Past midnight na nang makabalik kami sa SU. Pagbaba namin sa kotse, bumungad sa amin si Margaux. Her hands crossed. Higit sa lahat, mukhang hindi na naman maganda ang mood niya.
"Makakarating 'to kay Alpha." She said, giving me a cold gaze.
"Come on, Margaux! We need a break." Sabi lang ni Prey.
"Wag kang mag-alala, next time isasama ka na namin. Wag ka na magtampo." Lucien said.
She rolled her eyes.
"I'm not against this if you didn't bring her along. You freaking exposed her!" Margaux said, almost shouting.
"Nothing happened." Seryosong sagot naman ni Raven habang nakatingin kay Margaux.
I was about to say something when Margaux stepped forward to Raven. The raged in her eyes intensified by something they only knew.
"How sure are you? Binantayan mo ba siya bawat segundo? Itinali mo ba siya sa kamay mo para siguraduhin na hindi siya mapahamak?" Sunud-sunod na tanong ni Margaux na tila ba may iba pang ibig-sabihin ang mga iyon.
What's going on between them?
Raven didn't answer pero kita ko ang pagtiim-bagang niya.
"Woah! Woah! Guys, kalma lang. Tama na yan. Matulog na tayo." Lucien broke the awkward silence.
Umatras si Margaux at tahimik na naglakad palayo. Umalis na rin si Lucien at Prey kasunod niya.
Wala sa loob na napabuntong-hininga ako. Nakakatakot si Margaux. She has a really strong personality. Hanggang ngayon hindi ko talaga alam kung bakit parang ayaw niya sa akin.
Raven started walking. Sinabayan ko siya sa paglalakad at lihim na tinitingnan siya. He looked affected by something. Para bang may malalim siyang iniisip.
Wala naman talagang nangyari kanina bukod dun sa wirdong lalake na lumapit sa akin. Siguro nga dapat hindi nalang ako sumama sa kanila. Para kasing lumalabas na kasalanan pa ni Raven kung may nagyari man sa akin na hindi maganda.
Nakakapagtaka lang talaga dahil parang may iba pang dahilan kung bakit nagagalit si Margaux.
"I'm sorry." I said.
Huminto siya sa paglalakad at tumingin sakin. Ngumiti lang siya saka ginulo ang buhok ko.
"Matulog ka na." Sabi niya bago nagpatuloy ulit sa paglalakad.
Hindi ko na siya sinundan dahil mukhang gusto niyang mapag-isa.
BINABASA MO ANG
Monster University (Completed)
WerewolfWEREWOLF | ROMANCE | FANFICTION "Don't be deceived by their good looks. They are the most dangerous ones." Welcome to Stermon University! A very special place. It's an exclusive school for those who were chosen by what they called, 'The Royal Order...