Chapter 5

3.1K 161 3
                                    

"ERI! Eri, honey, wake up!"

Agad akong nagmulat ng mga mata nang marinig ko ang boses ni mom na tinatawag ako. When I open my eyes, I saw mom in front of the kitchen sink, washing some plates. My clothes are the same when I woke up before weird things happened. And I'm sitting on the chair in front of the marble table inside our kitchen. That means I'm in our house?! I'm back?!

Awhile ago, I thought I was in some weird place with some weird people. Tapos ngayon ... I mean, all those scenes were just part of my freaking dream?! But it was too real to be just a dream. Si Colton, ang gold brooch, ang Stermon University, ang Royal Order, pati yung matangkad na guwapong lalaki ... si Alpha. I could still remember the last words he said.

"You're here because of me."

Bakit? Bakit dahil sa kanya? Sino ba talaga siya? Ugh! I don't even have to ask. Panaginip lang 'yon.

Pero hindi ako mapakali. Nahawakan ko siya, nakatitigan, at nakausap. He's oddly familiar presence made me more curious about him. But he's just also part of my weird dream. Puwedeng makita ko ulit siya sa panaginip ko pero puwede ring hindi na. Kahit na ayaw kong bumalik sa lugar na 'yon, gusto ko pa ring malaman ang paliwanag sa sinabi niya. If mom didn't wake me up, dapat nalaman ko na.

"Eri, are you okay? You're sweating." Tanong ni mom pagkatapos niyang ilapag sa harapan ko ang baso ng chocolate drink at sandwich.

"O-Okay lang po ako." I said while wiping out the cold sweats on my forehead. "Akala ko po maaga kayong pumasok sa trabaho." Dugtong ko. Ang huli ko kasing natatandaan, bumaba ako sa kusina pagkagising ko at wala na si mom dahil maaga siyang pumasok sa trabaho. Pero ibang-iba na ngayon ang lahat. Nalilito na 'ko. Pero dapat magpasalamat ako na panaginip lang ang lahat nang iyon.

"Honey, seven in the morning palang. I am actually about to go, but then, nagising ka at naglakad papunta sa kusina na parang hindi mo ako nakita. Naabutan kitang natutulog diyan sa table, kaya naisipan kong gisingin ka at ipaghanda ka ng breakfast." Paliwanag ni mom na may mapanuring tingin sa 'kin.

Umiwas nalang ako ng tingin at kumagat sa sandwich. Alam ko kung ano na naman ang iniisip niya. Alam kong nawiwirduhan na siya sa 'kin. I feel a lot weirder. Nanaginip lang pala ako pero akala ko totoo 'yon. Hindi na nga ako sure ngayon kung gising na ba talaga ako. Totoo na ba talaga 'to?

"Honey, please sabihin mo sa 'kin kung may problema ka."

Ayan na. Magsisimula na siyang magtanong nang magtanong at alam kong hindi niya ako tatantanan.

"Mom, baka ma-late ka na po." Pagpapaalala ko sa kanya.

"Oh, God!" Sabi niya pagkatapos niyang tumingin sa wristwatch niya bago tumingin sa akin. "We'll talk later, okay? I have to go. I love you." Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa pisngi.

"Bye, mom. I love you, too." I said before I waved her goodbye.

I heard the door open, and I expect to hear it closing. Instead, I heard mom's voice.

"Eri! There's some kind of white envelope addressed to you here. Ilalagay ko nalang dito sa sofa. Kunin mo nalang!" She shouted before the whole house filled with silence as mom finally closed the door.

I immediately ran to the living room, but I suddenly stopped when I was about five steps away from the sofa. My heart is beating fast, scared of something I'm not even sure of. Kalma lang, Eri. Hindi naman siguro 'yan yung envelope na galing sa Stermon University. God! But I'm not expecting any letter! May cellphone and email na ngayon!

Monster University (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon