"Ano'ng ginagawa mo dito?" takang tanong ni Sven nang pumasok ako sa studio niya.
Natulala lang ako sa halip na sagutin ang tanong niya. Nakakamanghang kasi ang kuwarto na 'to. Nakahilera ang magagandang design ng damit sa mga mannequin-suit and gown. May mahabang table na may iba't ibang gamit sa pananahi, may sewing machine at kung anu-ano pa. Pero bukod dun, parang may kulang sa mga gamit niya.
Sa isang sulok, nakaupo si Sven sa malaking velvet sofa at uminom ng tsaa sa kulay puting tasa. Nakasuot siya ng burgundy suit na bagay na bagay sa aura niya.
"You asked for me the other day. Ikaw ang gagawa ng susuutin ko for the welcome party?" I finally answered.
Tumingin siya sa akin mula ulo hanggang paa.
"Yes. You may leave." He said.
"Ha? Hindi mo ba ako susukatan?" Tanong ko.
"May nakikita ka bang tape measure?" He asked.
Lalo akong naguluhan. Ngayon ko lang napansin na wala ngang tape measure sa mga gamit na nakapatong sa table. So, pano niya ako susukatan?
"I already know your exact measure, Eri. Trust me. So, if you don't mind, please leave me alone now."
So, isang tingin niya lang sa akin alam niya na kaagad body measure ko? ko si Alpha lang ang may cold na pag-uugali sa kanila. Meron pa palang isa.
"O-Okay." Lumabas na ako tulad nang gusto niyang mangyari. Dahan-dahan kong isinara ang pintuan nang biglang may nagsalita sa likuran ko.
"Kumain ka na ba?"
"Margaux," she's the girl who can see things in the future. Mukha lang siyang ka-edad ko. Maikli ang buhok niya at sobrang puti niya. Siya rin ang nagsabi kay Alpha na darating ako bilang Aegis.
Niyaya niya akong magtanghalian sa cafeteria. Hindi full-packed ang lugar dahil summer break. Pagkatapos naming kumuha ng pagkain, umupo kami sa tabi ng transparent wall.
Nagsimula na siyang kumain kaya hindi ko na muna siya kinausap. Sa tingin ko kasi may sasabihin siya sa akin kaya niya ako niyayang magtanghalian.
After a few minutes of awkward silence, she finally talk.
"Be careful." She said.
I just looked at her curiously. She wiped her lips with the napkin.
"No matter what happens in the future, do not trust anyone. Every action has a consequence. And every consequence is death. Do not act harshly. Pagsisisihan mo habang-buhay kapag hindi ka nakinig." She said and stood up.
"Sandali! Ano'ng ibig mong sabihin? Ano'ng nakita mo? Ano'ng pagsisisihan ko?!" Sunud-sunod kong tanong.
Humarap ulit siya sa akin at tipid na ngumiti.
"Hindi ko rin alam." She said and disappeared.
Tumingin-tingin ako sa paligid pero wala na siya.
Dahil sa sinabi ni Margaux, hindi na ako mapakali. Lalo lang nadagdagan ang mga iniisip ko.
Dahil wala naman akong magawa, pumunta nalang ako sa library. Ang boring ng lugar na 'to. Wala akong ibang magawa, wala akong ibang mapuntahan. Para akong preso. Wala akong ibang makausap. Hindi ko rin alam kung nasaan si Alpha. May kaniya-kaniya ring pinagkakaabalahan ang Knights. Maging si Colton ay busy sa preparation ng party. Hindi naman ako puwedeng lumabas.
BINABASA MO ANG
Monster University (Completed)
WerewolfWEREWOLF | ROMANCE | FANFICTION "Don't be deceived by their good looks. They are the most dangerous ones." Welcome to Stermon University! A very special place. It's an exclusive school for those who were chosen by what they called, 'The Royal Order...