SOPHIA:
Ininsulto nya ko, halos tapakan nya ang buo kong pagkatao. Pero Hindi ako iiyak, kailangan kong maging matatag. Gusto kong ipakita sa kanya na hindi ko sya susukuan. Na ako pa rin ang karapat dapat na maging asawa nya. Pagdating namin sa Europe wala syang choice, magsasama at magsasama pa rin kaming dalawa!
Ang dami ko sanang plano for our upcoming trip, pero nagising ako na mabigat ang pakiramdam. Masakit ang ulo , at ng kapain ko ang leeg ko, mainit ito. Uminom ako ng gamot para gumanda kahit papàno ang pakiramdam ko. Hindi pwedeng mahalata ni Rexy na may dinaramdam ako. Kailangang matuloy ang honeymoon namin. This might be my last chance!
Pagbaba ko as usual nakasimangot na sya.
" Bakit ang tagal tagal mong kumilos? Magtatravel tayo, hindi aattend ng party ", saracastic nyang sabi
Hindi na ko kumibo, magtatalo lang kami. Sa aming dalawa parang sya ang nagger. Ewan ko ba kung bakit ganyan sya sa kin. I know that he's mean lalo na sa mga babae, pero hindi sya madaldal. Sa akin lang! Hinila nya ang mga bagahe palabas, habang ako hirap na hirap sa mga bagahe ko. Masama pa rin ang pakiramdam ko.
" Ma'am ako na po magdadala ng gamit nyo! ", buti na lang mabait ang driver ni Rexy.
Dumidistansya ko sa kanya dahil mainit ang katawan ko, malalaman nyang may sakit ako pag nagkataon. Sa plane na lang ako bibigay, mahirap na baka mapurnada pa ang byahe namin.
Lumapit sya sa kin ng bahagya, akala ko kahahalikan nya ko ng bigla syang bumulong.
" Let's make this simple Sophia, we're here for a show. I am saying this to you so you won't expect too much. But don't worry, we'll have our pictures honey, more pictures and videos na ididisplay mo sa social media at sa mga kaibigan mo. That's what you want right? To be the center of attraction. So do me a favor sweetie, without the camera, magkanya kanya naman tayo. And.. leave me alone please"
Ngumiti pa sya na parang nang-aasar. Huminga lang ako ng malalim para alisin ang inis na nararamdaman ko. Now, he made it clear to me na pangshowbiz lang kaming dalawa, pang off cam! Pinili ko na lang matulog kesa ang pumatol.
It's a long travel at Nag stop over kami sa Dubai ng isang araw. Pero patang pata ang katawan ko, though nakatulog ako sa byahe ng mahaba hindi pa rin talaga ko okay.
" May sakit ka ba? Ang haggard ng itsura mo ", comment ng asawa ko pagdating namin sa hotel
" Rex.. I'm sorry I can't be with you today. I'm not feeling well. Enjoy Dubai with yourself, hindi ko talaga kaya. Siguro naman bukas pagdating natin sa Rome okay na ko. "
" Okay. Get some rest and I'll do some adventure here. Got to go "
Yun na yun? Iniwan nya ko mag-isa para mag adventure kahit alam nya na may sakit ako. Kunsabagay, ako rin naman ang nagsabi na mag-enjoy sya mag-isa. Pero wala talaga syang balak na alagaan man lang ako! I have no choice kundi ihiga ang sakit ko, wrong timing na ngayon pa ko tinrangkaso.
Gabi na ng magising ako, medyo maayos na ang pakiramdam ko. Nakauwi na kaya si Rexy? Kumusta na kaya sya? Dahil maghapon akong walang gana nagcrave ako ngayon ng pagkain. Bababa na lang muna ko ng hotel para magdinner. Hindi ko na mahihintay si Rexy, medyo gutom na ko.
I was disappointed dahil ang akala kong tao na hindi pa dumarating nandirito na pala. Masiglang kumakain kasama ng isang babae! Sino naman kaya yun? Mukhang nilalandi ang asawa ko!
" Sophia you're here! Come on join us! ", matinis na bati sa kin ng babae pagkakita nya pa lang sa kin
Hindi ako makapagreact kasi hindi ko makilala kung sino sya. Her face is familiar tho!
BINABASA MO ANG
Marrying The Rude Guy
Storie d'amoreBeing married to Rexy Montemayor.. I thought I was the luckiest girl on earth! He is sexy, he's hot, a greek god, and the sole heir of the multi billionaire man. There is no doubt, Rex.. is every woman's desire. For me he was a Fairy Tale come tru...