Chapter 10- Goodbye

5.9K 149 5
                                    

" Rexy, anong nangyari sa kapatid ko", humahangos si Karl palapit sa kanya

" She's bleeding"

" What happened? "

" I-I'm sorry Karl, nagalit ko sya ng husto kaya... "

" Tarant*do ka, ikaw pala may kasalanan! ", hindi na sya pinatapos magsalita ni Karl, binigyan na sya nito ng isang punch sa muka.

Nasaktan sya dahil malakas ang suntok ng kaibigan. Pero hindi sya pwedeng lumaban, sya ang dahilan kung bakit nasa ospital na naman sila ngayon. Tatanggapin nya ngayon lahat ng galit sa kanya.

" Jusko ano ba! Karl tama na!! ", awat ni Nathan sa kaibigan. Duguan ang bibig nya pagtayo, napuruhan sya sa lakas ng suntok.

" Anong ginawa mo sa kapatid ko?! ", nanginginig pa rin si Karl, galit na galit ito sa kanya. Kung di lang sana sila naawat ni Nathan bugbog sarado sya sa best friend nyang black belter.

" Bakit mo ba sya pinahihirapan? Ano bang ginawa nya sa iyo para kamuhian sya ng ganyan? Napakalaking sakripisyo ang ginawa ng kapatid ko maikasal lang sya sa iyo. May maganda syang opportunity sa Japan pero tinalikuran nya. The luxury, the freedom, everything!! She gave up everything pero anong ginagawa mo?! Ginagago mo lang sya!! Pag may nangyaring masama sa kapatid ko, kakalimutan kong magkaibigan tayo. "

" Mr. Montemayor!! ", tawag ng doctor

Natigilan sila pareho.

" Doc? Kumusta ang asawa ko? A-Anong lagay ng bata? "

" Okay na si Sophia. But I'm sorry.. nalaglag ng tuluyan ang batang dinadala nya "

Hindi sya makapagreact. Walang syang mailabas na boses. Namatay ang bata.. at kasalanan nya lahat. Paano nya ngayon haharapin si Sophia. Paano nya sasabihin dito na wala na ang anak nya.

Napasalampak sya sa hallway, para syang nauupos na kandila, hinang hina sya sa mga pangyayari.

" Rexy... gising na Sophia ", tulala syang lumingon kay Nathan

" Bro.. okay ka lang ba! Sabi ko gising na si Sophia. Sige na, lapitan mo na sya. Sasamahan kita sa kanya. Ako ng bahala kay Karl. "

Pumasok sya sa loob, lumabas muna ang mga in laws nya para makapag-usap sila

"So- Sophia "

" Anong ginagawa mo dito? ", malamig nyang tugon sa kin. Ni hindi man lang nya ko tinitignan. Mukhang alam na nya ang balita

" Sophia... I'm sorry. I'm sorry.. hindi ko sinasadya. Hindi ko alam na dito aabot ang lahat. P-patawarin mo ko ", umiiyak na rin sya habang hawak ang kamay ng asawa

" Umalis ka dito! Umalis ka sa harapan ko!! Ang kapal ng mukha mo!! ", sigaw ni Sophia, hysterical na ito.

" Sophia.. alam kong galit ka. Pero sana mapatawad mo ko, mag-asawa tayo. Pag labas mo dito, iuuwi na kita. Aayusin natin to. Please, nakikiusap ako sa iyo, mag-usap tayo ", para syang baliw na nakaluhod sa gilid ng kama.

Sobrang guilty nya, sising sisi sya sa lahat ng nangyari. Pero Tinabig na Sophia ang kamay nya.

" Naririnig mo ba ang sinasabi mo Rexy? Ikaw ang gumawa ng gulo, hindi ako. Mag-asawa? Di ba sabi mo sa papel lamang ang lahat ng ito. Kaya kahit anong gawin mo, kaya kahit sinong babae ang iuwi mo sa pamamahay mo pwede! Kasi balewala ako sa iyo, balewala sa iyo ang kasal natin! "

" Hindi na ko sasama sa iyo, hindi na ko uuwi sa bahay mo. Hindi na ko babalik sa iyo! Labas!!! Lumayas ka na!! "

" Rexy! ", pumasok na ang daddy nya sa kwarto

Marrying The Rude GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon