KADEN'S POV
"Hello po sainyo." Humalik naman ako sa cheeks ng mommies nung anim matapos kong batiin ang asawa ng presidente na si mrs. Ferer. Oo yung nanay nung ANIM. A.N.I.M. pagkapasok namin sa bahay nina Eris.
Hindi na ako nagulat ng madatnan ang parents nung anim dahil matagal na silang magkaibigan. Yung mga daddies naman namin ay nasa gilid at nag uusap about business.
"Wow! Is this Kaden? Ang ganda mo na hija." Saad ng mom ni Andrew. Ngumiti naman ako saka nagpasalamat.
Hinanap naman ng mga mata ko ang pito para kunin ang mga mom nila- hindi dahil sa ayaw ko sa kanila pero dahil alam kong magiging awkward ang situation ko sa mga questions nila dahil matagal tagal na din ng huli nila akong makita dahil halos lahat ng parents namin ay busy sa kanya kanyang trabaho at businesses.
Malamang nasa activity room ang mga yun sa ikalawang palapag ng bahay nina Eris. May activity room kasi silang pinagawa kung saan pwedeng gawin ang lahat ng gusto namin. Nandun na yung music room nila kung saan sobrang nakaka attract yung mamahaling glass piano nila na nasa dulo, drums, guitars may paintings rin and portraits at yung mga gamit for sports. Halos lahat kumpleto.
"Ano pa. Mana sa mommy eh." Wika naman ni mom na sinangayunan nilang lahat. Nahihiyang napa yuko na lang ako at ngumiti.
"Oh by the way, may boyfriend ka na ba hija?" Dahil sa tanong ng mommy ni Blue, napa hinto sina dad sa pag uusap na parang hinihintay ang sasabihin ko.
Sabi na eh.
"W-wala po tita hehehe." Awkward kong sagot.
"Sigurado ka anak?"- That's daddy na nanliit pa ang mga mata. Tumawa naman yung daddy nung pito while tito Valentine- Ricky's dad just pat him in the back.
"Chill Alec. Napaka strict mo naman bro. Let her be. She's on her teen year!" Tito Eric says- Eris's dad while chuckling. I saw dad snapped his head at tito saka pinanliitan ito ng mga mata.
"My daughter is still a baby. You don't understand kasi hindi nyo pa sinusundan si Eris." He said at tito smirking, while tito Eric just shrugged.
"Ewan ko kay misis. Masyadong busy eh. Nakalimutan na sigurong may asawa sya at puro papers ng 'Triple E corporation' ang inaatupag." Nag tawanan naman kami habang si tita Eunice ay namumula ang buong mukha.
"Eric!" Nahihiyang sigaw nito.
"Nako Eunice ha. Sundan nyo na kasi si Eris." Panunudyo naman ni tita Beige na mommy ni Ricky habang naka arko ang braso kay mommy.
"Oo nga para maging ninang at ninong ulit kami." That's mrs. Kate Black and she's yawning. Now I'm 100% sure nakuha ni Kihyun ang ugali nya kay tita Kate na kwento pa ni mom dati, sobrang hilig matulog.
Natatawang nanonood lang ako sa asaran nila ng ibalik ulit sa akin ang topic kaya napa lunok ako.
"Ay nako! Dapat kung magmaka boyfriend ka ipakilala mo saaming lahat ha? Tapo-" Hindi na naituloy ng mommy ni Steven ang sinasabi dahil sumingit na yung pito.
"Sinong magkaka boyfriend mom?" Parang magkambal at sabay na saad nung pito na kakababa lang sa hagdan.
"Boys!"
"Good evening mr. and mrs. White." Lumapit naman sila kina mom saka hinagkan ito sa pisngi. Napansin ko naman si Blue na naka suot ng itim na turtle neck na sweater at iniiwas ang tingin sakin.
BINABASA MO ANG
Snow White's Seven Handsome Jerks!✔
Teen FictionLANGUAGE: TAGALOG-ENGLISH #04 HIGHEST RANKING ACHIEVED IN TEENFICTION 2022-07-24 I'm not really that Disney Princess they call Snow White, I don't have black and off shoulder with bangs hair like her 'coz mine is blonde and long one. Yet I become...