Chapter 26- Epilogue

8.2K 238 17
                                    

" Ma'am Sophie, flowers for you po"

Napalingon sya sa secretary, may dala itong boque of tulips.

"Wow this is nice! Kanino galing? Kay Rexy ba?", hanggang tenga ang ngiti nya. Gandang ganda sya sa bulaklak

May note na nakasulat: Flowers for my beautiful wife. I love you!

Kinilig sya sa message. Para syang teenager na nakatanggap ng flowers mula sa isang manliligaw na crush nya.

" Babe, nareceived mo na yung flowers? ", tawag sa kanya ni Rexy sa phone

" Yeah, I like it! How did you know that it's my favorite?", kilig na kilig sya

" Of course! Anupa't naging family friend tayo Tapos di ko malalaman ang gusto mo. I'm glad you liked it"

" Oo naman, sobra! Infairness sa iyo kinilig ako", pag-amin nya dito

" Talaga?! Wow I'm flattered, napakilig ko ang asawa ko! By the way Babe I can't make it for lunch. May meeting ako sa labas. Pero babawi ako mamayang dinner. Be ready for a date!"

" Magdadate tayo? Saan? ", excited nyang tanong

" Secret. Basta be ready. I'll pick you up at five pm"

" Pasecret secret ka pa dyan. Sabihin mo na, Iisipin ko pa yan hanggang mamaya"

" Come on! Surprise nga! Ang hina rin ng EQ mo. I'm late, bye babe. See you later!"

Excited na excited sya sa magiging surprise ng asawa. Nagkikita sila araw araw ni Rexy at nagtatabi gabi gabi. Pero lagi pa rin syang excited and always looking forward sa mga date nila. Kung tutuusin ngayon pa lang talaga sila nagkakahulihan ng ugali. Moody pa rin si Rexy, mabilis topakin. Masungit minsan, at sa kanilang dalawa mas OC pa ito sa kanya. Hindi perpekto ang pagsasama nila, madalas pa rin silang magtalo kahit sa maliliit na bagay. Pero masaya sya, at ang mga arguments na yun ang nagpapatibay ng samahan nila.

Wala syang reklamo sa rudeness ng asawa. Minsan mayabang ito at arogante, pero given na yun, tanggap na nya noon pa. Hindi na ito si Rexy pag hindi Rude. Pero Alagang alaga sya ni Rexy at hindi sya pinababayaan nito. Kapag may hindi sila pagkakaunawaan, ito ang unang umaamo sa kanya para maging maayos na sila.

" You look beautiful babe! ", salubong sa kanya ni Rexy

" Ayokong maging alangan sa gwapo kong asawa na kahit saan magpunta Ay hinahabol ng babae"

" Babe! Are you jealous? It's not my fault! Everybody knows that I'm married. Ang masama kung pinatulan ko sila. You see, I am wearing a wedding ring. Para alam nila kung san sila lulugar!"

" No I'm not! I'm just telling the truth. Pogi problems mo yan. So ako bilang asawa mo, dapat lang na laging maganda. Mahirap na, walang matatag na relasyon, sa malanding may determinasyon!"

Natawa ito sa sinabi nya.

" San mo napulot yan? Kahit gaano pa karami Ang maghabol Sa kin, I don't fuc*ing care! I have a beautiful wife. Ikaw lang sapat na!", nailang sya, hinalikan sya ni Rexy Sa harap ng mga empleyado Nila

Ganito ka-showy Ang asawa every time na naiinsecure sya. Hinahalikan at niyayakap sya nito kahit saang lugar at kahit sino Ang kaharap Nila.

"Let's go, mahaba haba pa travel natin? ", sabi nito ng maghiwalay Ang mga labi nila

" Travel? I thought we're going to have a dinner date. Are we going out of town?"

Hindi sya nito sinagot. Pinindot nito ang elevator pataas.

" Bakit up? Di ba dapat down?", tanong nya sa asawa

" You're asking too many questions, basta!", pinindot nito ang button papunta sa rooftop

Marrying The Rude GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon