I've been a really big fan of EXO. Not only a certified KPop and KDrama lover but also a certified EXO-L. I still miss the OT12. Though they will remain as OT12 in my heart forever, I guess it's time to bring them back together kahit through fanfiction lang. Alam kong marami ng EXO fanfiction, but I'll still try my best to make my own version.
Hope you guys enjoy this one ♡
----------†----------
I'VE been holding tight my black umbrella while walking along a dark street. Napakalakas ng buhos ng ulan at tagos sa mga kalamnan ko ang sobrang lamig. Nanginginig na sa lamig ang buo kong katawan. Hindi sapat ang manipis na kulay itim na jacket lang ang suot ko. Basa na rin ang pantalon ko dahil sa talsik ng tubig-ulan.
Kanina pa ako naglalakad pero hindi ko alam kung saan ba talaga ako pupunta.
"Grrrrrrr ... "
Nabitiwan ko ang payong na hawak ko nang mapaupo ako sa basang simento dahil sa sobrang pagkagulat nang lumitaw nalang bigla sa harapan ko ang isang napakalaking halimaw!
Ramdam ko ang lalong panginginig ng buong katawan ko dahil sa sobrang takot.
Matangkad ang tindig ng halimaw na mukhang mabangis na lobo. Mabalahibo ang buo niyang katawan. Nakakatakot ang nanlilisik na kulay dilaw niyang mga mata at mahahaba ang mga kuko sa malaki niyang mga kamay. Ngunit ang mas nakakatakot sa lahat ay ang malalaki at matutulis niyang mga ngipin. Naglalabas siya ng tunog na sobrang nakakakilabot na tulad ng isang mabangis na hayop, na handa akong lapain anumang sandali ngayon.
I am frozen and scared. I couldn't even scream. All I could do is let my tears fall down on my cheeks, soaked under the rain.
Halos hindi ako makahinga habang nakatingala sa mabangis na halimaw. Sigurado akong katapusan ko na!
Wala na akong nagawa pa nang sugurin na ako ng gutom na halimaw. Ni hindi ko nagawang ipikit ang aking mga mata.
Pero ...
Pero bigla nalang ...
Bigla nalang may lumabas na isa pang halimaw mula sa kung saan. Kaya bago pa man tuluyang makalapit ang kaninang halimaw na gusto akong kainin, napigilan na siya ng isa pang halimaw.
Hindi pa rin ako makagalaw sa kinauupuan ko habang takot na takot na pinapanood ang dalawang magkauring halimaw na nagpapambuno. Palitan sila ng kagatan at hampasan.
BINABASA MO ANG
Monster University (Completed)
WerewolfWEREWOLF | ROMANCE | FANFICTION "Don't be deceived by their good looks. They are the most dangerous ones." Welcome to Stermon University! A very special place. It's an exclusive school for those who were chosen by what they called, 'The Royal Order...