Jellyfish

514 47 2
                                    

KADEN'S POV

Time flies so fast at next week na ang outdoor activity na pinaghahandaan ng school at namin. Mom and ate Cre talked about it too last night and they decided to have a family dinner sa bahay nina Eris dahil dun sya nag s-stay, kaya panigurado at makikita ko na naman ang mga ugok na yun mamaya.

Everything's fine din naman for the past weeks. Nanjan pa din naman yung inis na inis ako sa pito, lalo na kay Blue dahil sa pang aasar nya. Yung mga masasamang tingin na binibigay sa akin ng mga new and old students dahil kaibigan ako ng pito na hindi ko din binibigyang pansin.

Papunta ako ngayon sa library kung nasan si Kacey dahil may binigay na gawain ang History teacher namin at sya ang inatasan para dun ng harangin ako ng grupo nina Ashley.

Napa buntong hininga na lang ako. Isa din ang grupo ni Ashley sa mga may ayaw sakin. Bakit? Kasi mas close kami ni Eris- which is ang super crush nya sa pito. Obsessed na nga ata 'to eh.

Kahit ayaw ko mang sabihin, silang tatlo ng kasama nya ay isa sa sikat na grupo dito sa B.U dahil sila lang naman ang gumawa ng fandom para lang sa minamahal nilang Scorxh. Na syempre, pinangunahan ni Ashley, at kapag may nalaman or narinig silang mga estudyante na malapit or lumalapit sa Scorxh, tinatakot nila ang mga ito para hindi na makalapit pa ulit sa pito.

"Where are you going?" Mataray na tanong ni Ashley with matching cross arms pa. Well, Ashley is actually beautiful and all. She's wealthy din kasi her fam owned some famous beaches here in country A. Kasama na din ang dalawa nya pang kaibigan na si Angela na heiress ng Marionette Corporation na isa din sa malaki at sikat na company at si Kia King na anak ng may ari ng pangalawa sa sikat na nagbebenta ng mamahaling cruise ship.

"Pupuntahan mo na naman ba ang Scorxh?" Singit ni Kia ng naka taas din ang kilay. Umiling iling na lang ako. Si Angela naman tahimik lang na naka tayo sa kaliwa ni Ashley.

Medyo madami rin ang estudyante na nasa hallway ngayon dahil ilang minuto na lang ay out na namin kaya may mga lumalapit din sa pwesto namin para lang umusisa.

I don't have time for this. Lagi na lang ganito ang scenario na nangyayari dahil lang sa Scorxh na yun.

"Its none of your business." Bored na saad ko saka sila nilagpasan. Hinawakan naman ng mahigpit ni Ashley ang braso ko bago ako makalagpas saka ako pinaharap sa kanya at bumulong sa kanang tenga ko.

"Just because maraming takot na lumapit sayo dahil kaibigan ka ng Scorxh ay pwede mo ng gawin ang gusto mo, you're wrong. Just wait and see Kaden. Just wait." Matigas na sambit nya.

Inis na inalis ko naman ang kamay nyang naka hawak sa braso ko.

"Do whatever you want. Pero wag na wag mong idadamay ang kahit na sinong malapit sa akin dahil kung hindi....." I just smirked at her and was about to leave when she stoped me.

"Say it bitch." Wika nya habang nasa likod ko ang tingin. Lumapit naman ako sa kanya.

"I'm capable of doing.. anything." Saad ko saka tumalikod.

Nagulat naman ako ng tumambad sa akin ang mukha nina Blue na walang ekspresyong naka tingin sa akin.

"What Kaden? I'm just asking you! You don't have to threatened me that you're going to kill me!" Lahat naman ng estudyanteng nanonood ay nagulat sa sinabi nya. Pati ako at ang Scorxh.

Nagsimula na din umingay dito sa hallway dahil sa mga bulungan ng mga estudyante.

"Alex?" Rinig kong sambit ni Jack sa pangalan ko.

Snow White's Seven Handsome Jerks!✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon