Chapter 22- Forgiveness

4.7K 127 8
                                    

"Rexy, what happened? Bakit ipinagbibili mo na lahat ng shares mo? ", tanong ni Roxanne sa anak

" Ma, hindi ko kaya na nasa iisang kumpanya kami ni Dave. Kanya na ang ang buong MGC! "

" But son, hindi ako bumaba sa pwesto para lang bitiwan mo ang MGC. Naniniwala ako sa kakayahan ni David, pero alam kong hindi nya kakayanin pag nawala ka. You two can be a good partner, just give him a chance! "

" I don't think he wants me to be his partner dad. We all know what he really wants. I only have twenty percent shares in the company. Hindi nila ikababagsak yun "

" You think Nathan and Karl will stay kapag umalis ka sa MGC? Soon, they will pull out their shares. Puro mga bagong tao na ang maiiwan sa company. At ano sa tingin mo ang magiging implications nito sa mga investors? For the legacy of your lolo, mag-isip ka naman! "

Natigilan sya. Nagiging emotional sya pagdating sa lolo nya, hindi nya ito kayang saktan. Nilapitan sya ng ina. Hinimas sa ulo na Parang bata.

" Anak, kung nasan man ngayon ang lolo mo, I'm sure he's not happy for what's happening. I'm sure he feels sorry sa mga nagawa nya dahil nagkakagulo tayo ngayon. But you have to be firm, wag padalus dalos at magpadala sa emosyon. Ang dami naming sacrifices ng daddy mo para sa MGC. In fact mas naging hands on pa nga yata sya rito kesa sa Ricafort Steel. I just hope na Hindi masayang ang lahat ng pinaghirapan natin Rexy. Kung kinakailangang magpakumbaba tayo at humingi ng tawad sa kapatid mo sa lahat ng nangyari sa kanya.. gawin natin. Makipagkasundo ka kay David, let's save the company"

" Why should I ask for forgiveness? Ma wala tayong kasalanan sa kanya, sya ang may atraso sa tin! "

" But there's no other way than to be humble! Hind mo pwedeng suklian ng galit ang galit ng kapatid mo. Believe me, pareho kayong babagsak, pareho kayong mawawalan! May isang dapat na bumaba sa inyong dalawa, and you cannot expect Dave to do that. He's wounded, hindi nya kayang iangat ang sarili nya. "

" Kaya nga ako na lang ang aalis dad! Para matapos na. "

" It will not resolve the issue. Aalis ka ng hindi nasosolve ang problema. He will not be happy when you leave, it will not give him satisfaction. Akala mo lang yun. Kasi ang totoong kailangan ng kapatid mo ay pagmamahal. Ang totoong hinahanap nya Ay acceptance. At tayo lang ang makagagawa non sa kanya. So please Rexy, drop your gun and reach out your brother "

Huminga sya ng malalim sa sinabi ng daddy nya. Kung alam lang nila ang nararamdaman nya, sugatan din sya kagaya ni David... baka nga mas malala pa. Paulit ulit na bumabalik sa isip nya ang nasaksihan, His wife and his brother are kissing.. torridly! Hindi nya makalimutan. Napakabigat ng kalooban nya ngayon.

" I'm sorry dad.. but I can't. Lalo na ngayon, nasa kanya na si Sophia. Kung MGC lang sana ang involved kaya ko pa. Pero lahat inagaw na nya sa kin.. pati asawa ko. Now tell me? Magagawa ko pa ba syang patawarin? "

" A-Anong ibig mong sabihin?", naguguluhan ang mommy nya

" Sophia, and David.. they were together!", finally, nasabi na rin nya

" When she left me three months ago, sumama sya kay Dave. I thought it's not for real, na gusto lang akong asarin ni Dave. But She's here, and I saw everything! And I've realized, na wala na talaga kami ni Sophia"

" I cannot believe na magagawa ni Sophia yun. Baka nagkakamali ka lang"

" Ma, hayaan nyo na lang na umalis ako. Dad, gusto ko munang lumayo, gusto ko lang magsimula ng bagong environment. I want a position in Ricafort Steel, kahit iassign mo ko sa Hongkong. Please daddy, help me... nasasaktan din ako "

Naramdaman ni Steve ang kalungkutan nya, niyakap sya nito.

" Iho, you know that you're always welcome in my company. Bukas lagi ang pintuan ng mga Ricafort para sa iyo. Hindi ka iba sa min, anak kita.. at nag-iisa kong tagapagmana. Kung yan ang gusto mo, ikaw na ang magmanage ng Hongkong, ibibigay ko na sa iyo. For the meantime, sige, take a rest and find yourself again."

Marrying The Rude GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon