" Aalis ka? Marami ka bang gagawin sa office? Bakit di ka na lang magrest dito sa bahay ", tanong nya sa asawa. Katatapos lang ng forty days ng lolo nila. Mukhang pagod pa ito at hindi pa fully recovered sa pagkamatay ng matandang Montemayor
Pero wala syang narinig na sagot mula rito. Para lang syang kumausap sa kawalan.
" Rexy are you sure kaya mo ng magwork? Parang wala ka pa sa condition "
" So what do you want? Mag stay ako dito sa bahay ng matagal? Just the thought of us being together.. you know that I can't! "
Masakit yun para sa kanya. For forty days halos di sila nag-uusap ng asawa. Lagi lang silang nasa bahay ng in laws dahil sa pagluluksa sa lolo nila. Matagal syang nag give way dahil alam nya na masakit ang pinagdaanan ng pamilya ni Rexy. Pero yung sabihin nito na di sya makatiis na kasama sya, daig pa nya ang sinampal ng paulit ulit.
" Hindi sa ganon, kadarating lang kasi natin dito sa bahay. Ikaw lang ang inaalala ko. "
Hindi sya nito pinakinggan. Tinalikuran lang sya ni Rexy at tuluyan ng umalis ng walang paalam.
Pero dahil nag-aalala sya para rito, nagpasya syang dalhan ito ng pagkain sa opisina.
" Ma'am Sophia! Good morning po", bati ng secretary ni Rexy
" Hi, si Rexy?! "
"Nasa loob po. Pasensya na Ma'am, mahigpit kasing binilin ni Sir na wag magpapasok ng kahit sino.. kahit daw po kayo "
Ang lakas naman ng radar non! Nabalitaan na pupunta ko.
" Don't worry, ako ng bahala sa asawa ko. ", tuluy tuloy syang pumasok. Pero bigla syang hinarang nito.
" Ma'am sandali. Malalagot ako kay Sir! "
Nag-init ang ulo nya dahil dito.
" Sylvia alam mo bang hindi lang si Rexy ang nagpapasahod sa iyo kundi buong kumpanya. May-ari din ako baka lang nakalimutan mo "
" So-sorry po ma'am. Sorry po "
Nanginginig na bumalik sa pwesto ang secretary. Nangiti sya sa kaisipan na natakot sa kanya si Sylvia. Lumalabas pa rin talaga ang taray nya sa ibang tao. Si Rexy lang ang nakakapag-tame sa kanya.
Dahan dahan syang pumasok sa kwarto ni Rexy, nakapatay ang ilaw nito. Nakita nya na nakasubsob ang ulo sa lamesa, mukhang pagod at puyat. Binalot sya ng awa para sa asawa.
Hindi nya maiwasan na haplusin ang buhok nito. Nang bigla itong mag-angat ng ulo. Nagulat sya at mabilis na inalis ang kamay nya palayo rito.
" This can't be real. I must be dreaming right? Hanggang sa panaginip ko sinusundan mo pa rin ako? "
Muling kinurot ang puso nya sa sinabi nito. Kahit pala sa panaginip ni Rexy ayaw sya nitong makita.
" Hindi ka nananaginip, nag-aalala lang ako sa iyo kaya dinalhan kita ng pagkain "
Gumalaw ang jaw nito, halatang nagalit sa kanya. Tuluyan ng nagising ang diwa.
" Bullsh*it! I can order a food. I can even go to a restaurant! Sophia for once, tantanan mo naman ako kahit minsan lang! Daig mo pa asong buntot ng buntot. "
Nagpantig ang tenga nya.
" Wag kang magmalaki! Concern lang ako sa iyo. Tignan mo nga yang sarili mo, parang anytime magbebreakdown ka na. Dinalhan lang kita ng food aalis din ako. Next time, don't ever compare me to a dog! "
Lalabas na sana sya ng bigla syang makabunggo ng isang familiar na babae. Papasok din ito sa office ni Rexy.
" Sophia?! ", nabigla din ito sa kanya
BINABASA MO ANG
Marrying The Rude Guy
RomanceBeing married to Rexy Montemayor.. I thought I was the luckiest girl on earth! He is sexy, he's hot, a greek god, and the sole heir of the multi billionaire man. There is no doubt, Rex.. is every woman's desire. For me he was a Fairy Tale come tru...