Chapter 3- The Rude Guy

6.3K 140 1
                                    

Nagising ako ng maaga, pinlano ko na to. Gusto ko kasing ako mismo ang magluto at magprepare ng breakfast namin ni Rexy.. wife duty. Pero wala na sya sa tabi ko, bumaba ako para hanapin sya sa buong bahay wala rin. San kaya sya nagpunta ng ganito kaaga? Nagluto na rin ako, inisip ko na nagjogging lang sya sa labas.

Pero mag-iisang oras na kong naghihintay hindi pa rin sya dumarating. I decided to call him

" Why?", yun ang una nyang bungad pagsagot sa phone. Pambihira, wala man lang hello?

" Hello Rexy, nasan ka ba? Kanina pa kita hinahanap. Hindi pa ko nagbebreakfast kasi hinihintay kita ", malambing kong sagot sa kanya

" I'm already in the office. "

" Ano?! Bakit di mo ko ginising, di ka man lang... "

Teka mali, hindi ko dapat sya tinataasan ng boses, baka isipin nyang nagger ako

" I-I mean di ka man lang nagbreakfast. Kumain ka na ba? ", balik ko sa pagiging sweet

" I'm done. Sophia, I have a lot of things to do. Aalis tayo bukas kaya kailangan kong tapusin ang lahat ng kailangan kong pirmahan. Excuse me "

Inend call na nya ko agad agad. Grabe tong si Rexy walang kalambing lambing sa katawan. Ganon ba talaga sya? Walang manners! Bat ganon? Ang hot hot nya sa Kama pero napaka cold sa personal!

Pero nangiti ako sa kaisipan na bukas na nga pala kami aalis. Ten days European Tour ang gift sa min ng parents niya, doon kami maghohoney moon. Puro sexy and revealing lahat ng damit kong pambahay pagdating don, tignan ko lang kung di nya ko pagnasahan araw araw.

Sa mga oras na to, maganda sigurong I-apply ang mga Tips ni Tita Grace on how to keep my husband.  Buti na lang nandyan lagi ang mommy ni Nathan, hindi nauubusan ng words of wisdom pagdating sa mga kalalakihan! Sabi nya...

Be aggressive, umarte na para kang kabit.
Tandaan, daig ng malandi ang maganda!

Minsan, magyaya ng s*x sa mga bawal na lugar. Dahil ang boys gusto nila may thrill!

Samahan sya sa lahat ng adventure at trip nya. Kasi kung ayaw mo, may ibang sasama sa kanya

Allow him to be alone. May time na gusto ka nyang kasama, pero may mga time na gusto nyang mapag-isa o kaya sumama sa barkada.

Wag masyadong possessive. Lalaki yan, titingin at titingin sa magaganda at sexy. Magfefeeling binata minsan. Bantayan mo lang, wag mong itali. Hayaan mong bumuntot. Pero pag tinali mo, di ba pag nakawala mangangagat.. mas nakakatakot yun.

Always be happy, good vibes lang. Ang pinaka ayaw ng lalaki yung nega! Gusto nila napapatawa sila.

Ibahin mo araw araw style mo ng pananamit. Pati itsura ng mukha at ayos ng buhok dapat everyday nagpapalit. You know men, they got easily bored!

Do not overpower your man. Wag na wag mong tatapakan ang ego ng mga lalaki, dun kayo mag-aaway. Ibigay mo sa kanya ang lahat ng authority.

Compliment them. Alam mo naman ang mga guy, mayayabang. Gusto nila yung lagi silang pinupuri.

Lastly, stand up for your man. Kasi kahit magawa mo na lahat ng nasa list, minsan kulang ka pa rin.

The truth is, you will never be enough for him. Tayong mga babae kapag nag-asawa na, sa kanila na umiikot ang mundo natin. Lahat ng pangarap, lahat ng ginagawa natin, ang mga desisyon.. lahat yun papunta sa direksyon kung saan naroon ang ating asawa at mga anak. Pero ang mga lalaki kahit may asawa na, hindi sila ganon.  Napakarami nilang mga pangarap at mga bagay na gustong gawin ng hiwalay sa atin. Whether we like it or not, parte lang tayo ng mundong ginagalawan nila, at hindi tayo ang mundo nila.

Marrying The Rude GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon