Chapter 9

2.6K 140 0
                                    

"SAAN mo ba 'ko dadalhin?" Tanong ko kay Alpha-I mean, sa lalaking kamukha ni Alpha. Hindi pa naman talaga siya nagpapakilala kaya hindi ko alam kung Alpha rin ba ang pangalan niya. Hindi 'yon malabong mangyari dahil si Colton sa panaginip ko ay si Colton din ang pangalan sa totoong buhay.

His warm hand is holding mine while we're walking pass through the crowd. Bigla niya kasi akong hinila palabas do'n sa masikip na eskinita kung saan ako sinundan ni Exe. Ngayon nandito kami sa mga taong nagsasayawan habang sinasabayan yung malakas at masiglang music. Tapos may ilan pang mga nakapang-costume na gawa sa gulay o mukhang mga gulay. Fiesta ba? Mukhang 'yon kasi ang meron sa lugar na 'to. Malay ko naman 'di ba? Ilang linggo palang kami dito sa Brixton kaya hindi ko alam.

At hindi ko rin alam kung bakit hindi man lang ako sinasagot ng lalaking hila-hila ang isa kong kamay kaya wala akong magawa kundi sundan siya.

"Aray!" Hindi ko maiwasang mapasigaw nang may hindi sinasadyang makabangga sa 'kin na masayang nagsasayaw. Kainis! Bakit ba kasi dito niya pa napiling dumaan?!

Sa sobrang dami ng tao, ilang beses din akong nasaktan. Nandiyang naapakan na 'ko sa paa, nasiko, nasagi sa mukha, pero ang pinakamalala ay nang biglang may tumakbong tila naghaharutang mga bata na nasa edad sampu at nadaanan nila ang kamay ko na hawak ni Alpha. Ang resulta, nagkahiwalay ang mga kamay namin.

Nilingon-lingon ko siya sa paligid. I thought makikita ko siya kaagad dahil matangkad siya. Pero hindi ko na talaga siya makita. No choice. Kailangan kong makaalis sa crowd na 'to, kung hindi, baka matumba ako at maapak-apakan nila. Ayaw kong hintayin pang mangyari 'yon.

Habang nakikipagasiksikan ako makaalis lang sa lugar na 'to, bigla na namang may bumangga sa 'kin. Okay lang naman sana 'yon pero bigla akong natisod at nawalan ng balanse.

I fell ... yes, I fell but not on the ground but to someone's warm arms. Nakayakap siya mula sa likuran ko na para bang gusto niya 'kong maprotektahan sa mga taong nagkakasiyahan at tila walang mga pakialam kung may nasisiko na sila o kaya'y nababangga.

"Are you okay? May gasgas ang pisngi mo." He asked worriedly with his hand touching my bruised cheek. Sobrang sarap sa pakiramdam no'ng pagdampi ng palad niya sa pisngi ko. It's like he's healing me with his warm hand.

"Umalis na tayo." Sabi ko nalang at nag-iwas ng tingin sa kanya. Ayokong makita niyang mangamatis ang mukha ko. Kainis naman kasi parang ... ang sweet niya.

"Okay lang ba kung yakapin kita habang naglalakad tayo? Ayoko kasing masaktan ka ulit."

Of course not! You're still a stranger. Bakit naman papayag akong yakapin mo?! Ayoko nga!

"O-Okay lang sa 'kin." Sagot ko. My mouth just literally betrayed me. Hindi naman kasi 'yon ang nasa isip ko kani-kanina lang.

He drew a smile, not an awkward smile nor too sweet smile, but a cool kind of smile. He wrapped his arms around me and we started walking away from the crowd.

I wish he couldn't hear how loud does my heart beat reacts now. Pakiramdam ko mas malakas pa 'yon sa music na nangingibabaw sa fiesta na 'to. I'm inside a stranger's arms yet again, I feel more safe and comfortable. Bonus pa na naamoy ko yung gamit niyang strawberry scent perfume. It's quite funny. How could a cool looking guy like him spray something sweet on his body? Yung ganitong amoy usually mga babae ang gumagamit. Hindi kaya ... Is he a gay?

Nang finally nakalagpas na kami do'n sa crowd, nakahinga na 'ko nang maluwag. I really hate a crowded, and noisy place. That's not my kind of world.

Huminto kami sandali sa lilim ng isang puno na katabi ang isang basket with different kind of vegetables na statue. I've seen it in a textbook at sa personal, sobrang laki niya nga at magada pa rin tingnan kahit mukhang luma na siya.

"I'm sorry if you had to experience that. Anyway, welcome to Brixton. Harvesting Fiesta kasi ngayon at ganyan yung way ng mga tao dito para ipagdiwang 'yon." He explained.

"Marami akong gustong itanong sayo. Puwede ba tayong mag-usap sa mas tahimik na lugar?" Siguradong aabutin kami ng gabi sa dami ng mga naglalarong tanong sa isip ko ngayon.

He stared at me for a moment like he's reading something on my face.

"Sure. But I don't think we can do that today." He said and point his finger to something at my back. "See you later."

Nang lingunin ko kung ano yung tinutukoy niya, nanlaki ang mga mata ko at para bang gusto kong kumaripas nang takbo. Colton! How did he know that I'm here?! Upon realizing the answer to my own question, I immediately look back at Alpha, but he's now gone. Nasaan na siya?! Kanina lang kausap ko siya noong hindi pa dumadating si Colton. Bakit umalis siya nang wala man lang paalam? Pero tama bang narinig kong may sinabi siyang 'see you later'?

"Ms. Martinez, I'm glad you're okay," Colton said.

"How did you know that I'm here?" I asked.

"I didn't know. Coincidence lang siguro. Pabalik na sana ako sa Stermon, fortunately, napadaan dito yung sasakyan kaya nakita kita." He answered without even stuttering.

How did he do that? Lying without stuttering? He must be really good at lying. I envy him. Pero hindi ako naniniwalang coincidence lang ang pagkakahanap niya sa 'kin. At malakas din ang kutob ko na may kinalaman dito si Alpha.

"I need to go back home. Hindi ko dala ang-"

"It's already in the car. You don't have to go back home." He said, cutting my sentence.

"I don't want to go. I still need to talk to mom." I insist.

"Please, Ms. Martinez, sumunod ka nalang sa gustong mangyari ng mom mo. You know the phrase 'Mother knows best'? That's it. She wants you to go in Stermon University because she believed that's the best thing for you." Colton said like he's the smartest man to convince me.

I know how much my mom loved me and how much she's ready to give everything for my sake. And that same reason why I don't want to leave her alone. She's the only person I know who'll never leave me. That's why it's too hard for me to just go away. It's breaking my heart.

I can't help but cry. Wala na akong pakialam kung nasa harapan ko pa ngayon si Colton at may nga taong napapatingin sa direksyon namin. I feel like I'm the most terrible daughter. How could I let my mom worked so hard just for me? She's all I needed and there's nothing more I could ask for. Not a fancy dress, jewelry, or even money for the most expensive school could ever give me a contentment and genuine happiness kung hindi ko naman kasama si mom.

The next thing I knew, nasa loob na ako ng limousine at katabi ko si Colton na tahimik lang na naglalaro ng online game sa kanyang tablet. Hindi ko alam kung ano yung nilalaro niya at hindi ko maintinihan 'yon sa dami ng characters na parang mga naglalaban. Buti pa siya, mukhang walang problema sa buhay.

Samantalang ako, walang ibang magawa kundi tumanaw nalang sa labas ng bintana ng sasakyan habang nililisan ang Brixton City. And I'm not really looking forward to see how Stermon University would look like. Mas curious ako kung makikita ko ba do'n si Alpha.








----------†---------

Sweet dreams, my love.
To be continued ...

*Not a pro. Sure there's a lot of mistakes. Please point it out for me. Your comments and vote will be very much appreciated. Thanks a ton :)*

Monster University (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon