" So what happened? Why are you here? Hindi sumama sa iyo ang kapatid ko no? "
" More than that! May sumundo sa kanyang lalaki "
" Ohhh.. kaya pala di maipinta yang mukha mo"
" Karl yung David, family lawyer nyo yun di ba? "
" Yes. Sya ang kasama ni Sophia today?"
" Single pa ba yun? "
" Ang alam ko. You seemed too interested with David huh?"
" Naku single pa pala. Kabahan ka na Rexy! ", pang-aasar ni Nathan
" Sya rin ba ang lawyer ng asawa ko for the annulment case? ", sunud sunod na tanong nya. Lalo syang hindi nakampante.
" Yes, sya rin. "
" Tinuloy pala ni Sophia ang annulment nyo?" , singit ni Nicole sa usapan
" Unfortunately oo! Alam nyo tingin ko may gusto sya sa asawa ko. "
" Pano mo naman nalaman? Natural madalas silang magkakasama dahil lawyer sya ni Sophia "
" Nathan lalaki rin ako. At isang tingin ko pa lang alam na alam ko na isa syang karibal!"
" What do you expect? My sister is beautiful isn't she? Remember way back in Reinhard, she's just a high school student pero ang dami ng nag-aabang sa kanya na maligawan. Pati mga classmates natin considering na college na tayo. Hindi lang sya mapormahan kasi puro boys ang nakapaligid sa kanya. Ako, ikaw, at si Nathan na hindi pa naglaladlad that time! "
" Siraulo ka, pinaalala mo pa sa kin yung pagpipilit kong maging lalaki nung araw! One more thing Rex, yung mata ni Sophia dati sa iyo lang nakafocus. Kaya kahit sino manligaw sa kanya nung nagcollege na sya deadma. From the very start ikaw ang gusto ni Sophia. Eh dahil assh*le ka sinayang mo lang! "
" Kuya...!! ", saway ni Nicole sa kapatid
" Nagiging harsh ka na masyado sa kin these past few days", sita nya kay Nathan
" Hey Karl! Have you seen my Ferrari 812?", pag-iiba nya ng topic
" Yeah, latest lang yun di ba? Wala pa sa Philippines. Iba ka talaga! Makakabili din ako non, hopefully next year. Hintayin kong bumaba price, mga twenty million lang budget ko sa Ferrari "
" Wag mo ng hintayin, sa iyo na yun! "
" What?! "
" I'm serious! Ibibigay ko sa iyo yun, iconvince mo lang si Sophia na iurong na ang annulment namin "
" Oh my god Rexy! Twenty five million pesos yun! Are you sure?! Ako na lang magcoconvince kay Sophia sa akin mo na lang ibigay! ", lumaki ang mata ni Nathan sa offer ni Rexy
" So ano? Bibebenta mo na pagkakaibigan nyo dahil sa kotse?", biro ni Rexy sa kanya
" Oo! Kaibigan ko sya but that's fuc*king 812 Rexy! "
" Oh well, naipangako ko na kay Karl yun, pero Sige kung sino unang makakapag convince kay Sophia sa kanya ko ibibigay "
" Ewan ko sa inyo ", ngingiti ngiti lang at pailing iling sa usapan si Nicole
" Call! You better prepare man! Challenge accepted! ", biro ni Karl sa mga kaharap
Pagbalik nya sa office hinanap nya agad si Sophia. He was so restless about her. Ala una na pero wala pa rin ito. Tinatawagan nya sa phone pero hindi sya nito sinasagot.
Ano kayang ginagawa nila? Tanong nya sa sarili
After almost an hour dumating na rin ang asawa.
" Bakit ngayon ka lang? It's almost two pm! Ang tagal nyo namang mag-usap. Saan kayo nagpunta? "
Tinignan lang sya nito, at parang balewala na umupo sa working station nya.
" Kanina pa kita hinihintay Sophia! Sagutin mo ko! "
" Ano bang gusto mong sabihin ko? Eh kumain lang naman kami at nag-usap. Gusto mo bang ikwento ko pa sa iyo kung Anong napag-usapan namin. Mas lalong Sayang ang oras natin. Ngayon kung okay ka na, pwede ka ng magtransfer ng ibang task sa kin. "
Nagpantig ang tenga nya. Lumapit sya patungo sa lamesa nito at hinatak patayo ang asawa.
" Ako ba ang pinag-usapan nyo ng lalaking yun? Bakit ba atat na atat kang makipaghiwalay sa kin? May gusto ka ba sa kanya? Gusto ko lang ipaalala sa iyo na mag-asawa pa rin tayo kaya may karapatan pa rin ako sa iyo Sophia! "
" Bitiwan mo nga ako! Ang kapal talaga ng mukha mo no?! Wag mong ibalik sa kin lahat ng kawalanghiyaan mo! Wala kang pakialam kung ano at sino ang pinag-usapan namin. At pwede ba kung sasayangin mo rin lang ang oras ko, lilipat na lang ako sa ibang department! This is totally useless! "
Tila may sariling isip ang kamay nya. Kinabig nyang bigla si Sophia. Niyakap.. at mariing hinalikan!
" Rex ano ba!! Bitiwan mo ko!! ", pagpupumiglas nito
Mukhang desidido si Sophia na paglayuin ang mga labi nila. Naitulak sya nito at nagawang makaalpas sa kanya.
PAK!!
Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi nya.
" Bullsh*t!! Will you please stop harassing me! Asawa kita pero wag mo ring kalimutan na pwede kitang idemanda ng sexual harassment lalo pa at nasa ilalim tayo ng annument case! "
" Wag na wag mo na kong hahawakan Rexy, ni dulo ng daliri ko wag mong ididikit sa iyo! Hindi na ko ako ang dating uto uto na nagpakagaga sa iyo. Hindi mo na pwedeng gawin sa kin ang lahat ng gusto mong gawin dahil hindi ako magdadalawang isip na idemanda ka para protektahan ang sarili ko!, galit na galit ito sa kanya.
Nagulat sya sa ginawa ni Sophia, napakalakas ng sampal nito sa kanya. Ibang ibang na ang babaeng pinakasalan, tila hindi na nya ito kilala. Napakatapang na nito at palaban. Kayang kaya na syang sabayan!
" Ngayon kung wala naman pala kong mapapala dito lilipat na lang ako sa Marketing. Kakausapin ko si Tito Steve, sya pa rin ang masusunod sa lahat ng ito. At sisiguraduhin ko na makakarating sa kanya ang mga bagay na to para tuluyan akong mailayo sa iyo. "
" Ito ang tandaan mo Rexy, wag ka ng umasta na mag-asawa pa tayo. Wala ka ng karapatan sa kin... matagal na! "
Pagkatapos nun tinalikuran sya ni Sophia. Lumabas ito at Pabagsak na isinara ang pintuan na labis na ikinagulat ng mga empleyado.
Naiwan syang nag-iisa sa kwarto. Hawak hawak nya pa rin ang namumulang pisngi na sinampal ni Sophia. Wala na, ang layo na ng loob nito sa kanya. Wala na ang kislap ng mga mata nito kapag nakikita sya. Wala na ang lambing pag kinakausap sya. Nawala na ang lahat ng pagmamahal nito para sa kanya. Wala na syang lugar sa puso ng asawa.
" Sir Rexy, nandito si Attorney Gonzales papapasukin ko ba? ", tawag ng secretary nya
" Go on ", inayos nya ang sarili para harapin ang family lawyer nila
" Hey Attorney! What's up? Any news? ", masigla nyang bati dito. Pilit ikinukubli ang sakit na nararamdaman nya
" About your inheritance, Rexy, hindi pa matatransfer ang mamanahin mo. May problema tayo "
" What's the problem? Bakit hindi? "
" May nag- oppose at nagclaim after I-published sa circulation ang estate ng lolo mo "
" Ano? It's impossible Attorney! Mayayaman lahat ang mga kamag-anak ng lolo ko. And they don't have any rights to run after his assets, ako lang ang lehitimong tagapagmana dito "
" No Rexy, wala sa kanila ang naghahabol sa naiwang ari-arian ng lolo mo "
" And who the hell is he?! Anong karapatan nya na ihold ang mana ko?! "
" Magugulat ka sa sasabihin ko... pero may kapatid ka pala sa ama! Sya ang naghahabol sa lahat ng naiwan ng lolo mo"
" What??!! "
------------------------------------------
When it rains it pours! Ayan Rexy, sunud sunod ang problema mo! Buti nga sa iyo! 🤣🤣
Sa mga mabibilis ang utak at alam agad ang mangyayari, warning: wag kayong spoilers sa comment okay. Otherwise kayo na lang ang magtuloy ng kwento ko, hahaha ✌️✌️✌️
BINABASA MO ANG
Marrying The Rude Guy
RomanceBeing married to Rexy Montemayor.. I thought I was the luckiest girl on earth! He is sexy, he's hot, a greek god, and the sole heir of the multi billionaire man. There is no doubt, Rex.. is every woman's desire. For me he was a Fairy Tale come tru...