" Ano ba yan kami ang kasama pero lingon ng lingon. Hindi naman obvious girl na may hinahanap ka no! ", pang-aasar sa kanya ni Nathan. Nakataas pa Ang kilay nito habang nagsasalita
" Darating ba si Rexy? ", tanong ni Nicole
" I'm not sure. Sabi nya last night try Nya daw humabol. May convention kasi Ang Ricafort Steel, baka hindi pa tapos yun hanggang ngayon ", sagot ni Karl
" Kaya pala wala rin sila Tito Steve and Tita Roxanne. Wag ka ng malungkot Sophie, nandito naman si Rexy next week para pirmahan Yung mga documents ng amended articles natin.", pagcocomfort sa kanya ni Nicole
" Sino bang nalulungkot? I'm not affected no! Kung pumunta sya eh di fine, Kung Hindi okay lang. Wala akong problema dun"
" Asus, kaya pala walang sigla yang mukha mo! Tigilan mo yang pagpepretend na okay ka, hindi ka magaling magsinungaling. Wag Ako Sophia! "
" Kuya Ano ba! Depressed na nga si Sophie pinapaalala mo pa sa kanya", saway ni Nicole sa kapatid
" Grabe, depressed agad? I'm just fine! Don't worry about me! "
" Eh di okay! "
" Hi! Can I join you? "
Hindi Nila namalayan Ang pagdating ni David." Oh! Hello Dave! Sure, dito naman talaga seat mo", minuwestra pa ni Nathan Ang bangko, Pero sa halip na tumabi sa kanya, Kay Karl ito lumapit
" Kumusta Bro? Adjusted ka na ba sa bago mong trabaho? ", tanong ni Karl sa bagong dating
" Heto nag-aadjust pa rin. Until now, hindi pa nagsisink in sa kin na Ako na Ang General Manager ng kumpanya. Buti na lang nandyan si Tito Steve as consultant, napakarami Kong natututunan sa kanya. No wonder, mas bata sa kin si Rexy Pero mas maraming alam sa negosyo. Napakagaling ng mentor nyo bro! "
" Cheers to that! Anyway, nagkausap na ba kayo ni Rexy? ", si Nathan na curious sa estado ng relasyon ng magkapatid
" Nagkakausap Kami through chat and skype, business as usual of course. But to be honest, we haven't talked on a personal level and I haven't seen him personally after he left. Laging sa phone and computer lang kami magkaharap. But so far, okay naman kami... civil! "
" Well at least di na kayo nag-aaway at nagbabangayan na parang aso't pusa. In time matatanggap ka rin ni Rexy. All his life nabuhay sya as a solo child. Syempre magugulat sya na may kapatid pala sya sa labas. But don't worry, though most of the time he's stubborn and rude, mabait na tao ang kapatid mo. Maaayos din kayo "
" I know. He has a good mom, and Tito Steve is the best. Mabubuting tao ang nagpalaki sa kanya. He's a good man for sure"
" How about you Sophia.. Kumusta kayo ng asawa mo? "
Hindi sya nakapagsalita. Kung tutuusin okay na ang lahat, bumalik na sa dati. Hindi natuloy ang bentahan ng shares ng kumpanya, naconvince ng mga in laws ang mga tao sa MGC. President na si Rexy, at busy rin ito sa Ricafort Steel. Okay na rin sila ni David, napatawad na nya ang binata. Everything is sailing smoothly. Except her and Rexy.. Wala na silang communications simula ng umalis ito ng Bansa.
Huminga lang sya ng malalim sa tanong ni Dave. Ano isasagot nya, wala na talaga sila ng asawa.
" I- I'm sorry Sophie. I'm sorry. Alam kong ako ang dahilan ng lahat. I will make it up to you pagbalik nya.. I can explain everything to him.. "
" There's no need to do that David. I've done my part. Naexplain ko na ang sarili ko. For sure nasabi na rin ng mga in laws ko sa kanya kung ano ang totoo. Talaga Lang sigurong nagalit sya sa ginawa ko and I think it has nothing to do with you anymore. Kami ng dalawa to. Tapos na yung issue natin, okay na tayo. "
BINABASA MO ANG
Marrying The Rude Guy
Storie d'amoreBeing married to Rexy Montemayor.. I thought I was the luckiest girl on earth! He is sexy, he's hot, a greek god, and the sole heir of the multi billionaire man. There is no doubt, Rex.. is every woman's desire. For me he was a Fairy Tale come tru...