yun sa mga nagustuhan ko sa kanya.

"Wala naman. Natulala lang saglit," nakangiti kong tugon.

Hindi pa rin ako mapakali. Maaari ba itong iniisip ko? H-Hindi naman siguro, kasi kung ganun man, sinabi na sana ni Ronier diba? Isa kaya iyong malaking sikreto kasi hanggang ngayon hindi nya pa rin sinasabi ang katotohanan sa amin.

"Jessie."

Napatigil ako sa pagmumuni-muni ng bigla nya akong tinapik sa balikat. Napatitig ako dahil sa gulat at binaling ang aking atensyon sa kanya.

"B-Bakit?"

"Nakita mo ba ang litratong yun?" seryoso nyang tanong sakin habang tinititigan ako sa mata.

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong isagot o hindi ko dapat isagot. Hindi ko alam.

"A-Ang alin?"

Bumuntong hinga sya bago ako sinagot sa tanong ko. "That picture. You saw it?"

Binaling ko ang atensyon ko sa ibang direksyon. Yung mga mata ko hindi rin mapakali, signus na nagsisinungaling ako sa sinabi ko at sasabihin ko.

"Jessie!"

"Oo. I-I saw it accidentally, okay? Hindi ko sinasadya. Ron, I'm so so sorry. I promised that I won't tell her," sabay taas ng kanang kamay.

It's called promise guys kahit childish tignan. Everybody keeps doing it.

Binigyan nya ako ng isang masayang ngiti. I think he believes me, right? Ginulo nya ng kaunti ang buhok ko.

"You're too honest, Jess. Alam kong hindi mo kayang magsinungaling. I'll expect something will happen," nilagay nya ang buhok ko sa gilid ng aking tenga. "The reason why I like you," sabay ngiti.

"L-Like din kita, Ron," utal-utal kong sambit. Aish, bumabalik na naman sakit ko. Takte!

Bumitaw sya tsaka biglang namula. Kyaah! He looks like my favorite cartoon character, minion, ang cute ni Ronier. Mas lalo akong nai-inlove sa kanya.

"S-Sige na, tapusin mo na yang paghuhugas ng pinggan," namumula nyang tugon bago pumasok sa kwarto nila.

Nakangiti lang ako habang tinititigan syang maglakad papasok. Napabuntung hininga lang ako at tinapos din agad ang paghuhugas ng pinggan. Baka hindi ako makatulog ng maayos dahil sa nalaman ko.

After I washed the dishes, pumasok na ako ng kwarto and found out na si Jona lang ang andun. She's always doing the same thing, nagbabasa lang sya ng libro gabi-gabi habang nakaharap sa studylamp nyang si Pikachu.

"Jona, asan si Sam?" tanong ko.

Napatingin sya sa akin. "Nasa balcony sya ngayon. Tapos ka na?"

"Oo," sagot ko.

Humiga ako sa kama ko ng patalon at binalik naman ni Jona ang kanyang atensyon sa pagbabasa ng libro.

"Ano yang binabasa mo?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 16, 2025 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Camp Royalty | Under RevisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon