New house - New Training

525 15 2
                                    

Nick's POV

Simula nung natapos ang Game ng mga student na rank A+ ay hindi pa nagigising si Zac. Pa apat na araw na siyang tulog dahil sa naubos ang kanyang stamina.

Andito kami sa loob ng healing camp. Ako si Calypso, Hermione at Jem. binabantayan namin si Zac na puro paso at sugat sa katawan dahil sa mga spell ni Ignite. 

Hindi madaling kalaban si Ignite dahil isa siya pinakabihasa gumamit ng spell sa aming Apat.

In fact, Ako pa nga yata yung pinaka-kapututan sa aming apat pag dating sa labanan dahil usually sa mga sparring namin o kaya exibition match ay puro Black Equation ang ginagamit ko.

Sino kaya ang nanalo nung Tune up match namin laban dun sa ibang student? 


"Hermione, sinong nanalo dun sa laban namin?" bigla ko nalang na tanung kay Hermione. 

Bigla namang lumingon si Hermione sa akin.

"sila Ignite syempre." walang emosyon niyang sagot sa akin.

aysst paano kaya sila nanalo?

"paano sila nanalo?" tanung ko pa ulit.

Tumingin sa akin si Hermione na parang walang ganang sagutin yung tanung ko sa kanya. Huminga muna siya ng malalim tiyaka siya sumagot.

"Nung nawalan kayo ng malay, sina Ignite at Aqua ay nagawa pang tumayo. Pero hindi rin nagtagal nawalan din sila ng malay kasi ung shield na ginamit mo ay isang active shield kaya ung atake na ginawa nila sa inyu ay bumalik sa kanila, kaya ayon pati sila na puruhan." sabi ni Hermione 

hindi na ako nag tanung pa dahil baka mainis lang yan sa akin. 

Lumabas ako nang healing camp upang lumanghap ng sariwang hangin. 

Pumunta ako sa dorm ko at humiga nalang ako sa kama ko. Ramdam ko parin ung mga pasa ko dahil dun sa nabagsakan ako nung ginawa kung pader. 

May mga benda parin ang aking mga braso dahil sa paso at sugat na ginawa nina Ignite at Aqua. Pero wala naman akong magagawa kungdi indahin ang sakit kapag nadadagil ito ng ibang tao.

Nakahiga lang ako sa kama ko at nakatitig sa kisame. Wala kaming klase kasi sabi ni Commander ay may meeting daw sila for almost 1 week. kaya ito natambay lang kami sa healing camp para bantayan si Zac. 

"ayssssttt!, kelangan ko mahimus-musan. ligo nga muna ako" sabi ko.

After 20 mins na shower, lumabas na ako sa banyo at nagbihis tapos humiga sa kama. 

"aisshh, sarap sa pakiramdam" tangi ko nalang nasabi, dahil pakiramdam ko sobrang gaan na wala kang ginagawa.

Ilang minuto pa ang lumipas ay may kumatok sa pintuan ko.

sina Hermione kaya ito? pero impossible, kasi men's dormitory lamang ito at sa kabilang hall pa yung sa girls.

"sinong nanjan?" tanung ko dun sa nasa labas ng pinto.

hindi ito sumagot kaya tumayo na ako at sinilip dun sa butas kung sino ito. Nanlaki ang mata ko dahil dalwang guard na galing council ang nasa labas ng pintuan ko.

dali-dali kung binuksan yung pinto at binati sila.

"pasok po kayo" marahan kung sabi dun sa taga council na guard.

ang mga taga council na guard ay isa sa mga spell caster ng lux kingdom. isa sila sa mga pinakamalupit na katunggali kapag sila ang napapasalang sa mga mission.

"No need. Please kindly pack all your things and wear this vests from now on." sabi nung guard.

Binigay nito sa akin ang isang Vest na parang transparent. 

The Gods Five Dragon [Wattys2018]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon