Chapter 4

3.2K 185 25
                                    

I slowly opened my eyes. The ceiling is unfamiliar. Where am I? This is not my room. What happened-bigla akong napaupo nang maalala kung ano ang nangyari.

That man Colton did something to me! And now ... nandito ako sa isang malaking kuwarto na kulay gray and black ang design. King-sized ang kama at sobrang lambot. Mukhang panlalaki ang kuwartong 'to. Pero bakit gano'n ... amoy strawberry ang air freshener?

Pero hindi 'yon ang mas importante ngayon! Hindi ko alam kung nasaan na 'ko at sa tingin ko kailangan ko nang umalis. Magsusumbong talaga ako sa mga pulis, sa CIDG, sa mga army, sa airforce, sa NBI, FBI at kung saan pa man para mapanagot ang kung sino mang poncho pilato ang puwersahang nagdala sa 'kin dito!

Tumayo ako at nagsimulang maglakad papunta sa pintuan nang mapansin ko ang suot kong damit. The last time I remember, nakasuot ako ng maong shorts at printed t-shirt. At ano 'to? Uniform? Uniform ng high school?!

Luminga-linga ako sa paligid para maghanap ng salamin. Sakto naman na may malaking salamin sa gilid ng kuwarto na malapit sa drawer. Tumayo ako sa harapan no'n. Wow ~ what the hell is this?

Navy blue ang kulay ng uniform, maikli ang palda na two inches above the knee length. Ang top ay white long sleeve na may kulay navy blue rin na necktie, at pinapatungan iyon ng kulay navy blue na blazer. May suot din akong kulay puting long sack na abot hanggang tuhod ang haba. Nakakabit na rin ang gold crown brooch sa kaliwang dibdib ko.

What the hell?!

Marami na rin akong napanood na anime, pero hindi ako avid fan. I just watched it for fun, and most of the anime series I have watched were usually highschool-themed. Kaya itong uniform na suot ko, usually sa anime ko lang siya napapanood at doon sa ibang bansa like Japan and South Korea. May kaklase ako rin ako noon sa Delton High School na isang cosplayer. One time, nakasalubong ko siya sa daan na nakasuot ng halos katulad nitong suot ko, kulay green nga lang yung sa kanya. I thought she already transferred to other school, pero ang sabi niya, may pupuntahan lang siyang contest, sabay pinakita niya sa 'kin yung kulay green niyang wig. 'Yon pala, pupunta lang siya sa isang costume contest para sa mga anime lover.

Sana nga lang mga freak na cosplayer lang may gawa sa akin nito, pero iba talaga ang pakiramdam ko! Nasabunutan ko nalang ang sarili ko. This is not happening! I should get out of here! This is kidnapping! At siguradong nag-aalala na si Mom!

Tumakbo na ako sa pintuan at may nakita akong itim na sapatos do'n na parang boots pero hindi siya mahaba. Dali-dali kong isinuot 'yon at tuluyan nang binuksan ang pintuan.

Halos mapatili ako sa gulat nang nakangiting mukha ni Colton ang bumungad sa 'kin.

"Good evening, Strawberry! Mabuti naman at gising ka na. Maayos ba ang naging tulog mo?"

"After you kidnapped me, oo naman! Sobrang ayos ng tulog ko." Mataray at sarkastiko kong sabi sa kanya. Binangga ko siya sa balikat at nilagpasan siya. Aalis ako dito!

"Where are you going?" Tanong niya habang naglalakad sa tabi ko.

"Uuwi na 'ko." Malamig kong sabi.

"You can't leave here."

"Bakit, ikukulong niyo 'ko dito kahit na labag sa loob ko?!" Singhal ko.

"No. That's the Royal Order."

"Shut the fuck-!" Napahinto ako sa paglalakad at humarap sa kanya. "Wala akong pakialam sa Royal Order na 'yan! Kapag hindi ako nakalabas dito ngayon, I swear, magpapakamatay ako!" I said with a straight face, serious, and threatening. I'm not the suicidal kind of person, but if it's part of a nightmare, an occult or whatever magical thing, I can't live with it. I'd rather die.

Monster University (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon