Nabothered sya, kailangan nyang kumilos ng mabilis laban kay David. Hindi pwedeng malaman ng mommy nya na may kapatid sya sa labas, masasaktan ito ng labis.
Sabi na nga ba, from the very start pagkakita nya pa lang dito alam na nyang may masama itong balak sa pamilya nila. At ngayon, mukhang ginagamit pa nito si Sophia laban sa kanya.
Hindi na sya nakapaghintay. Pinuntahan nya ito sa law firm kinabukasan. Hindi na ito nagulat ng makita sya, tama ang lawyer nya.. matapang nga ang apog ng isang ito!
" Hindi na kita tatanungin kung bakit ka nandito. More or less alam ko rin naman kung bakit. Mabuti na ring alam mo kung ano ang mga plano ko. You're not welcome here tho! " sarcastic nitong bati sa kanya
Matapang nyang sinagot ang kaharap.
" Let me get this straight. Twenty seven years, twenty seven years ka ng namumuhay bilang isang Servantes. Bakit ngayon na kung kelan namatay ang lolo ko saka ka magpapakita at sasabihin mo sa min na isa kang Montemayor?! My father died when I was three at kami na ng mommy ko ang naging kasama ng grandparents ko. Why now? Nasan ka ng mga panahon na yun?!"
" Dahil ba sa pera? Dahil sa yaman ng lolo ko kaya ka naririto at nagpapanggap bilang isang apo?! Magkano ba ang kailangan mo?! Hindi pa ba sapat ang kita mo sa law firm na to at ang yaman ng mga Servantes kaya nakikihati ka pa sa mamanahin ko?! Tell me? How much do you want? Magkano ka ba?! "
Galit na galit sya, halos lumabas ang litid nya sa galit. Pero si David cool na cool pa rin, blank face. Hindi nito inalintana ang galit nya.
" Tapos ka na?", aroganteng tanong nito sa kanya
" You're asking me if where am I for twenty seven years? Tama ka, namumuhay ako bilang Servantes. Pinagsisiksikan ko ang sarili ko sa mga taong hindi ko kaanu ano. I am an adopted son to my step father! Luckily, they accepted me. Not because they love me, but because they knew that one day, magiging mas mayaman ako sa kanila. Kaya wala ni isa mang Servantes ang nagmaltrato sa kin at sa nanay ko. Binihisan nila ko, pinag-aral. You know why? Dahil gagamitin nila ko laban sa mga Montemayor. They've been preparing me for this day! "
" F*ck you! Anak ka ng daddy ko pero nakipagsabwatan ka sa mga kaaway! Bakit mo ginagawa to? Wala kaming kasalanan sa iyo, hindi ka nya kilala David. He doesn't know about you! Hindi namin alam na nag-eexist ka! Wala kang kasing sama! At Anong plano mo na pati asawa ko gusto mong gamitin? Huwag mo syang idamay dito! Papatayin kita! "
" Hey relax man! Masyado kang mainit bata. Baka nakakalimutan mo na nakatuntong ka sa teritoryo ko. Lupa ng Servantes ang kinalalagyan mo! Pwede kong gawin sa iyo kahit ano. Look Rexy, hindi ko ginagamit ang asawa mo, at lalong hindi ko sya paglalaruan gaya ng ginawa mo. Matagal ko na syang gusto, matagal ko na syang hinihintay. Pinalalaki ko lang, Ako ang unang nakakita sa kanya. At kung Hindi lang sana nakialam ang lolo mo, mapapasakin na sana si Sophia. Kaya isasama ko lang sya sa mga bagay na babawiin ko sa inyo "
" Ano ba talagang problema mo? Sinasabi ko na sa iyo na hindi namin alam na may anak ang daddy ko sa labas. Kung nagpakita ka sana noon pa tatanggapin ka naman ng lolo ko. Pero hinintay nyo munang mamatay sya. Bakit? Dahil hindi nyo sya kayang kalabanin! "
" Accept me? FYI Rexy, Hindi ganon kabait ang lolo mo gaya ng iniisip nyo. Believe it or not, Mali ka! Alam ng lolo mo na nag-eexist ako. At alam nya na may apo sya sa labas! "
" Anong sabi mo?! "
" He knows everything about me Rexy! Sino sa tingin mo ang nagdala sa Ming mag-ina sa mga Servantes? You think paniniwalaan nila kami ng walang impluwensya ni Lolo?! Nag invest sya ng ten percent sa company ng mga Servantes para lang kupkupin nila kaming mag-ina. Somehow nakunsensya sya dahil hindi nya pinaalam sa sarili nyang anak na nandirito ko sa mundo. Oo Rexy, hindi alam ng daddy mo na may anak syang iba. Nang magpakasal ang nanay ko sa matandang balo, inako nya ko bilang anak at ibinigay sa kin pati apelyido nila. Sinusuportahan pa rin ako ng lolo mo kapalit ng pananahimik ng mga Servantes. Ayaw nyang malaman ng lahat ang tungkol sa kin, lalo na ng mga magulang mo. "
BINABASA MO ANG
Marrying The Rude Guy
Roman d'amourBeing married to Rexy Montemayor.. I thought I was the luckiest girl on earth! He is sexy, he's hot, a greek god, and the sole heir of the multi billionaire man. There is no doubt, Rex.. is every woman's desire. For me he was a Fairy Tale come tru...