Chapter 18

1.8K 95 4
                                    

Blood. There are lots of blood. What is happening?! B-Bakit ...

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko habang nakatunghay sa mga katawang nakahandusay sa sahig. They're dead. It's a pool of dead bodies and blood.

I could feel my body shaking in fear and disbelief.

Roux, Flynn, Dylan, Zey, Duke, Prey, Sven, Lucien, Margaux, Harold, Duncan ... Dad ...

This is not real!

They are not dead!

"Ahhhh!" Malakas akong nagpakawala ng sigaw nang makita ko ang isang punyal sa aking kamay. Punung-puno ito ng dugo. Punung-puno ng dugo ang aking mga kamay.

D-Did I ... Did I killed them?!

"One more, Erin!" Bulong sa akin ng isang nakakatakot na boses.

Isang kalansing ng bangkal ang narinig ko mula sa aking likuran. When I turn around, I saw him ...

Nakatali ang mga kamay at paa niya ng mga kadena. Mukhang hinang-hina na siya. His topless is covered with wounds and blood. He's trying to stand up but he couldn't. There's something in the chain that makes him even weaker.

"Kill him!" The voice said.

I couldn't feel my own body. It's like something or someone is manipulating my every move. I couldn't resist.

Unti-unti akong lumapit sa lalakeng nasa kadena. I'm determined to kill him like what the voice said.

The man in the chains kneeling in front of me. He slowly move his head up, and for the first time, I saw his face.

"Kill him!!!"

Unti-unti kong itinaas ang punyal at walang pagdadalawang-isip na itinarak yun sa kanyang dibdib.

"Hindi!!!" I shouted.

It's just a dream but it felt real.

Pilit kong pinakalma ang dibdib ko. My body is still shaking in fear. My sweat are cold.

It's still dark outside. It's just three in the morning.

Nayakap ko ang sarili ko at ipinatong ang ulo ko sa tuhod ko. Hindi ko mapigilang mapaiyak. Nakakatakot. Panaginip lang ba talaga yun o isang masamang pangitain? If it's the latter, it means I meant to kill them all. Ako dapat ang Aegis pero ako pala ang magdadala ng kapahamakan sa kanila. Pati si Dad ...

At si Alpha ...

Lalong napalakas ang hagulgol ko nang muli kong maalala ang huling eksena na yun sa panaginip ko.

I should find a way to stop that vision from happening.

"What's wrong?"

Hindi na ako nagulat pa nang bigla nalang pumasok si Alpha sa kuwarto ko. Tila ba may kakaibang koneksyon siya sa akin. He always comes whenever I'm in danger or in pain.

Tumitig lang ako sa kanya habang hawak-hawak niya ang mga kamay ko. Hindi pa rin tumitigil sa pagpatak ang mga luha ko.

"Bad dream?" He asked.

Instead of answering him, I pulled him close and hug him tight.

"You're my other half, my soulmate ... my destiny. Hindi pa man ako isinisilang sa mundo, nakatakda na akong maging kabiyak mo." I said. I remember how he said those words to me.

Monster University (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon