Natagpuan nya ang sarili na nasa loob ng bahay ni Rexy. Halos wala itong pinagbago, kagaya pa rin ng dati ang pagkakaayos.
Pumasok sya sa dating silid kung saan sya natutulog noon. Mapakla syang ngumiti, bumalik sa alaala nya ang mga araw na ayaw syang katabi ni Rexy kaya magkahiwalay sila ng kwarto. Ang bilis din talaga ng panahon. Isang taon na rin ang nakalipas ng magpakasal sila. Ito na ang pinakamaling desisyon na nagawa nya sa buhay, at hindi nya alam kung maaayos pa.. lalo na ngayon.
Humiga sya sa kama at napapikit ang mata. Nakaramdam sya ng antok. Simula ng umalis sya halos wala rin syang tulog. Tumakas nga sya, pero ang puso at isip nya Ay naiwan kay Rexy.
Ilang saglit pa bigla syang nagising. Hindi nya namalayan na nakatulog pala sya. Nang maramdaman nya na parang may nakatitig sa kanya. Napaupo sya.. It was Rexy! Titig na titig ito sa kanya habang nakaupo sa sofa na halos katabi ng kama.
" Oh my! Rexy, ginulat mo naman ako! Kanina ka pa ba?!", umayos sya sa pagkakaupo
" Hindi ba dapat ako ang magtanong nyan? Anong ginagawa mo rito Sophia", sagot nito sa baritong boses, nakakunot ang noo habang walang reaksyon na nakatitig sa kanya
" Rex... may, may sasabihin ako sa iyo.."
" Sa tingin ko wala ng saysay lahat ng pag-uusapan natin. Nagawa ko na ang lahat, nasabi ko na lahat sa iyo pero binalewala mo lang. Dahil mas pinili mo sya. Nung oras na iniwan mo ko at sumama ka kay David, tapos na rin tayo Sophia. "
" Ano bang sinasabi mo?! nagtataka sya sa mga sinasabi ni Rexy
" Bakit ka pa bumalik dito? Do you want to make sure na nahihirapan ako? Yun ba ang gusto nyong makita ng boyfriend mo? Na unti unti na kong bumabagsak? Alam mong hindi mangyayari yun. Kalahati lang ng yaman ko ang mapupunta sa kanya, hindi ko ikahihirap! Ano? Masaya ka ba sa kanya? Mas napapaligaya ka ba nya? Anong meron kay Dave na Wala ako Sophia?! "
PAK!!
Hindi na nya natiis ang mga maling bintang nito sa kanya, sinampal nya ang asawa.
" Rexy hindi ko alam kung San galing ang mga yan? Wala kaming relasyon ni David! Para sabihin ko sa iyo matagal na kaming walang communication at hindi na sya ang abogado ko! Hindi ko itinuloy ang annulment natin! Nag-isip lang ako Rexy!"
" Bumalik ako kasi akala ko may pag-Asa pa tayo. Pero Akala ko lang pala. Dahil mas worst ka pa ngayon kesa dati! Kung ayaw mo na sa kin sana sabihin mo na lang. Aalis naman ako kung yan gusto mo. Pero wag na wag mo kong pagbibintangan sa mga bagay na hindi ko gagawin kahit kailan. Sana alam mo na malinis akong babae, Im not a slut na kung kani kanino sumasama! I hate you so much Rexy! But I hate myself more dahil kahit anong gawin ko.. mahal na mahal pa rin kita! "
Humagulgol na sya ng iyak. Binuhos na nya lahat ng sama ng loob na matagal na nyang pinipigilan. Nasabi na rin nya sa wakas ang mga bagay na gusto nyang sabihin.
Unti unting lumapit sa kanya si Rexy.. niyakap sya nito ng mahigpit.
" Rex bakit ganon? Sabi mo mahal mo ko? Anong nangyari? Alam ko namang mali yung ginawa ko, umalis ako ng walang paalam pero Bakit ganito?"
Inilayo sya ng bahagya ng asawa. Seryoso itong tumitig sa kanya, halatang nagpipigil din ng luha.
" I'm sorry Sophia... I'm sorry. Mahal kita, pero Hindi ko na alam kung Anong paniniwalaan ko. Masakit sa kin ang ginawa mo.. ang ginawa nyo ni David. Mahal kita, pero pag naiisip ko ang sabwatan nyo ng mga Servantes Hindi kita matignan. For now... just leave. Sophia... umalis ka na lang "
Nagulat sya, tuluyan na itong Kumalas sa pagkakayakap sa kanya. Umiiyak rin si Rexy. Pero maliwanag ang gusto ng asawa nya.. gusto nito na umalis na sya. Hindi nya maintindihan. Tatlong buwan lang syang nawala pero ang dami ng nangyari. Parang hindi na katulad ng dati ang sitwasyon. Bakit kaya puno ng hinanakit sa kanya si Rexy at lumalabas na may relasyon sila ni Dave?
BINABASA MO ANG
Marrying The Rude Guy
RomanceBeing married to Rexy Montemayor.. I thought I was the luckiest girl on earth! He is sexy, he's hot, a greek god, and the sole heir of the multi billionaire man. There is no doubt, Rex.. is every woman's desire. For me he was a Fairy Tale come tru...