Chapter 19- Broken

4.9K 112 3
                                    

Nagising sya mula sa sinag ng araw na tumatama sa mukha nya. Napabalikwas sya, maliwanag na sa labas at dama na nya ang init. Mukhang tinanghali sya ng gising.

" Sophia?.. "

Agad nyang hinanap ang babaeng nakaniig nya sa magdamag.

" O Rex, you're late! Mukhang napasarap kayo kagabi ah! Si Sophie, tulog pa? ", bati sa kanya ni Karl paglabas nya

Nag-aalmusal na ang mga kaibigan at mukhang ready na sa second day planning. Pero nasaan si Sophia?

" Hindi pa ba bumababa? Wala na sya pag gising ko. Kanina pa ba kayo dito?!", kinakabahang tanong niya.

" Oo kanina pa kami. Wala sya sa room nyo?! Oh my god! Kung ganon nasan si Sophia?! ", si Nathan na medyo hysterical na

" Calm down! Baka namamasyal lang! "

" Namamasyal? Karl we've been here for almost an hour. Pero walang Sophia. Rexy.. may nangyari na naman ba sa inyo?! "

" Wala. Believe me, okay pa kami bago matulog! "

" Sa C.R. Wala ba dun? Baka naliligo tapos nakatulog uli! ", si Nicole na pinipilit pakalmahin ang lahat

" I took a shower before I go down. She's not there "

" Sh*t! What happened to her! "

" Nathan.. the truth is.. we made love.. the whole night "

" Hindi naman nakakagulat yun. Expected na namin sa iyo yun Rexy! Pero kailangang mahanap natin si Sophia. Magkanya kanya tayo, wag nyong ipa announce na nawawala sya, nakakahiya sa ibang guest "

Sa halip na lumabas, minabuti nyang bumalik sa kwarto. Tinignan nya ang closet, intact pa ang mga damit ni Sophia, naroon din ang mga maleta.

Nasan kaya ang babaeng yun?

Isang maliit na nakatuping papel ang tumawag ng pansin nya habang nililigpit ang higaan na naging saksi sa kanila ni Sophia. Isa itong sulat...

" I'm sorry Rexy.. but we're over. Aalis ako, please pabayaan nyo muna ko. Don't wait for me. I'm setting you free. Palayain na natin ang isa't isa"

Nilamukos nya ang papel. It was a short letter.. and a sudden notice of goodbye! Bakit ba lagi na lang syang tinatakbuhan ni Sophia? Dahan dahan syang umupo, laylay ang balikat. Dahil sa maikling sulat na yun, gumuho ang lahat ng pangarap nya para sa kanila ni Sophia.

Hindi nya alam na magiging ganon kasakit ang darating na umaga. Kung alam lang nya, hindi na sana sya natulog pa. Masaya sya kagabi, masaya sila. Paulit ulit nilang pinagsaluhan ang ligaya sa buong magdamag. What went wrong? Umasa sya, akala nya okay na ang lahat. Umasa sya na kaya pa nyang buuin ang nasirang pagsasama nila ng asawa. Pero yun na pala ang huli nilang sandali.

Wala na si Sophia. Tuluyan na sya nitong iniwan!

Bumaba syang muli na walang buhay.

" Don't try to find her.. she's gone.. ", malungkot nyang balita sa mga kaibigan

" Rex.. Rexy Anong nangyari?! "

" It's over. Gusto na nyang makalaya sa kasal naman. I'm sorry... but I have to fulfill her wish.. "

" Ano?! ", halos sabay sabay na tanong ng mga kausap

" I will sign the annulment. Ito yung gusto nya.. makikipaghiwalay na ko sa kanya. ", magkahalong lungkot at panghihinayang ang mababanaag sa mukha nya

" Rexy?! "

" Mahal ko ang kapatid mo Karl, but I'm sorry... ibibigay ko ang hinihingi nya. Ayoko ng masaktan sya ng paulit ulit ng dahil sa kin. Ayoko ng makita na nahihirapan sya at pinipilit nyang maging masaya para lang pagbigyan lahat ng tao sa paligid nya. "

Marrying The Rude GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon