Chapter 12
—
Ajay's Point of View.
Aaah. Ganun pala. "Kaya kailangan nating mag general cleaning ngayong araw," pagtatapos ni Jona.
"Psh, ang babaw talaga ng mga babae no? Konting alikabok lang lagnat agad. Sana sinabi nya na allergic sya, hindi yung ang daming paligoy-ligoy," inis nyang sabi.
"Kian, may problema ka ba talaga kay Sam? Tumahimik ka na nga!" - Ronier.
Tumahimik rin s'ya agad. Peace at last, tapos biglang pumasok si Sam. Narinig nya kaya ang pinag-uusapan namin?
"Tss, hindi ka naman pinipilit, Patpat!" Asik ni Sam.
Hinarap nya si Samantha at diretso ang tingin nito sa mapupungay nitong mata.
"Sinabi ko bang ayaw ko? Wag kang magsalita ng tapos dyan!"
Ahahaha, kung alam ko lang may something sa dalawang 'to.
"So ano? Simulan na natin?" hyper kong tanong. Hindi pa kasi ako nakakapaglinis sa buong buhay ko kaya nakakaexcite lang.
Ikaw kaya ang lumaki sa yaman at luho. Makakapaglinis ka pa ba? Puro inom at pagbabar lang ang ginagawa ko noon e. Kaya pala masyadong boring ang buhay dahil sa paulit-ulit na routine.
"Okay!" sabay-sabay nilang sagot.
Tumayo kami isa-isa at nagsimula ng maglinis nung biglang dumating si sir Kye na may dalang panlinis. "Oh, mag-ggeneral cleaning kayo diba? O ayan, pinadala ni Rj," then we took the brooms and floor wax.
"Thanks, sir," si Jessie.
Kinuha ko yung lampaso, malakas kaya ako. Si Kian sa mop, si Ronier sa floor wax at tambo. Si Jona at Jessie sa walis, at bawal ang alikabok kay Sam kaya naman sya sa bintana.
"Seriously? A window cleaner?" utas ni Sam.
"Ang aga-aga nagtataray ka na naman d'yan. Baka gusto mong magkasakit ulit?" si Kian.
Inirapan lang sya ni Sam. Magkakatuluyan talaga itong mga 'to e.
"Jona, pagkatapos kong maglampaso walisan mo agad." Utos ko.
"No prob."
"Guys, let's split up. Maliit lang naman etong bahay," utos ni Sama. "Jona and Ajay, doon kayo sa kusina. Ronier and Jessie, sa mga kwarto kayo at tayo Patpat, dun tayo sa sala," dagdag nya.
Ngumiti agad ng nakakaloko si Kian. "Sabi ko na nga ba at may pagnanasa ka sa 'kin e. Akalain mo yun? Ako pa tala-" Sam cut his words off.
"E di wag. Hoy, Ronier. Tayo na lang pala sa sala," agad namang sumunod sa kanya si Ron.
"Hoy! Wag kang magbiro dyan. Biro lang naman yun!" protesta ni Kian.
Pero wala na syang nagawa kasi seryoso si Sam sa kanyang sinabi. Kapag si Ms. Maldita na ang kausap mo, wala ng panahon sa biro.
BINABASA MO ANG
Camp Royalty | Under Revision
HumorSix wealthy teeanage royalties. Six spoiled brats. Six different personalities. Living in one roof! What could go wrong? End: May 14, 2017
