Nagmamadali syang pumasok sa conference room. Sya ang presider ng meeting pero sya tong late. Hindi nya napigilan ang sarili na wag halikan si Sophia. Masyado nyang namiss ang asawa.
" I'm sorry I'm late. Shall we start? ", tanong nya sa mga managers
Nakatingin lang ang mga ito sa kanya. Nagtatawanan ang mga lalaki habang ang mga babae ay nagbubulungan. At Nagtataka sya kung bakit?
" What?! ", may pagtataka sa boses nya
" Pare sandali. Excuse us", hinatak sya ni Karl papunta sa salamin na may dalang tissue
" Oh my!! ", tawang tawa sya sa sarili
Kaya pala biglang nagsipag smile ang mga nasa conference room ng pumasok sya dahil puno sya ng lipstick sa bibig at kalat kalat ito hanggang sa gilid ng labi nya!
" Ooppss!! CR lang ako, 1 minute! ", hindi sya nahiya. Proud pa syang lumakad papunta ng CR habang pinupunasan ng tissue ang bibig nya.
Pagbalik nya nagsipag appear ang mga tao sa loob ng meeting room, kanya kanyang kantiyaw sa kanya!
" Sobra ka talaga Montemayor! First day pa lang ni misis sa opisina minarkahan mo na. Di mo mahintay na makauwi man lang" Biro ng legal counsel nila. Wala itong alam sa totoong estado nila ni Sophia
Lalong nagtawanan ang mga ito. Sa kabilang banda iniirapan lang sya ni Nathan, habang iiling iling si Karl na parang di makapaniwala.
" Sorry guys. Wala eh, na star struck ako sa asawa ko pagpasok. I almost forgot this meeting! ", ganting biro nya
------------------------------------------
" Rexy Anong drama mo? ", mataray na tanong sa kanya ni Nathan matapos ang meetingExpected na nya, kanina pa sya iniirapan nito.
" Drama? "
" Ano ba talagang plano mo kay Sophia? "
" Plano?! "
" P*ta ka! Wag mong sagutin ng tanong ang mga tanong ko sa iyo! "
" Look Nathan, nakita mo bang nagreact si Karl sa ginawa ko? Hindi di ba? Anong dahilan at galit ka sa kin? I've done nothing wrong. Mag-asawa kami at kaibigan ka lang", sarcastic ang sagot nya dito. Umiinit ang ulo nya, pakikialaman pa yata nito ang mga diskarte nya
" At baka nakakalimutan mo na umaandar ngayon ang annulment na finile ni Sophia"
" So? Apektado ka ba? Ako dapat ang maapektuhan.. kami ni Sophia ang involved dito hindi ikaw. What's bothering you? Iniisip mo ba na sasaktan ko muli si Sophia? No way! Kaya pwede ba, wag mo kaming pakialaman at tigilan mo ang kakasulsol sa asawa ko! "
Natahimik si Nathan, nasaktan yata sa sinabi nya. Nasobrahan ang pagiging rude nya sa kaibigan. Napipika na kasi sya.
" Sorry, nabigla lang ako. Nathan kilala mo naman siguro ko. When I said no it's a No, and when I said yes it's a Yes. Maniwala ka naman sana na gusto kong bawiin si Sophia, na gusto kong itama ang lahat ng maling nagawa ko sa kanya at magsimula kami uli bilang mag-asawa. Tulungan mo na lang ako, magkaibigan din naman tayo"
" Ewan ko Rexy, sa lahat ng nangyari sa inyo at sa lahat ng pinagdaanan ni Sophia, hindi ko alam kung tama ba na magpatuloy pa kayo bilang mag-asawa. Sa tingin ko mas maiging pabayaan mo muna sya, hindi pa tama na magkabalikan kayo ngayon. Masyado syang nasaktan, gusto nyang hanapin ang sarili nya. Wag kang selfish Rexy, wag puro ikaw! "
Sya naman ang natahimik sa sinabi nito. Will he stop pursuing her? Siniko sya ng mahina ni Nathan.
" Tama nga si Sophia, ang lakas mo lang makagago. Kelan lang galit na galit ka sa kanya at halos araw araw winiwish mo na iwanan ka na nya. Nung nangyari na, here you are begging her to come back. May kinalaman ba to sa mamanahin mo? Kasama ba sa provisions na dapat hindi kayo maghihiwalay? Kasi kung hindi iisipin ko lang na addict ka! ", tumatawa na ito. Binibiro na sya
BINABASA MO ANG
Marrying The Rude Guy
RomanceBeing married to Rexy Montemayor.. I thought I was the luckiest girl on earth! He is sexy, he's hot, a greek god, and the sole heir of the multi billionaire man. There is no doubt, Rex.. is every woman's desire. For me he was a Fairy Tale come tru...