"MS. MARTINEZ, wake up. We're going in."
Nagising ako nang maramdaman kong tila may tumatapik sa balikat ko. I saw Colton looking at me and I thought I'm still dreaming, then I realized that I'm still inside the limousine. Hindi ko alam kung ilang oras na kaming bumabiyahe, pero base sa mataas na liwanag na nasa labas ng bintana, masasabi kong maaga pa naman.
"How long I'd been sleeping?" Tanong ko saka naghikab.
"More than two hours, I guess. Nagugutom ka na ba? It's almost two in the afternoon, kaya baka nagugutom ka na. Gigisingin sana kita kanina para kumain pero mukhang masiyadong mahimbing ang tulog mo." He said.
"I'm fine." Sagot ko. Hindi ako nagugutom. Ewan ko ba. Siguro wala lang akong appetite dahil sa mga nangyayari.
Napansin kong may dinaanan kaming malaki at mataas na gate na tila otomatikong nagbukas. Parang sobrang luma na ng gate na 'yon dahil pati mga halaman gumalaw pagbukas no'n. Gumalaw?! I brushed my eyes using the back of my hand just to make sure that I'm not imagining things. What the -! Those are real creepers?
Binabaybay naman namin ngayon ang medyo malubak na daan. Sa magkabilang side ng daanan ay matataas na puno at mga halaman. Para kaming dumadaan sa gitna ng gubat. Hindi na dapat ako magulat do'n dahil nasabi na sa 'kin ni Nate na nasa gitna ng gubat ang SU, at malayong-malayo sa town proper.
"Aren't you excited? I'm sure you'll like it here." Basag ni Colton sa katahimikan ko.
"I hope so." Tipid kong sabi. Hindi ako nag-eexpect nang kahit na ano.
Naramdaman kong parang biglang huminto ang sinasakyan namin.
"Oh, bakit huminto? Gary, ano'ng problema?" Tanong ni Colton do'n sa tinawag niyang Gary na sa tingin ko'y ang driver.
"Malayo pa ba tayo? Baka puwede na nating lakarin nalang." Sabi ko. Ang init na kasi nitong pang-upo ko. Gustong-gusto ko nang lumabas at mag-stretching.
"That's not possible, my dear. It would take us at least an hour to reach the Y-zone."
"You're kidding me." I said dreary.
He just gave me a do-I-look-like-I'm-kidding look. He's serious. Ang ibig-sabihin, sobra tatlong oras ang talagang biyahe para makapunta do'n sa main campus na tinawag ni Colton na Y-zone. This is insanely far.
"Grrrrrrrrr ..."
"Grrrrrrrrr ..."
"W-What's that?!" I asked horribly to Colton who also looked surprised. I heard a growling sound like it came from a huge animal or something like that.
"Williams are here, Colton!" Sigaw ng isang lalaki mula doon sa unahan.
"Fuck! Nasira na nila ang barrier?!" Galit na sabi ni Colton. Ngayon ko lang siya narinig na magtaas ng boses at mukhang nag-aalala. Simula kaninang umaga lagi lang siyang nakangiti, but this time, it sounds like we're in big trouble.
"Tatawag na 'ko ng Knights." Sabi naman no'ng lalaki na nakaupo sa tabi ng driver's seat.
Knights? Like Knights in shining armor? What the hell he's talking about?!
"Ano bang nangyayari?" Tanong ko ulit, baka sakaling sagutin na 'ko ni Colton na salubong ang kilay na nakapikit at para bang nagko-concentrate. Ano bang ginagawa niya?!
*Knock knock*
Nagulat ako nang may nakita akong lalaki na kumatok sa labas ng nakasaradong bintana sa tabi ko. He has a towering height like Alpha. His deep red eyes looked at me with intensity. His smile is almost seemed like a grin that brought shiver into my system. He didn't say anything and I'm not liking that.
BINABASA MO ANG
Monster University (Completed)
WerewolfWEREWOLF | ROMANCE | FANFICTION "Don't be deceived by their good looks. They are the most dangerous ones." Welcome to Stermon University! A very special place. It's an exclusive school for those who were chosen by what they called, 'The Royal Order...