The Game part 3: The battle of Dragons

492 13 6
                                    

Zac's POV

"Turbine Ignis" Sigaw ni Ignite tapos biglang nabuo sa harap namin ang isang malaking Buhawi na gawa sa apoy.

habang tumatagal ay palaki ng palaki ang Apoy na ginawa nito.

"Sorry guys, amin ang premyo na iyon" sabi ni Ignite

pinagalaw niya papunta sa amin ang Buhawi na gawa sa apoy at malapit na kami nitong tamaan.

"tempestatis"  a manly voice casts a huge Hurricane to counter the Fire tornado

"Akyl!" paggalit na sabi ni Nick

Isang malakas na pagsabog ang naganap dahil sa banggaan nang dalawang buhawi, at bigla nalang naglaho na parang bula.

"Hindi naman yata maganda kung tayung tatlo nalang ang maglalaban na Dragon Holder diba?" Imik ni Akyl habang naglalakad papunta sa gitna kasama ang grupo niya. "Mas maganda siguro kung tayung apat na Dragon holder ang maglaban- laban at yung mga kagrupo natin ay hayaan nalang natin mag pahinga muna" nakangising sabi ni Akyl. 

"apat na dragon holder? Pero sino yung isa? Si Akyl, nasa kanya ang Wind Dragon. Ignite, nasa kanya naman ang Fire Dragon at si Aqua, nasa kanya Water Dragon. Papaanong apat? Sino yung isa?" pagtatanung ko sa isip ko.

"Hindi mo pa ba alam kung sino yung pang apat na Dragon holder Zac?" tanung sa akin ni Akyl na kanina pa pala naka tingin sa akin. 

"Si-sino?" nauutal kung tanung. training ground palang kami pero nagpapasiklaban na sa kapangyarihan ang tatlong dragon holder at madadag-dagan pa ng isa. 

Nakita kung ngumisi si Akyl tapos tiyaka ulit sa tumingin sa akin

"Kanina mo pa siya nakakasama, At lagi mo din pala siyang kasama sa mga training niyo, guess who?" pagbibigay sa akin ng Hint ni Akyl "At tiyaka nga pala, ka team mo din paka siya ngayun" pagkasabi ni Akyl na ka-team ko ung pang apat na Dragon holder ay agad akong kinilabutan dahil hindi ko man lang alam na meron pala kaming Kateam na dragon holder.

Napalingon ako sa mga kagrupo ko nang kunot ang noo at para bang natatakot sa kalalabasan nang laban na ito.

Tinignan ko sila isa-isa tapos Biglang naglakad papuntang unahan ko si Nick.

huwag mong sabihin na ikaw yun? Nick?

"ako yun Zac, pasensiya na hindi ko kaagad nasabi sa iyo." pagkatapos nun hinarap na niya yung tatlong Dragon holder.

"Ano?, Just like the old days?" sabi ni Aqua

"sige ba, tayung apat lang ang maglalaban at ang mga kagrupo natin ay manunuod lamang sa atin" sabi ni Akyl

"Sige, matira matibay" Taas noong sabi ni Nick.

"paano ba simulan na natin ito?" pagsingit naman ni Ignite

Hinila ako nina Hermione papalayo sa kanilang apat.

"ba-bakit mo ako hinila?" tanung ko kina Hermione.

"Isang labanan na kung saan Dragon Holder lamang ang nakakaalam ang gagawin nila." sabi naman ni Calypso.

"a-ano?, paanong nakakaalam?" tanung ko sa kanya

"Sila-silang apat ang laging mag kakumpetensya sa mga ganitong labanan, lagi silang nagpapataasan at nagpapalakasan. Simula bata palang kasi sila ay tenetrain na silang apat upang mamuno ng isang hukbo pagdating ng araw" seryosong sagot ni Calypso

'pagdating ng araw? anu un?' sabi ko sa isip ko

Itatanung ko sana kung ano yun pero biglang may sumabog na sobrang lakas sa kinaruruonan ni na Nick. 

The Gods Five Dragon [Wattys2018]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon