Chapter 35

355 12 1
                                    

Mariss POV

Sobrang bilis, halos hindi na makita ng mga mata namin kung gaano kabilis maglaban ang dalawang lalaki na nasa harap namin.

Pumwesto kami ni Derek sa pinakaharap para makita namin ang laban na nangyayare.

Si Zac yung isang lalaki dun kalaban ang isang Council Guard daw.

Ay sa pagkakasabi sa akin ni Derek about sa Council Guard mas malalakas pa daw ang nga ito kesa sa mga Dragon student dahil sa experience nila sa labas ng paaralan, pero kapag nahasa naman daw ng maayos ang mga Dragon student na yun baka kahit magsama sama pa ang lahat ng Gwardiya ay wala silang magawa dun sa apat.

Pero sa nakikita ko, nilalampaso ni Zac yung gwardiya at mukhang hindi ito nahihirapan sa ginagawa niya.

Kung titignan walang magawa yung lalaking may hawak na tinatawag nilang blood sword

Ang espada daw na iyon ay makapangyarihan para sa isang normal na tao, pero kapag isang bihasang tao ang humawak nito kayang kaya daw palabasin ang tinataglay nitong kapangyarihan.

Nakatingin lang ako kina Zac na binibugbug yung Guwardiya hanggang sa tumalsik ito dahil sa sipa ni Zac.

Nakadapa na ngayon yung gwardiya at mukhang hindi na kayang Tumayo pa dahil sa natamong suntok at sipa.

Napalunok ako dahil hindi ko inakalang ganto pala kalakas si Zac ngayon, at sobrang seryoso.

"I literally can't believe that I am living with a Celestial in my generation!" Manghang sabi ni Derek.

"W-what did you say?" Tanung ko dahil May Celestial keme siyang sinabe.

Tumingin sa akin si Derek na seryoso ang mukha pero hindi parin naalis ang pagkamangha niya sa kanyang mga mata.

"Ronic or the one you call Zac is a Celestial, Mariss"

"You mean like a Divine Goddess?" Taka kung tanung.

"Yes, He's now in a state of a Celestial being. His power is now limitless and he cannot be defeated in that form"

Sa narinig ko mula kay Derek, tumayo lahat ng balahibo ko sa katawan kasi may physical form ang Goddesses.

"Ooohhh my brain, I think hindi nag si-sink yung mga pinagsasabi mo sa akin" sabi ko sabay hawak sa sintido ng ulo ko.

"Tapos na ang laban Mariss, Ronic won the match" sabi ni Derek.

Tumingin ako sa kinatatayuan nina Derek. Ngayon ay tinulungan niyang makatayo yung Guard na kalaban niya.

Madaming nagsa-side comment na sobrang impossible dahil bago lang daw si Zac para talunin ang isang bihasang gwardiya.

Kahit ako sang-ayon sa sinasabe nila dahil hindi naman ganyan dati si Zac sa pagkakakilala ko sa kanya.

Siguro may bumago sa kanya nung nawala siya.

Sa mga naisip ko nakita ko nalang na inaakay na ni Zac Yung gwardiya papunta yata sa School Healing camp or yung clinic.

Sinundan ko siya papunta dun dahil gusto kung malaman kung anong condition ang ipapagawa niya dun sa Gwardiya.

"Saan ka pupunta?" Tanung sa akin ni Derek.

"Shhh, susundan ko si Zac" sagot ko.

"May klase pa tayo. You shouldn't miss this kasi Kelangan mo ito upang macontrol ang kapangyarihan mo." Sabi niya.

Sa sinabe niyang yoon. Mukhang wala naman akong magagawa dahil kelangan ko pa ngang macontrol kapangyarihan ko.

Napa buntong hininga nalang ako at sumama kay Derek papunta sa classroom namin.

The Gods Five Dragon [Wattys2018]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon