ERLYN'S POV
"Like omg, what should I do? Pupunta ba ako or hindi? Wag na lang kaya? Pero nakakahiya naman sa daddy ni Andrew if I won't come right?" Napa iling na lang ako kay Kacey. Kinwento nya kasi sa amin ni Aleah ang paguusap nila ng daddy ni Andrew yesterday at hanggang ngayon hindi pa din sya maka move on.
Ang dami nyang tanong sa totoo lang tapos sya lang din naman nakakasagot sa mga ito. Tumipa na lang ulit ako sa phone ko saka ito sinend.
"Just come. Magiging daddy mo na din naman yun soon." Biglang singit ni Aleah na nagbabasa ng libro sa couch ng dorm namin. Its already 7pm at maya maya lang magsisimula na ang party. Naka bihis na din kami.
Si Kaden naman ay pinatawag ni ms. Kate sandali. We're going straight din naman mamaya sa field kung saan kami magkikita nina Kaden at ng Scorxh.
Actually kahit hindi pa nagsisimula ay maingay na ang field na rinig na rinig dito sa dorm namin. Sa field kasi nilipat yung location ng solidarity night.
"Oy! Anong daddy ka jan!" Para namang inasinan ang pwet ni Kacey sa sinabing yun. Napa ngisi na lang ako.
Kinikilig pa ang loka.
"Ayaw mo nun?" Balik namang sagot ni Aleah na ngayon ay natuon na sa amin ang atensyon at naka sara na ang librong binabasa.
"Duh! Ayaw nya ng daddy, baka gusto nya sugar daddy!" Asar ko saka kami humagalpak ng bigla akong tapunan ng unan ni Kacey mula sa higaan nya.
"Walangya! Hindi ko sinabing gusto ko ng sugar daddy!" Sigaw nya pero mas lumakas lang ang tawa namin ni Aleah.
"Oo na!" Saad ko.
"Mabuti pa at lumabas na tayo." Saad ko na sinangayunan naman nila.
We fixed ourselves before going out. Even though sa loob lang ng villa ang party, of course we're wearing party clothes pero hindi revealing ha! Yung natatago pa rin naman ang kailangan itago tsaka light make ups lang naman.
Isa pa, we're not planning to be the events clown tonight.
Aleah's wearing pumps samantalang ankle strap heels naman ang kay Kacey, while me? I'm wearing gladiator boots. Nakaka pagod kaya mag heels.
"Let's go!" Sigaw naman ni Kacey bitbit ang purse nya.
"Nako, you're just exited to see Andrew eh!" Asar naman ni Aleah.
"Shut up Aly!"
Umiling na lamang ako sa kanilang dalawa saka sinara ang pinto at nagsimulang maglakad kasama sila papunta sa field kung saan sinalubong kami ng ilan pa naming mga kaklase at ibang universities na kasama namin.
Nandoon din sina mrs. B, ms. Kate at ang tatlo pang founders na masayang nag uusap.
Wait, nandito na pala si ms. Kate. Bakit wala pa rin si Kaden? Nasan na ba ang babaeng yun?
May stage silang nilagay at disco lights. May dj din sa gilid ng stage at malalaking speakers with loud party song blasting on it kaya halos mag sigawan na kami para lang magkarinigan.
May mga tables din kung saan napupuno ng mga estudyanteng nag uusap.
We took our glasses sa waiter na nag iikot bitbit ang tray na may lamang wine glasses.
"Sanaol may pa waiter!" Sigaw ni Kacey.
"Upo lang muna ako guys! May umapak ng paa ko eh tae!" Sigaw naman ni Aleah na mukhang nairita kaya tinanguan lang namin. May mga kumausap naman sa amin na taga ibang universities kaya panandalian kong nakalimutan ang oras.
Inilibot ko naman ang paningin ko sa paligid habang napapa head bang para sana hanapin kung nasaan na si Kaden o kahit man lang ang Scorxh pero bigo akong mahagilap sila.
Nakakapag taka. I think its already 2 hours pero wala pa rin si Kaden. Bigla namang umingay ang mga babaeng nasa gilid ko dahilan para mapa tingin ako sa direksyon nila at nakita ang Scorxh na sumali sa dance floor.
I nodded at them when they saw me and they did the same.
"Yow! You look gorgeous!" Rinig kong komplimento ni Eris sa akin na nginisihan ko lang.
"Don't expect me to compliment you too." Umarte naman itong nasaktan na may pahawak hawak pa sa left chest saka nawala sa paningin ko. Hindi ko na ito hinanap pa dahil paniguradong nambabae na naman yun para sa hinanda nyang gasgas na pick up lines.
"Sup Erls!" Bati naman ni Jack saka ako binigyan ng high five.
"Dance floor lang muna ako!" Tinanguan ko lang ito.
Nag usap pa kami saglit nina Steven, Kihyun tsaka Jack bago nag kanya kanya. I saw Kihyun na napapa head bang at kasama si Andrew who's looking at Kacey's direction across the field pero hindi man lang nito malapitan. Si Ricky naman ay naka upo kasama si Aleah and they seem to have fun sa mga pangmalakasang math topics nila. Si Steven na kausap ang SSC councils at si Jack na obviously sumasayaw.
"Have you seen Kaden?" Biglang tanong ni Blue sa akin. I took a sip at my wine before I shook my head.
"Nope! But I guess she's somewhere here. Nandito na si ms. Kate eh!" Sagot ko naman. Nakita ko namang kumunot ang noo nya.
"What are you saying?" Tanong nya na mas lalo pang lumapit sa akin.
"She told me ms. Kate's looking for her! So she left us in our dorm an hour ago and told us na dito na lang mag kita!" I shouted between loud music.
"She didn't see ms. Kate!" Sagot nya naman kaya bigla akong napa hinto.
"What?"
"Ms. Kate is with us the whole time!" Bigla naman akong kinabahan dahil sa sinabi nya.
"Maybe she's just here! I'll go look for her!" Mabilis namang nawala sa paningin ko si Blue at nakitang kausap na nya ngayon ang iba pang myembro ng Scorxh. Kinapa ko ang bulsa ko para sana hanapin ang phone ko ng maalalang naiwan ko pala ang purse ko sa dorm.
Dali dali naman akong tumakbo patungo sa dorm building. Habang nag lalakad ay hindi ko maiwasang mapa hinto. Feeling ko kasi something's really wrong.
Walang katao tao ang hallway ng building dahil lahat ay nasa field.
Ng marating ko na ang dorm room namin ay agad ko itong binuksan at hinanap ang purse ko. Nakita ko naman ito sa ilalim ng paanan ng higaan ni Kacey kaya kinuha ko ito.
Agad kong kinuha ang phone sa loob at nakitang may 10 missed calls akong natanggap.
"Darn." Wika ko sa sarili saka dinial ang numerong tumawag sa akin ng may mahagilap ang mga mata kong maliit na sticky note sa ilalim ng kama ni Kaden kaya panandalian kong nakalimutan ang tinatawagan ko.
Inabot ko ang papel saka binasa. Kasabay ng pag sagot sa kabilang linya ay ang pag lakas naman ng kabog ng dibdib ko.
"K-kaden..." I muttered kasabay ng tatlong magkasunod at malalakas na pag sabog na malapit lang din sa kwarto namin.
All the lights went out at bigla din napalitan ng malakas na sigawan ang kanina lang maingay na field.
Kahit na nahihilo ay agad akong lumabas at sinalubong ng itim at makapal na usok. I covered my mouth with my other hand habang ang isa naman ay pinapaypay sa usok.
I heard footsteps and voices around me. May police cars, ambulance at fire truck din. Later on I saw Kihyun's silhouette followed by other facilitators whose calling my name.
Napa upo na lang ako sa damuhan dahil sa usok na nalanghap.
Sari saring tinig ang aking naririnig na mas nagpahilo pa sa akin yet before losing consciousness, all I managed to say is Kaden's name while clutching the sticky note in my hand.
✂-------------------------------✔
Where's Kaden? Anyone who saw her? Hello? Usto q sumali ng PNPA 😩 happy holidays!!! 🎄🌻
❄Vote ❄Comment ❄Follow Me
BINABASA MO ANG
Snow White's Seven Handsome Jerks!✔
Teen FictionLANGUAGE: TAGALOG-ENGLISH #04 HIGHEST RANKING ACHIEVED IN TEENFICTION 2022-07-24 I'm not really that Disney Princess they call Snow White, I don't have black and off shoulder with bangs hair like her 'coz mine is blonde and long one. Yet I become...