WHEN I opened my eyes, I saw a woman standing on my left side. Hindi ko makita ang mukha niya dahil nakatalikod siya. Nakasuot din siya ng kulay pulang cloak pero nakababa ang hood nito.
She's chanting. I couldn't clearly hear her words but I'm sure it's not in any language I know. There's something in her voice that gives a chill to my bones. Her voice is too low but it gives me enough creep. Nakakapanayo ng balahibo. Nakakatakot.
The room is dark. Tanging sinag ng kandila lang ang nagbibigay ng liwanag sa paligid.
Hindi ako makagalaw kahit na wala namang kahit na ano'ng nakatali sa mga paa at kamay ko.
Nasaan ako?!
Bakit ... Bakit nakalutang ako?!
Dream.
Isa na namang masamang panaginip o pangitain.
"Anak! Anak mabuti naman at gising ka na."
"M-Mom?" Agad akong napaupo mula sa pagkakahiga nang ma-realize ko kung sino ang babaeng umiiyak sa tabi ko.
Agad niya akong niyakap nang mahigpit kasabay ng sunud-sunod na pagpatak ng aking mga luha.
"Mom, I'm scared." Daing ko sa kanya. The last thing I remember, kaharap ko si Arc at gusto niya akong kunin. Bigla akong nawalan ng malay kaya ang buong akala ko ay nagtagumapay siya.
"Salamat sa Diyos at walang masamang nangyari sayo." Mom said.
Nang humiwalay ako sa kanya, saka ko lang napansin ang presensya ni Alpha at ni Zey.
I wiped my tears.
"What happened?" I asked Alpha. Lumapit siya sa akin at niyakap ako. He didn't mind my mom's watching.
"I thought I lost you." He said.
"Akala ko rin." I said.
"Wat iz da mining of diz?!"
Agad akong humiwalay sa yakap ni Alpha nang marinig ko ang boses na yun.
"Pepper!"
She smiled widely saka tumalon papunta sa higaan ko. She hugged me tight, I almost choked.
"Strawberry, ano bang nangyari sayo? Sobrang pinag-alala mo 'ko!" Sabi niya. "Atsaka ..." Inilapit niya ang bibig niya sa tenga ko. "Ipakilala mo naman ako sa mga pogi dito!" Bulong niya.
Hinampas ko siya sa balikat. Akala ko pa naman talaga nag-aalala siya sakin pero mukhang-bibig niya kaagad ang miyembro ng Knights. Pero ... na-miss ko siya ng sobra!
Pagkatapos ng mahabang kuwentuhan kasama si mom at Pepper, nagkaroon na rin ako ng time para makausap si Alpha.
"Are you sure you're okay?" Paniniguro niya.
Tumango lang ako bilang tugon. Kahit na sobrang nakakatakot ang nangyari kagabi, sa tingin ko mas nakahinga na ako ngayon dahil hindi naman nagtagumapay si Arc.
"Ang pinagtataka ko, paano siya nakapasok na hindi ko man lang nalalaman? And si Howard. Sigurado akong kasabwat siya." I said.
"Howard is dead."
Napalingon ako sa pintuan. It was Margaux.
"Dead?" Ulit ko.
"Kung iniisip mong traydor si Howard, nagkakamali ka. Napasok tayo ng iba pang kalaban. Some kind of a witch. A black witch who eats soul to mimic an individual." Paliwanag ni Margaux.
BINABASA MO ANG
Monster University (Completed)
WerewolfWEREWOLF | ROMANCE | FANFICTION "Don't be deceived by their good looks. They are the most dangerous ones." Welcome to Stermon University! A very special place. It's an exclusive school for those who were chosen by what they called, 'The Royal Order...