Chapter 18- R18

5K 129 2
                                    

Warning: Super SPG

"Guys we have a problem here! ", salubong ni Karl sa kanila

Nasa Coron Palawan na sila para sa Annual planning. Isa ito sa mga resort na pag-aari ni Karl.

" Kulang yung nireserve na room ng reservations sa tin. Naoverlooked daw nya

" Panong naoverlooked? Ang linaw naman ng instructions ko sa kanila! "

" Sophia, nawala sa isip ng reservations na di na kayo nagtatabi ni Rexy. Iisa ang room na inassign sa inyo "

" What?! Hindi pwede, ireserve nila ko sa ibang room! "

" Yun nga ang problema, fully booked tayo ngayon kapatid "

" Ano?! Sino ba yung nagkamali? Wait..", tinalikuran nya ang mga kausap

" Hoy San ka pupunta?! Sophia kilala kita, wag mong pairalin pagiging brat mo at bigla mo na lang tsugiin yung tao ", habol sa kanya ni Nathan

" Hindi sasabihan ko lang "

" Enough! Napagalitan ko na sya. Nothing will change kung aawayin mo pa. Two days lang naman kayo magtatabi ni Rexy, tiisin mo na "

Yun nga eh! Two days! Hours nga lang na magkasama kami ang daming nangyayari, 2 nights pa kaya!

" Teka, nasan na nga pala si Rexy? ", tanong ni Nicole

" Oh look who's coming!! ", nguso ni Nathan sa paparating

Napatitig sya sa mala adonis na lalaking naglalakad. Naka all white ito, nakashort at nakatsinelas. Hindi kasi sila sabay ng flight dahil galing pa ito sa Hongkong kaya ngayon na lang uli sila nagkita. Bakit ba gumugwapo si Rexy bawat araw!

" Good morning! ", masayang bati nito sa kanila. Lumabas ang mapuputi nitong ngipin

Lumapit ito sa kanya.

" Hey, how's your trip? ", tanong nito

" Ayos naman " she acted normally pero ang totoo kinikilig sya kay Rexy.

Nakakainis! Bakit ba ang hot nya kahit anong suot!

" Dinala ko na yung gamit mo sa kwarto natin "

Inirapan nya ito. Hindi nya kasi alam kung iniinis sya pero napaka casual lang ng pagkakasabi nito sa kanya.

Kwarto natin!

" Kay Nicole na lang ako makikisingit "

" Asa ka pa? Nagiging kabayo yan pag tulog ang lakas manipa. Bugbog sarado ka pag gising. Single occupancy lang kasi naka reserved sa tin. Yung sa inyo lang ni Rexy ang double "

" Bakit? Ayaw mong tumabi sa kin? Behave naman ako ", nakita nya ang pilyong ngiti na gumuhit sa mga labi nito.

See.. pano sya kakalma! Mas lalo syang natakot.

" Basta, Hindi ko pwedeng palampasin ang pagkakamali ng reservations! ", nagwalk out sya

" Ikaw talaga! Sundan ko lang, Baka umiyak. Tara Nicole", si Nathan na medyo nag-alala sa kaibigan

" Ang efficient talaga ng bayaw ko. Thanks! I owe you a lot! ", bulong ni Rexy kay Karl

" Anong thank you? Wala ng libre ngayon. I want your latest Ferrari! "

" I know! But wait until the crime is accomplished! "

" Gago! This time, Ingatan mo si Sophia. Pag sinaktan mo sya ako na papatay sa iyo"

After lunch sinimulan na nila ang planning. Maaga itong natapos dahil si Sophia at Rexy ang nagpresent. May pagkakataon pa silang maligo.

Pumunta sya ng room at doon nagpalit ng two piece bathing suit.

Marrying The Rude GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon