Chapter 2

4.5K 214 13
                                    

"ERI! Ano pa bang tinatayo-tayo mo diyan? Bumaba ka na para makakain ka na ng breakfast. Nandiyan na rin si uncle Bob mo para tulungan tayo sa paglilipat." Mom said, standing beside the stair.

"A-Ah. O-Opo!" Mabilis akong tumakbo palapit kay Mom na walang lingon-lingon mula sa kinatatayuan ko kanina sa labas ng kuwarto.

Hindi ko kayang lingunin ang kung anumang nakakapangilabot na bagay o kung ano pa man na nasa likuran ko kanina. Malaki ang pasasalamat ko na umakyat si Mom. She literally saved me from that super creepy moment.

Kahit nakababa na ako at kaharap sa table ang masarap na almusal na hinanda ni Mom, hindi ko pa rin magawang pakalmahin ang bilis ng tibok ng puso ko.

I couldn't even imagine what it feels like if my nightmare follows me in the real world. I swear! That could be the death of me. Hindi ko ma-imagine kung ano nalang ang mangyayari kung sakaling totoo nga ang mga werewolf o halimaw!

Ano bang nangyayari sa 'kin?! Bakit kung kailan pa ako nag-eighteen at ready nang pumasok sa college, saka ko pa nararanasan ang mga kawirduhan na 'to?! Hindi naman ako mahilig manood ng mga movies na may mga gano'ng genre at lalong hindi na ako bata para maniwala pa na may mga werewolf nga na nag-eexist. Mababaliw 'ata ako kapag nagpatuloy pa 'to.

"Eri, is there something wrong? Kanina ko pa napapansin na parang ang lalim ng iniisip mo." Nag-aalalang tanong ni Mom nang umupo siya sa harapan ko.

Hindi ko pa nasasabi kay Mom ang mga panaginip ko. At saka 'yong nangyari kanina, siguradong hindi niya lang ako papaniwalaan. It will only sound absurd. At saka umaasa pa rin naman ako na mawawala rin ang mga nakakatakot na panaginip ko kapag pumasok na ako sa college. Let's just hope for the better.

"W-Wala po." Sagot ko at tipid na ngumiti bilang tugon kay Mom. Mabuti nalang at hindi na rin siya nag-usisa, kahit halata naman sa mukha niya na gusto niya pang mag-open up ako. Kinain ko nalang ang spaghetti na gawa niya at umalis na rin siya nang tawagin siya ni uncle Bob.

Si uncle Bob ay nakakatandang kapatid ni Mom na nakatira rin sa Brixton City. He was really happy when Mom told him that we will be moving there after I graduated high school. Kaya naman nag-offer na rin siya na tulungan kami sa paglilipat.

After I finished my breakfast, sakto namang tapos na sa paglalagay ng mga box sila Mom at uncle Bob sa van. Naubusan na ako ng gagawin kaya dumiretso nalang ako sa loob ng van. Maya-maya pa ay pumasok na rin si uncle Bob at umupo sa driver's seat. Si Mom naman ay sa unahang upuan katabi ni uncle.

"Let's go?" Nakangiting tanong ni uncle Bob bago ini-start ang makina ng sasakyan.

"Yeah." tugon ni Mom. They both looked really excited and happy.

"Nakapagpaalam ka na ba ng maayos sa mga kaibigan mo?" Tanong naman ni Mom habang nagsisimula nang umandar ang sinasakyan naming van.

"Yeah." Lalo 'atang nagiging matipid ang sagot ko.

My mom know better. I made lot of friends for the past two years in my senior high at Delton High School. It made me sad. Who would not? High school was definitely not an easy stage, but it was an unforgettable experience that I'll cherish wherever life takes me. It's something I'll look back. But in my case, I think I have to move on. My friends in high school will eventually forget me as time goes by. I was just an average student.

My cell phone vibrated.

Take care, Strawberry. Keep in touch, okay? Let's have a video chat when I get back. Don't you dare change your number or else, I'll do everything to track you down so that I could kick your ass back to Delton City :)

Monster University (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon