Opening

251 38 0
                                    

KADEN'S POV

"Eris?" Takang tanong ko dito ng mapansin sya ang katabi ko at hindi si Kacey. Ngumiti naman ito sa akin hawak ang mamahalin nyang DSLR.

"Good morning Alex best friend!" I glanced in front of us para hanapin si Kacey when I saw her sitting beside Andrew na dalawang row sa unahan ang layo sa akin.

What? So mas uunahin nya ang crush nya kesa sa akin na best friend nya?

Umirap lang ako sa direksyon nila ng makitang kilig na kilig si Kacey dahil sa mga gasgas na banat ni Andrew dito. Hindi na ako nag atubili pang hanapin ang limang mokong na kasama ng mga ito dahil alam ko namang nasa tabi tabi lang sila.

My gaze stop midway the bus when I spotted Ashley and friends deadly stares at me. I just rolled my eyes at them.

Great! Kasama ko na naman sila. Argh! Can someone give me a break?

"Anong good sa morning kapag mukha mo ang nakikita ko?" I said bluntly. Kumibit balikat naman ito at inayos ang buhok. Napa taas na lang ako ng kilay.

Lumingon uli ito sa akin na naka kunot ang noo.

"Lahat ng babae na ga-gwapuhan sakin, alam mo ba yun? Bakit ikaw hindi?" Muntik ko ng matampal ang mukha nito dahil sa sinabi.

Does he think everyone's the same?

"'Coz I'm not like them, idiot." Bagot kong sagot na ikinabusangot ng mukha nya. Ang lakas lang ng hanging mayroon sa katawan ang lalaking 'to.

I heard someone stifle their laugh and so I glanced instinctively at my back and saw Blue and Steven's faces.

Blue was smirking habang naka ngiti lang ng matamis si Steven sa akin. Nasa kabilang row naman si Jack kasama si Ricky whilst Kihyun, naka upo sa dulo ng bus at kaswal lang na naka pikit.

I just rolled my eyes at Blue saka itinuon na ang tingin sa harap.

"Ang gwapo ko naman para 'di ka mag c-crush sa akin." Maktol ni Eris sabay nguso.

"Really Eris?" 'Di makapaniwalang sambit ko. Tumango tango naman ito.

"Yup." Umiling na lang ako.

"You're hopeless." I said.

"You're so harsh Alex princess." Rinig kong komento ni Jack na nasa kabilang row lang.

"Yeah right." Sambit ko. Ngumuso lang ito saka ibinalik ang suot na airpods.

*click

My head instinctively turned to Eris when a flash of camera hit my face.

"Eris Jayne!" I shriek. Ngumiti lang ito sa akin atsaka nag peace sign.

"Remembrance best friend." Sambit nya. I just rolled my eyes at him saka inayos ang sarili.

"Ulitin mo! Dapat maganda ako jan!" Utos ko dito sabay pose.

Hindi naman ito umangal at kinuhanan ako ng picture.

"Ay wow! Taas talaga ng confidence!" Natatawang komento ni Andrew na naka tingin na sa amin. My eyes narrowed at him.

"Unlike you na gasgas na ang mga banat." I snapped na naka kuha ng pang aasar sa iba pa naming classmates.

"Burn." I heard Steven uttered. I looked at him and wink.

"Ako pa."

Ilang sandali pa at pumasok  na ang isa sa mga myembro ng student council at sinabing aalis na kami. I heaved at sigh at napa tingin na lang sa labas ng bintana.

Snow White's Seven Handsome Jerks!✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon