"WE already checked the perimeter. We didn't see anyone or anything that could be a danger," paliwanag ni Dylan.
The whole pack gathered in one room. Maging si Mr. S pati yung ibang officials narito rin. Nagkaroon ng sandaling panic dahil sa akin. Ang weird lang kasi nung pakiramdam ko kanina. Suddenly, feeling ko sumisikip dibdib ko at nagtayuan bigla ang mga balahibo ko. Same feeling kapag nasa panganib ka. Nakakatakot. Hanggang ngayon kinikilabutan pa rin ako.
Agad nag-ikot ang officials and knights sa buong campus even outside the Y-zone. Fortunately, the weird danger-like feeling has gone now. Pero hindi pa rin ako kumakalma.
"'Wag kayong tumigil sa pagha-"
"It's gone." Putol ko kay Alpha.
He looked at me and sat next to me. Tila nabunutan ng tinik ang iba pa nang marinig ang sinabi ko.
"Okay, back to business!" Sabi ni Roux bago lumabas ng kuwarto.
Isa-isa na ring umalis ang iba pa hanggang sa si Mr. S, si Alpha at ako nalang ang naiwan sa kuwarto.
Nararamdaman kong nakatingin sa akin si Mr. S. Hanggang ngayon naninibago pa rin ako.
"Ayos ka lang ba, anak?"
Mapait akong napangiti dahil sa sinabi niya. Tumayo ako at tumingin sa kanya nang diretso.
"Ayos lang ako ..." I paused, "Mr. S." I said before I excuse myself.
Naikuyom ko ang mga kamao ko habang naglalakad sa hall way. I missed it ... I realized how much I missed my dad so bad-how much he cared for me. Pero bakit ganito kasakit? Hindi ko pa rin matanggap.
"Eri!"
Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ko ang boses ni Alpha. Alam kong kanina pa siya nakasunod sa akin.
"What?" I asked.
"You're not okay." He said. Malumanay ang mga mata niyang nakatingin sa akin.
"Everything is not okay." Sabi ko bago naglakad na ulit. Naglakad lang ako nang naglakad kahit na hindi ko alam kung saan ba ako pupunta. Gusto ko lang mapag-isa.
Dinala ako ng mga paa ko sa maze garden. Umupo ako sa bench na nakapalibot sa isang fountain at saka nagpakawala ng malalim na buntong-hininga.
"That was a deep one."
Agad kong hinanap ang pamilyar na boses na yun. Wala akong makita kahit saan ako tumingin. Wala naman akong danger na maramdaman kaya siguro naman hindi mapanganib ang kung sino mang may-ari ng boses na yun.
"S-Sino nandiyan?" I asked. Napatayo na rin ako.
"Boo!!!"
Malakas akong napatili nang biglang lumitaw sa harapan ko ang isang matangkad na lalake na may height na around 180 meters, maganda ang build ng pangangatawan, kayumanggi ang kulay, at higit sa lahat, may nakakabighaning charisma. He has that hypnotizing look and appearance that girls would love to have as a boyfriend. And I know him. Isa siya sa Knights. I can't believe I'm saying this, but yeah, he can freaking teleport! He is Prey.
Hawak-hawak niya ang tiyan niya habang patuloy pa rin sa kakatawa. Anong nakakatawa?! Halos atakihin ako sa puso, tawa pa siya nang tawa!
"That's not funny," I said in a serious tone.
"That was," he insisted. Still laughing hard.
Tiningnan ko lang siya nang masama para tigilan niya na ang kakatawa niya pero mukhang walang epekto yun sa kanya.
BINABASA MO ANG
Monster University (Completed)
WerewolfWEREWOLF | ROMANCE | FANFICTION "Don't be deceived by their good looks. They are the most dangerous ones." Welcome to Stermon University! A very special place. It's an exclusive school for those who were chosen by what they called, 'The Royal Order...