Ate Cre/ms. Kate is one.
Enjoy! ❤️✨
~
KADEN'S POV"KADEEEY~ Wake up girl!" Sigaw ng kung sino mang hampas lupa ang naka pasok sa loob ng kwarto ko.
Ayoko pang bumangon! Antok pa ako!
"KADEEEEY~" Dagdag pang yugyog nito sakin.
"Arghhh! Fine! Fine! Get out of my room now!" Sigaw ko kay Kacey na naka pamewang sa harap ko.
"Great! I'll be waiting for you downstairs- hey!" Excited na sambit nya. Hindi ko na ito pinansin pa at tinapunan sya ng unan ko.
"I get it! Now, go!" Maktol ko pa dito. Umirap lang ito sa akin at padabog na lumabas ng kwarto.
I glanced at my bed side table and my jaw almost drop!
"5:30am?! Seriously?!!" Napa suklay na lang ako ng buhok atsaka napa buntong hininga.
That girl!
Sheez! I forgot to lock my door again!
I'll never gonna let that girl step inside my room ever again.
Padabog na lang akong tumayo sa higaan ko at nag lakad papasok sa banyo and did my morning routine.
Nag mukha na akong naka drugs dahil sa itsura ko ngayon. Its been 2 days matapos ng pagpunta ko sa Shura and I must say, I won the race yet the girl with her acronym A still bothers me.
Idagdag pa na nag sisimula na akong kabahan.
Today's Monday at tomorrow na ang simula ng 5 days or Tuesday-Saturday traditional outdoor cultural festival kaya ganito na lang ang excitement ni Kacey dahil ngayong araw mamimili kami ng kakailanganin nyang ingredients para sa pag be-bake kasama ni Andrew para sa T.L.E subject namin.
Kailangan din naming pumunta sa school mamaya para iiwan ang mga gamit na dadalhin bukas dahil bukod sa city C gaganapin ang event, ay duon din matutulog ang lahat ng estudyante sa villa ng owner ng B.U.
Mabuti na lang at exempted ang mga students na may sinalihang events.
I heard Eris joined school news paper at sya ang photographer dito dahil kinulang sa staff ang mga ito kaya nag volunteer si Eris tutal mahilig din naman syang kumuha ng litrato.
Si Jack naman ay naging choreographer ng dance crew ng university, si Ricky sumali ng Quiz Bee, si Andrew of course partner sila ni Kacey sa pag b-bake, samantalang si Steven na mabuti ang kalooban ay tumulong sa student council para sa gaganaping event.
Si Kihyun? Himala, he made a progress dahil kung tinatanong nyo ako tungkol kay Kihyun, he joined basketball team for the first time.
Akalain mo yun, hindi lang pala tulog ang hobby nya?
Si Blue ba kamo? Ewan, baka naging isang ganap na dikya na talaga ang lalaking yun. Well, I heard he joined Soccer team.
Last night, we held a family dinner dito sa bahay together with ate Cre and of course hindi mawawala ang parents ng pito, at syempre those seven jerks themselves para nga pag handaan ang sudden movement ng activity.
Gaganapin din ang activity sa city C kung nasaan ang isa sa malaking lupa na pagaari ng owner. May tatlong university ang dadalo. Ang Hampton, Riley at Oscar Prestige Univ.
Magbubukas ang festival of course, on its first day kung saan mag sisimula ang tasks nila Kacey at Andrew hanggang matapos ang event. Sa second day naman ang Soccer match ni Blue at ang Quiz Bee ni Ricky, third day ang basketball match ni Kihyun at Dance match ni Jack, sa fourth day ay ang Archery match ko at sa fifth day ay ang closing day or tinatawag na Sorority night kung saan i a-announce ang lahat ng nanalo at awards na makukuha at may paparty din sa gabi.
BINABASA MO ANG
Snow White's Seven Handsome Jerks!✔
Teen FictionLANGUAGE: TAGALOG-ENGLISH #04 HIGHEST RANKING ACHIEVED IN TEENFICTION 2022-07-24 I'm not really that Disney Princess they call Snow White, I don't have black and off shoulder with bangs hair like her 'coz mine is blonde and long one. Yet I become...