Chapter 8- Changes

5.3K 111 4
                                    

Pagkalabas ng ospital sa sariling bahay sya umuwi, Hindi sya bumalik sa bahay ni Rexy. Ayaw muna nya tong makita, ito ang nagbibigay ng stress sa kanya.

" Anak, nandyan ang asawa mo sa baba, sinusundo ka ", tawag ng mommy nya sa kanya

What? Tama ba sya ng dinig? Si Rexy sinusundo sya? Impossible!

" Ma, baka naman si kuya ang dinadalaw nya at hindi ako "

" No iha, ikaw talaga pakay nya. Magkasama sila ni Karl na dumating dito. Ano ka ba? Natural susunduin ka ng asawa mo, three days ka na dito "

Ano kayang drama nong lalaking yun, sa isip isip nya. Hindi sya makapagcomment dahil walang alam ang mommy nya sa totoong estado ng relasyon nila. Akala ng parents nya naglalambing lang sya at nagtatanong tungkol sa pagbubuntis kaya hindi pa sya umuuwi sa bahay ni Rexy.

" S-Sige mommy pakisabi magliligpit lang ako "

Bago sya bumaba ng hagdan huminga muna sya ng malalim. Hindi nya maintindihan ang sarili nya, lagi syang kinakabahan everytime na makikita nya si Rexy, parang teenager na laging excited sa pagkikita nila ng crush nya.

" Sophia... "

Natuod syang bigla, pagbaba nya si Rexy agad ang bumungad sa kanya. Nakatingin ito ng diretso sa kinaroroonan nya. Pero ang labis na nagpakilig sa kanya.. naka jersey lang ito at naka rubber shoes, galing yata ito sa basketball kasama ang kuya nya. Pero mukha pa ring fresh at mabango, batang bata ang itsura nito at napakagwapo.

Nagbaba sya ng tingin ng magtama ang mga mata nila. Naghyper ventilite yata sya. Kahit kailan Hindi nya matagalan ang presence ng asawa.. head over heels ang pagkagusto nya dito.

Umayos ka Sophia, galit ka dapat sa kanya!

Gusto nyang pagalitan ang sarili. Five days ago lang galit na galit sya rito. Pero heto sya ngayon at naglalaway sa pagiging hot nito.

Napahawak sya sa hagdan ng makita nyang unti unti itong lumalapit sa kanya. Mamula mula ngayon ang balat ng asawa at kitang kita nya ang mga muscles sa suot nitong jersey.

My god Rexy! What have you done to me?!

" Ma, thank you sa pag-aalaga nyo sa asawa ko. Pero namimiss ko na rin kasi
sya, kaya okay lang ba kung iuwi ko na sya? "

" Of course iho, ikaw na talaga dapat ang mag-alaga sa kanya dahil mag-asawa na kayo. Pasensya ka na, namiss lang kami ni Sophia kaya medyo natagalan sya dito. Alam ko naman na hindi mo sya pinababayaan "

Kung alam mo lang daddy! He doesn't care at all! Ang galing umarte! Try mo kayang mag-artista!, sigaw ng isip nya.

Na turn off syang bigla. Alam nya naman kasi na umaarte lang si Rexy.

" Surprise!!! ", biglang sulpot ng mga tao sa harapan nila

" Grace, Nats? What are you doing here?! ", tanong ng daddy nya. Family nila Nathan ang dumating, kasama pati si Nicole.

" Not just us, wait.. there's more! "

" Oh my god Roxie, Steve !! ", tili ng mommy nya ng makita ang papasok na mga bisita, parents naman ni Rexy.

Nagbeso beso ang mga ito. Infairness sa kanila parang di nagkita ng matagal! Once a week kaya nagkikita kita kayo sa office. Gusto nya sanang magbiro, kaso wag na baka maka offend pa sya ng tao. Ang mahalaga magkakasama sila bilang isang pamilya, at happy sya knowing na sya ang dahilan kung bakit may instant reunion sila ngayon.. para dalawin at I congratulate sya.

" Sophia anak!! ", yakap sa kanya ni Roxie.

" I'm so happy, magiging lola na ko! Thank you iha", mangiyak ngiyak ito

Natouch sya, hindi nya ineexpect na magiging ganon kabilis ang acceptance ng mga ito sa pagbubuntis nya. Bata pa kasi ang mga biyenan nya, nasa mid forties pa lang. Tinignan nya ang biyenang babae, napakaganda pa rin nito at balingkinitan pa rin ang katawan. Lalo naman ang biyenan nyang lalaki, kung gwapo ang asawa nya mas gwapo ito. At pinagnanasahan pa ng mga kababaihan. Pero heto, feel na feel na nila ang pagiging grandparents!

" Hindi ka na namin nadalaw ng Tita Grace mo sa ospital. Balak nga kasi namin dito na lang. kaso sabi ni Nathan uuwi na raw kayo ngayon ni Rexy kaya sumugod na kami pasensya. Binitbit na namin si Roxie at Steve para makapagcelebrate na rin tayo ", pagpapatuloy ni Nats

" Syempre naman namimiss na ni Rexy asawa nya no. Halos ilang araw na syang tigang! "

Nahiya sya sa sinabi ni Grace. Kahit kelan talaga napaka straight magsalita nito. Sa kanilang dalawa ni Nathan parang mas bakla pa ang mommy nito kesa sa kaibigan.

" Bruha ka mahiya ka nga sa mga bata", saway ng mommy nya sa kaibigan

" Bata? Sinong bata dito? Si Nicole? She's twenty! Paliligawan ko na nga yan kay Karl hello! "

Nakita nyang namula ang kuya nya. Napansin nya kanina pa may ningning ang mga mata nito. Mukhang may tama sa nakababatang kapatid ni Nathan!

" Ikaw talaga Grace kahit kelan wholesome", biro din ni Roxie

" Ano ka ba totoo yun, tanong mo pa sa anak mo. Don't tell me kayo ni Steven kaya nyong walang s*x the whole week? Dianne, kayo ba ni Buddy hindi rin? Oy pero sa totoo lang mas aggressive ang babae kapag buntis. Natry nyo na ba Sophia? "

Tuluy tuloy pa rin ito, walang preno magsalita! Sa isang banda buhay talaga conversation pag present ang Tita Grace nya.

" Mommy!! ", pinandilatan na ni Nathan ang ina

Nagtawanan silang lahat, ngingiti ngiti lang ang asawa nya
------------------------------------------

"Anong meron? Bakit nag-iba ihip ng hangin?", malumanay nyang tanong kay Rexy ng makauwi na sila. Baka mamiss interpret na naman sya nito kaya as much as possible mahinahon dapat ang boses nya.

" Sorry, nabigla lang ako nung una. I wasn't prepared for the news"

Sorry? First time! Ano bang nakain ng asawa at parang bumait?

" I've realized anak ko pa rin sya. Wala syang kasalanan sa lahat ng nangyari sa ting dalawa.. he's innocent, he doesn't deserve to be treated as trash. Hindi pa ko settled sa iyo Sophia, pero gusto kong malaman ng anak ko na May daddy syang kikilalanin"

Hindi nya alam kung malulungkot o matutuwa sya sa sinabi ni Rexy. Hindi pa sila settled, meaning nasa isip pa rin nito na hiwalayan sya. Sa isang banda, sigurado naman ito na susuportahan ang anak nila kahit anong mangyari. Pero anumang damdamin meron sya ngayon, ayaw na nyang magbigay ng reaksyon. Pagod na pagod na syang mainis, pagod na syang magtampo. Wala namang mangyayari.. sa huli sya naman ang laging talo.

" At isa pa... totoo yung sinasabi ni Tita Grace kanina "

Nasabik sya sa sinabi ng asawa, alam na nya ang ibig nitong sabihin.

Kaya hindi na sya nagtaka ng siilin sya nito ng maiinit na halik habang isa isang hinuhubad ang saplot nya.

" Sophia... "

" Rex... "

" I want to see the aggressive side of you. Gusto kong makita yung sinasabi ni Tita Grace. Show me a proof ... "

He can see the fire and lust in his eyes. Tanga na nga siguro sya dahil for the nth time, bumigay syang muli kay Rexy. Nagiba nito ang galit sa sistema nya. Patay na patay talaga sya sa lalaking ito. At sa mga oras na ito, parang ikamamatay nya kung hindi sya maaangkin ng asawa.

------------------------------------------------------
Important genealogy para medyo gets kung sinu sino characters na medyo sumusulpot😂

Roxie & Steven - parents ni Rexy

Dianne & Buddy- parents ni Sophie. Kapatid nya si Karl

Grace & Nats- parents ni Nathan. Kapatid nya si Nicole

This story is a sequel to "The Priest and I"

Marrying The Rude GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon