Lumipas ang mga araw na maayos ang pagsasama nila ni Rexy. Iniiwasan nyang makipagtalo rito dahil maselan ang kanyang pagbubuntis. Halos nakabed rest lang sya at umiinom ng pampakapit. Hindi na rin sya nag-eexpect ng sobra sobra sa asawa, kung ano ang kaya nitong ibigay sa kanya hanggang dun na lang sya. Ang mahalaga concern ito sa batang dinadala nya. Maayos na rin itong nakikipag-usap sa kanya di gaya ng dati. Although wala itong pinapakitang sweet gesture, at least malaki na improvement ng relasyon nilang dalawa. Maaaring Hindi sa paraang gusto nya, kundi sa paraang gusto ni Rexy.
" Maaga ka yata ngayon? Di ka masyadong busy sa office? ", bati nya sa asawa. Medyo maliwanag pa kasi ng umuwi ito, hindi sya sanay
" Binilhan ko ng mga gamit si baby. Bumili na rin ako ng mga maternity dress para pag lumaki yang tyan mo ready na "
Kinilig sya, iniintindi din pala sya nito.
" Three months pa lang ang tyan ko. Mga five or six months pa to lalaki. Thank you sa mga damit, ang galing mong pumili, mga favorite colors & design ko pa ", she's smiling from ear to ear, she can't contain her happiness.
Tumango lang ito sa kanya.
" By the way may schedule ako sa Hongkong next week. Magtotour kasi si mommy at daddy sa US so ako muna ang dadalaw sa Hongkong. Sandali lang naman, six days lang ako mawawala. You have the option kung ihahatid kita sa bahay nyo, o papupuntahin ko muna dito ang mommy mo para bantayan ka. "
" Wag na, okay na ko dito. Ayoko na ring gambalain si mommy. Andito naman si manang, pagstayin ko sya ng six days dito wag ko munang pauwiin. Or yung maid na lang nila ang hiramin ko para may mautusan ako. "
" Are you sure kaya mo? Sige Ikaw ang bahala. Pero don't hesitate to call your parents if you need a companion "
" Don't worry about me. I'll be fine. So kelan ang alis mo? "
" This Sunday na, biglaan lang. "
" Okay lang, six days lang naman, mabilis lang yun. Sino nga palang kasama mo? So-sorry.. I mean.. "
" I'm on my own, business trip ang ipupunta ko d'un Sophia "
After two days lumipad na si Rexy. Parang di na sya sanay na di nakikita ang asawa. Pinaglilihian nya yata si Rexy. Gustong gusto nya ang Amoy nito, kaya namiss nya agad.
Umaasa sya na magtetext o tatawag ito para magreport sa kanya. Pero natapos ang maghapon na wala syang natanggap na abiso mula rito. Once again, she becomes frustrated. Hindi nya ito matawagan dahil baka magmukhang nagchecheck lang sya, ayaw na ayaw pa naman nito ng minomonitor. Hindi nya tuloy alam panong diskarte ang gagawin nya para makausap ang asawa.
Pinalipas nya ang isang araw, bukas sisiguraduhin nya na makakakuha na sya ng information kay Rexy. Dahil bored nagbukas na lang muna sya ng laptop at nagbrowse ng internet hanggang sa mapadpad sya sa Facebook.
Nakita nya sa timeline na nilike ng dating kaklase ang post ni Jeni.
" Jeni?.. Sya kaya to? ", nacurious sya. Binuksan nya ang profile, dahil nakapublic, madali nyang nakita ang mga previous post at pictures nito.
Hindi nga sya nagkamali, ito nga Ang hitad na halatang may gusto sa asawa Nya. Nagpatuloy sya sa pagstalk hanggang sa dumako Ang tingin Nya sa isa sa mga latest post.. plain status at walang picture na involve. Hindi post Ang Nakatawag sa kanya ng pansin, nagregister kasi Ang location kung saan ginawa Ang posting. It was Nathan Road Kowloon, and posted five hours ago. Ibig sabihin nasa Hongkong ito ngayon.
Kinabahan sya, hindi kaya?! Baka naman napa paranoid Lang ako, Baka nagkataon Lang! Bigyan mo sila ng Benefit of the Doubt Sophia!
Sinara nya Ang laptop, dahil sa social media nastress sya at kung anu Ano naiisip Nya. Pero hanggang sa paghiga nya hindi sya mapakali. Somethings bothering her, at hindi sya makatulog.
BINABASA MO ANG
Marrying The Rude Guy
RomantizmBeing married to Rexy Montemayor.. I thought I was the luckiest girl on earth! He is sexy, he's hot, a greek god, and the sole heir of the multi billionaire man. There is no doubt, Rex.. is every woman's desire. For me he was a Fairy Tale come tru...