Isang buwan ng wala sa poder nya si Sophia. At sa loob ng mga araw na wala ito, ramdam nya ang kahungkagan at pangungulila dito. Hindi nya maintindihan kung bakit sya nagkakaganito gayong matagal nya ng hinihintay na dumating ang ganitong pagkakataon.. ang maging malaya. Pero ngayong nangyari na imbis na matuwa sya at magdiwang, pawang kalungkutan ang nararamdaman nya. Kulang na ang buhay nya ng wala si Sophia.
Ilang beses nyang tinangka na magkalapit sila pero lubha itong mailap. Hindi rin nito sinasagot lahat ng tawag nya. Hindi nya maiwasang mag reminisce sa magaganda nilang alaala. Kung paano sya nito pinagsisilbihan, kung paano ito naging sunud sunuran sa kanya, at kung paano sya nito napaliligaya. He's just in denial before, pero sa totoo lang si Sophia ang pinakamasarap na kasama sa kama, at hindi nya ito maikukumpara sa iba.
Naging napakabuti nito sa kanya pero hindi nya pinansin lahat ng bagay na ginagawa nito, ni minsan hindi nya ito naappreciate. Walang araw na hindi nya ito napaiyak. Ngayon nya lang narealized na sobra sobrang hirap at sama ng loob ang idinulot nya dito.
Kaya heto sya ngayon, naghihintay. At umaasa na isang araw ay babalikan sya ni Sophia. Na sapat ang pagmamahal sa kanya ng asawa para mapatawad sya at muli silang magsama.
"Miss na miss na kita Sophia "
Naputol ang pag-iisip nya ng pumasok ang personal driver.
" Sir sulat po ", kinuha nya ang brown envelope
" What's this? "
" Dinala ng LBC kanina, para sa inyo raw "
" Ano kaya to..? "
Nalamukos nya ang sulat.. Notice of Annulment !
" Shit!! "
Mabilis nyang dinial ang numero ni Sophia.
The number you have dialed is incorrect.
Mukhang nagpalit na ito ng number. He has no choice, pupuntahan nya na lang ito sa bahay ng mga in laws." Rexy?! ", salubong sa kanya ni Buddy
" Dad, nasaan ang asawa ko? We need to talk "
" Iho, Sophia is not here. Nasa Tokyo nagbabakasyon. "
" What?! Kelan pa? Bakit hindi nyo man lang sinabi sa kin? Bakit walang nagsabi?!"
" I'm sorry pero kabilin bilinan ng anak ko na wag ipaalam kahit kanino, lalo na sa iyo"
" More than one month ko ng hindi nakikita ang asawa ko. Tapos ngayon malalaman ko na nasa Japan sya. Dad alam kong may problema kami. Pero may karapatan akong malaman kung nasan sya dahil mag-asawa pa rin kami! "
" Wait Rexy, nagbakasyon lang si Sophia, babalik din yun. Will you please calm down"
" Paano ko kakalma? Sabi nyo bigyan ko lang sya ng time na makapag-isip. You even told me na ibabalik mo sya sa kin pag fully recovered na sya. Sinunod ko naman yung gusto nya. Pero hindi pala sya nagrest, ni hindi sya nag-isip! Kasi ang plano nya hiwalayan na ko ng tuluyan at ipa-annulled ang kasal namin! "
" Ano bang sinasabi mo?! "
" Look dad, I just received this today and this is totally bullsh*t! It's unfair! Bakit nyo sya hinayaang gawin yan? Gusto nyo na ba talagang maghiwalay kami ng anak nyo?!"
" A-annulment ?!", di makapaniwala ang biyenan nya
" Son.. hindi namin to alam. Believe me, kahit ang mommy nya nagalit sa iyo pero hindi namin gusto na maghiwalay kayo "
" Then prove it. Tell me where she is "
" Just wait for her. Parating na yun next week. "
" Hindi na ko makapaghihintay pa. Give me her exact location in Tokyo, susundan ko sya "
BINABASA MO ANG
Marrying The Rude Guy
RomanceBeing married to Rexy Montemayor.. I thought I was the luckiest girl on earth! He is sexy, he's hot, a greek god, and the sole heir of the multi billionaire man. There is no doubt, Rex.. is every woman's desire. For me he was a Fairy Tale come tru...