Chapter 26

452 12 0
                                        


Samantha's Point of View.

"NOOOOOOOO!"

Bumangon ako agad at tinititigan ang isa sa mga kasama ko. Ano bang nangyayari? Lumabas ako agad para icheck ang nangyari.

"Ano ba yun?" tanong ni Jona habang kinakapa ang eyeglasses nya.

Para syang bulag sa ginagawa nyang yan, matulungan nga. Bumaba ako at sinuot sa kanya yung eyeglasses.

"Thanks, Sam."

Lumabas kami pareho ni Jona, andun kasi si Jessie sa sofa natulog ngayong gabi. Mukhang nakatulog kahihintay kay Ronier na dun na lang din natulog sa sofa. Hay buhay!

Nung nakalabas na kami ng room, nadatnan namin si Ajay na halos balutin nya sarili nya ng kumot.

"Para kang suman," pabirong sabi ni Jona. Sabihin nya, gwapo pa rin kahit ganun. Hay pag-ibig.

"A-Ano yun?" napatingin kami kay Kian na nakatopless lang. Omosh, ang pandesal oh. Six pack!! Napatulala ako agad... Ay hindi, concentrate ka Sam, may sumigaw kanina. Dun dapat atensyon mo. "Nanggaling yun sa CR!" dagdag nya. Kaya tumakbo kami papunta dun.

Nadatnan namin si Rose na pinipisil ang pimples nya. Ano ba yan, di naman kailangan pisilin e. Kadiri yan kapag dumami na.

"Iiiiihh, ano ba yan. Bakit dumudugo pimples mo?" nag-iinarteng sabi ni Jona, actually, ginagaya nya talaga yung OAng accent ni Rose.

Sinamaan nya kami ng tingin at tinignan isa-isa. Whoo, bakit sa 'kin nakafocus tingin nya ha?? Ano na namang ginawa ko sa mestizang tilapia na 'to?

"What?" pagtataray ko sa kanya. Tinaasan ba naman ako ng kilay? Aba't!

"Whatever," sabi nya tapos balik ang tingin sa salamin.

Nagbuntong hininga kaming lahat. At isa-isa ng umalis sila Jona at Ajay, aalis na rin sana ako kaso nagsstay put lang si Kian. Di ba sya aalis??

Tinignan nya ko at ngumisi. Halaa, baliw na talaga 'to.

"Tingin-tingin mo jan?"

"You're waiting for me?" sabay ngiti ng nakakaloko. Umiling lang ako at inirapan sya. "I'll just stay here," seryoso nyang sabi tapos balik ang tingin kay Rose.

Napatingin din ako sa kanya. She's still touching her pimples, mukhang di sya sanay sa ganyang kalagayan. Nakakaawang babae.

"May gamot ako dun, pampatanggal. Kunin mo na lang kung gusto mo," sabi ko bago umalis.

Hindi pa rin ako tinitignan ni Kian. Ano pa nga ba? E focus sya sa fiancee nya, yun kasi sinabi ko bago kami umalis sa Neverland- atleast yun ang tawag nya sa paraisong yun.

Pagdating ko sa kusina, diretso lang upo ko sabay buntong hinga. Tss. Tama naman tung ginagawa ko e. Dapat nyang matutunang mahalin fiancee nyang hilaw.

**Flashback

Bumangon ako mula sa pagkakahiga sa damo. Ang sarap kasing higaan kasi bermuda. Oo, makati-kati sya pero ang ganda naman ng langit tsaka ang lamig sa pakiramdam.

Camp Royalty | Under RevisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon