Chapter 12- Her Boss

5.9K 137 3
                                    

" Girl, are you sure kaya mo na syang harapin? ", tanong sa kanya ng kaibigan bago sila bumaba ng sasakyan

" Oo naman! Don't worry Nathan, I'm more than okay! I'm over him, professional na lang ang relationship namin "

" Worried lang ako. Imagine this is your first day in the office. Tapos assistant ka ni Rexy. Ang Classic dun, boss mo sya office habang inilalaban mo ang annulment case nyo sa labas bilang mag-asawa. Ironic! "

When she came back in the Philippines after a short vacation, she decided to take over the the share of her parents in Montemayor Group of Companies. Dahil wala pa syang masyadong karanasan sa negosyo, she was assigned as Assistant to the General Manager which unfortunately.. her future ex-husband!

" Bakit, hindi ba pwede yun? Labas ang personal naming buhay sa trabaho. From now on, no emotional attachment! Nasa kumpanya ko bilang may-ari.. at bilang assistant general manager. No more no less! "

" Hay Naku wish ko lang magbehave kayo. Hindi ako matatahimik pag magkasama kayo no? Feeling ko laging may eksena. Akala nyo ba kayo lang natrauma sa kasal nyo? Kami rin te! "

" Baliw! Don't underestimate me my friend. I may be a newbie, but you know it very well that I can deliver more than what is expected from me! Kaya wag na wag nya kong pepersonalin! Hinding hindi ko sya uurungan "

" Sana nga. Ang pangit naman kung kayo pa ang magiging dahilan ng mass resignation ng mga tao. "

" Come on Nathan! You should be cheering on me! Relax, just trust me! "

" Ano pa nga ba. Shall we? "

Pumasok na sila sa loob. Sa totoo lang medyo may takot at kaba sya hindi dahil first time nya ang magtatrabaho, alam nyang kaya nya. But the anticipation na magkikita sila ni Rexy, sana nga mapanindigan nyang okay lang talaga sya.

Two weeks ago ng sinundan sya nito sa Japan, lumipat sya ng hotel at nagtago ng husto. Sa lawak ng impluwensya ng mga Montemayor, hindi pwedeng hindi sya mahanap nito. Hindi rin nya magawang mag-apply o makipagpartner sa ibang company, knowing how rude is her husband, kayang kaya nitong sirain at pabagsakin ang iba ng dahil sa kanya. Wag na lang, mandadamay pa sya ng ibang tao. She has no choice but to face him!

Nilakasan nya ang loob nya habang lumalapit papunta sa elevator. Napakapit sya ng mahigpit sa kaibigan.

" Okay lang ha? Eh halos bumaon ang kuko mo sa braso ko ", pang-aasar ni Nathan sa kanya. Inirapan nya lang ito

Palinga linga sya. She has to see her brother. Mapapanatag lang sya ng husto kapag nasa paligid lang si Karl. Dahil walang ibang nakakasupil kay Rexy kundi ang kuya nya.

" Gud morning sir Nathan. Hi Ms. Sophia", bati sa kanila ng mga nakakasalubong

Tipid lang ang ngiti nya sa mga ito hanggang tuluyang pumasok sila sa elevator papunta sa 10th floor. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan nya.

This is it!

" Good morning everyone, may I have your attention please. You've been informed that we have a new member in our team. And she's no less than Ms. Sophia Montemayor. How about a round of applause to welcome her "

Montemayor? Pwede bang wag ko ng gamitin yun as my surname!

Nagpalakpakan ang mga tao at isa isang lumalapit at bumabati sa kanya.

" Hi everyone, kilala nyo naman siguro kong lahat. Don't treat me as a VIP. I'm one of the owners but I guessed I have so much to learn from this team. Thank you!"

" Shall we? dadalhin na kita sa room mo. Magkatabi lang kayo ng room ni GM "

Bumilis ang tibok ng puso nya. Hindi nya pa nakikita si Rexy pero yung heart beat nya singbilis na ng tambol.

Marrying The Rude GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon