"So kumusta girl? Nakita ko yung mga post mo sa FB. Parang enjoy na enjoy kayo ni Rexy sa Italy. Bukod sa pamamasyal gumawa ba naman kayo ng bata? ", bati sa kanya ni Nathan. Nakauwi na sila ng Pilipinas at kasalukuyang nag-aayos para sa bubuksan nyang negosyo.
" Bastos mo tumigil ka nga "
" Ay sorry, virgin pa teh? Sa klase ni Rexy, imposible! "
" Believe it or not, once lang may nangyari sa min dun. Simula ng kinasal kami, bilang na bilang ko kung ilang beses pa lang kami nagses*x.. mga apat! "
" Totoo?! For three weeks apat lang?Mamatey?! "
" Oo nga. Hindi ko tuloy alam kung nalosyang ba ko, pumangit ba ko o talaga lang wala akong dating sa kanya "
" Gaga! Ako nga bakla pero kung lalaki ko for sure ikaw ang liligawan ko no. Tumingin ka nga sa salamin, ang ganda mo kaya! Kakaloka to si Rexy, knowing him, di yun kuntento na once a week lang. Naku Sophia iba na yan, baka may ibang kinakalantari ang asawa mo malilintikan sya sa kin. Kahit bakla ako hahamunin ko sya ng suntukan! "
" OA naman nito. Bakit di ba pwede yun? Malay mo abstain lang sya ganon. Nagsawa na "
" I doubt it! Pero teka, apart from s*x kumusta naman kayo bilang mag-asawa? "
" Yun na nga isa pa, secret lang natin to please. Di kami nagtatabi, di kami masyadong nag-uusap. Maaga syang umaalis ng bahay at gabi na kung umuwi. Kahit weekend pumapasok sya. At pag nagpapang-abot kaming dalawa, di nya ko kinakausap. Sinasadya nyang hindi kami magkita "
" Tan*nang relasyon yan Sophie! Para ke pa't naging mag-asawa kayo! Eh anong ginagawa mo?! "
" Haayy, di ko na nga alam kung ano pa ang gagawin ko. Pinagsisilbihan ko naman sya. Kahit papano nagluluto ako, pero di sya kumakain sa bahay. Ako rin nag-aayos ng mga damit at isusuot nya, pero wala man lang thank you. Madalas na nga akong makatulog sa Sofa sa kakahintay sa kanya para kahit papano makapagbonding kami, pero failed! Nilandi ko na, sineduce ko, pinapatulan ako oo, pero pagkatapos non parang wala lang. Parang ibang babae ko na naikama nya lang. "
" Di makalimutan ni Rexy yung ginawa namin ni Lolo sa kanya. Sa totoo lang hirap na hirap na ko. Parang habang buhay kong pagsisisihan yung ginawa ko. Nathan sa tin na lang muna to ha. Ayoko ng makarating sa mga in laws at parents ko. Lalo na kay Lolo dahil si Rexy na naman ang madidiin, lalong magagalit sa kin yun "
Naawa sya sa kaibigan, hindi nya akalain na magiging ganito ang kalagayan ng best friend nya sa kamay pa mismo ng taong malapit din sa kanya.
" Alam mo teh, wag kang magagalit ha. Pero ikaw na ang pinakabatang martir na nakilala ko. My god Sophie, millennial ka pa lang pero yung pinagdadaanan mo sa asawa mo pang forty years old! Kung may magagawa lang sana ko. Teka si Carl, alam ba to ng kuya mo? "
" I don't know, but knowing my brother, mas mahal nun si Rexy kesa sa kin. Baka nga kampihan pa nya ang ang lalaking yun pag nagsumbong ako. And Again, buhay na namin tong dalawa ni Rexy. Mag-asawa na kami, ayoko ng magkwento pa sa iba, sa iyo ko nga lang naopen kasi hindi ko na talaga kaya "
" Kawawa ka naman, aping api ka. Akala ko pa naman jackpot ka kay Rexy. Kinakamusta nga kayo ni mommy, sabi ko ayos lang naman kayo. Pero pag nalaman non ang sitwasyon mo pustahan tayo, mas mauuna pa yung sumugod sa asawa mo kesa sa nanay mo "
" Malamang "
" Sophia nagriring yata yung phone mo. Hindi ganon ringing tone ko "
" Akin nga wait. Hello Carl... Yes, bakit?.. What?!!! Anong nangyari kay Lolo?!... Oh my god!! Sige pupunta na kami dyan!! "
BINABASA MO ANG
Marrying The Rude Guy
RomanceBeing married to Rexy Montemayor.. I thought I was the luckiest girl on earth! He is sexy, he's hot, a greek god, and the sole heir of the multi billionaire man. There is no doubt, Rex.. is every woman's desire. For me he was a Fairy Tale come tru...