Chapter 1 - The Wedding

7.7K 148 2
                                    

" Sophia, bakit ba ang tagal nyong mag-ayusan?! Huwag nyong paghintayin ng matagal yung groom napakabugnutin non. Baka mag-walk out bilisan mo! "

" I'm here! Mom, do I look beautiful? "

" Of course iha! Mana ka sa kin kaya maganda ka. Ngayon ka pa ba nagduda?"

" Iba kasi ngayon, kasal ko. Tapos ang groom ko sobrang gwapo, ayokong maging alangan sa kanya "

" Sophia.. you're always beautiful baby ", bigla syang niyakap ng daddy nya.

" Dad.. ", maluha luha sya habang kaharap ang ama. Pero kung napigilan nyang maging emosyonal dahil masisira ang make up nya, kabaligtaran ito ni Buddy na nagpupunas na ng luha

" Buddy ano ka ba? Ikakasal lang ang anak mo! Sigurado ka ba na kakayanin mo mamaya kapag kinuha na sya ni Rexy? Ngayon pa lang parang ayaw mo na syang pakawalan "

" Sweetheart hindi ko lang mapigilan, ikakasal na kasi ang dalaga natin. Parang kailan lang, baby ko pa sya "

" Kunsabagay ako rin naman. Ganon siguro talaga, tayong mga magulang forever na bata sila sa paningin natin. "

" Pero alam mo bukod pa don, natatakot ako sa kahihinatnan ng kasal na to. Kilala nating lahat si Rexy, babaero at hindi marunong magseryoso. Hindi ko alam kung tama ang desisyon ko na sumang ayon sa gusto ng matandang Montemayor"

" Buds, napag-usapan na natin to. Hindi naman siguro sisirain ni Rexy yung relasyon natin sa pamilya nila."

" Hindi natin masabi. Paano kung saktan nya ang anak natin? Kung bakit naman kasi sa dinami dami ng lalaki sa mundo Sophia, sa kanya ka pa na inlove. Si Rexy pinalaki na't lahat ng dating pari pero dugo pa rin ni Arman ang nanalaytay sa pagkatao nya!"

" Buddy ano ka ba bakit pati yung patay ng si Arman sinasali mo pa dito! "

" Sorry, yun naman kasi ang totoo. Namana nya yung pagiging babaero ng totoong tatay nya "

" Malay mo rin, ikaw naman hinusgahan mo agad yung mamanugangin mo. Bakit si Arman? Napatino sya ni Roxanne hindi ba?"

" Sana nga sweetheart. Anak magtanong ka na ngayon pa lang sa Tita Roxanne mo kung pano nya na tame yung tatay ni Rexy sa pagiging babaero "

" Don't worry too much dad. Ginusto ko to, ako ang humingi nito kay lolo kaya paninindigan ko. Mahal na mahal ko si Rexy, nakahanda akong harapin ang lahat para tumagal ang pagsasama namin. Kaya ko to, remember.. mana ko kay mommy, palaban! "

" Sinabi mo, pati pagiging sutil ko kuhang kuha mo. "

"Mommy tama na nga, nakakahiya kina lolo pag nalate tayo. Excited na ko.. I can't wait to be his bride! "

Matagal na kong may pagtingin kay Rexy, mga bata pa lang kami. Family friend namin sila at halos sabay na kaming lumaki. Maganda naman ako pero hindi nya ko makita bilang isang babaeng mamahalin. Siguro dahil kinalakihan na namin ang isa't isa kaya sawa na sya sa kin, at isa pa parang halos lahat ng babae nagkakandarapa sa kanya.

Kaya ng malaman ko na hinahanapan sya ng lolo nya ng mapapangasawa, without a second thought I volunteered myself na ako na lang. Pinilit ko talaga si lolo dahil alam ko na minutes lang pag pumutok ang balita, mawawalan na ko ng chance na mapasa akin si Rexy. Ladies will throw themselves to him, kahit pa siguro walang kayamanan na pag-uusapan! Sya yung tipo ng lalaki na pwedeng pag-awayan ng mga babaeng matatagal ng magkakaibigan. Because more than a handsome face and hotness overload, he is worth a billion. Yes, Rexy is a billionaire!

FLASHBACK:

" Lolo, hinahanap mo daw kami? ", tanong ni Nathan

" Oo, at alam kong matutulungan nyo ko "

Marrying The Rude GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon