" Rexy nakapasok na si David sa corporation, ilang stockholders na ang nagbenta sa kanya ng shares "
" Ano?! Attorney pano nangyari yun?! I'm one of the stockholders here, kami nila Karl.. si Nathan. We have a preemptive rights over him to buy those shares! Bakit hindi dumaan sa min ang bentahan?! "
" Dumaan sa inyo actually, It was offered to you a year ago. But you declined the offer. Ibinigay sa iba which unfortunately is your brother. "
" Do something Attorney, make a recourse! Hindi pwede na magkasama kami sa iisang kumpanya "
" Tapos na ang bentahan Rexy, wala na tayong habol. And another bad news.. he's now holding a twenty percent share in MGC, aside from the shares ng lolo mo na hinahabol din nya. Kapag nangyari ang hatian nyo ng mana, he will become the majority shareholder. Malinis syang magtrabaho. He acquired all the stocks in good faith. May mga hawak din syang papers as proof na isa syang Montemayor.. including DNA result "
" F*ck! Ano ba talaga ang gusto ng gagong yun sa pamilya namin! "
" Rexy! "
" Mom?! Ka-kanina pa kayo diyan?", nagulat sya sa pagsulpot ng parents nya. Mukhang narinig ng mga ito ang usapan nila ng abogado
" Alam na namin ang lahat Rexy, sinabi na sa min ni Karl... And we want you to know that we're willing to give him some of the properties na naiwan sa min ng lolo mo, including our shares in MGC "
" No daddy! Hindi pwede! Para nyo na ring ibinigay sa kanya ang buong kumpanya! "
Nalungkot sya, nagalit sa desisyon ng kinikilala nyang ama.
" Paano nyo magagawang ipaubaya sa isang sampid ang lahat ng pinaghirapan ng lolo ko, ng daddy ko? Ganon lang kadali sa inyo ang lahat? Ako, iniisip nyo ba ko? Hindi lang mana ang pinag-uusapan dito.. hindi lang pera. My rights daddy.. ako lang ang tagapagmana ng mga Montemayor! "
Nilapitan sya ng ina, at mahigpit na niyakap. Yumakap din sya dito. Sa mga ganitong pagkakataon he really need his mother. Wala syang pakialam kahit magmukha syang mama's boy sa harapan ng ibang tao. Iniwan sya ng babaeng mahal nya..at ngayon nanganganib pa na mapunta sa step brother nya ang kalahati ng kanyang mana, kasama ang kumpanya na naiwan ng lolo nya.
Ilang saglit pa bumitaw ito sa kanya, nakangiti itong humarap at nagsalita ng mahinahon.. buong ingat.
" Anak, nang mamatay ang daddy mo binigay na sa tin ng lolo mo ang lahat ng yaman nya. We live in luxury, we live in abundance. Sobra sobra pa. Aside from that, kahati pa tayo sa mga ari arian ng mga Ricafort. Nabuhay tayo ng masaya, may maayos tayong pamilya. Kahit kailan hindi tayo nahirapan. Hindi tayo nagkulang. Kapag may problema, lagi tayong may matatakbuhan, lagi tayong may kaagapay. Napakaraming kumupkop at nagmahal sa tin. "
" Mommy... ", naguguluhan sya, hindi nya lubos na maintindihan kung ano ang ibig sabihin ng ina
" I must admit, nasaktan ako ng malaman na may anak ang daddy mo sa iba. But I've realized na nangyari ang lahat bago pa kami maging magboyfriend. Tapos na yun, isang bahagi na lang sya ng nakaraan. Anak Alam kong mahirap para sa iyo na tanggapin yun "
" Pero Rexy, walang kinilalang pamilya si David kundi ang mommy nya. Hindi sya totoong minahal ng mga Servantes, hindi sya nakaranas ng totoong pagmamahal. Gusto nya tayong durugin, gusto nya tayong paghigantihan, naaawa ako sa kanya. Lahat ng yun ginagawa nya dahil may gusto syang patunayan sa sarili nya. He's been an orphan for twenty seven years kahit nasa bubungan sya ng mga Servantes! Can you imagine how miserable he is? Kaya naisip namin ng daddy Steve mo na ibigay sa kanya ang hinihingi nya. Baka Ito yung kailangan nya ngayon para matagpuan ang sarili nya. At kahit baligtarin man natin ang mundo, we cannot deny the fact na anak sya ni Arman.. kapatid mo pa rin sya Rexy. "
BINABASA MO ANG
Marrying The Rude Guy
RomanceBeing married to Rexy Montemayor.. I thought I was the luckiest girl on earth! He is sexy, he's hot, a greek god, and the sole heir of the multi billionaire man. There is no doubt, Rex.. is every woman's desire. For me he was a Fairy Tale come tru...