James POV
Pinuntahan ko si Zac sa Gymnasium ng akademya, dahil alam kung dito ulit gaganapin ang ritual ng mga bagong studiyante.
Madami nang nagpakitang gilas at madami rin ang tumaas ang ranggo ng kanilang mga baluti.
Hindi naman ako naiinggit kahit mas mataas ang ranggo nila sa akin dahil sa kanilang ipinamalas na kapangyarihan kanina lamang.
Nakatingin ako ngayun sa plataporma kung saan pinapatayo ang bawat studiyante upang palabasin ang kani-kanilang kapangyarihan.
Sa ngayon ay wala pang nakakapagpalabas ng sagradong kapangyarihan na ipinagkaloob ng mga diyos sa limang studiyante na napili ng mga ito.
Umakyat na ng plataporma si Zac upang ipamalas niya ang kanyang kapangyarihan na isa sa pinagkalooban ng mga diyos dahil sa propesiya.
Tinitignan ko lamang si Zac habang kinakausap ito ng host na si Blaire. Si blaire ay isa na sa High commanders ng akademya at kasama na rin ito sa mga Ginintuang baluti na kung saan ay ipinapahiwatig nito na bihasa na ito sa paggamit ng kapangyarihan.
Lumayo na si Blaire sa kinatatayuan ni Zac upang bigyan ito ng espasiyo sa gagawing pagpapalabas ng kapangyarihan nito..
Mga ilang sandali pa ay bigla itong pumikit, at tila dinadama ang kapangyarihan na sa tingin ko ay hindi naman niya alan kung paano palabasin.
Sa unang pagsubok niya ng pagpapalabas ng kapangyarihan ay nabigo ito kaya naman ang ilang studiyante sa loob ng gusaling ito ay nagsitawanan.
"Ano ba yan? caster ba yan?, bakit hindi maalam magpalabas ng kapangyarihan yan?"
"May kapangyarihan ba siya?"
Mga bulong bulungan na naririnig ko na biglang ikinagulat ni Zac.
Nanginginig na ito sa kinatatayuan pero tinititigan ko parin ito na ideretso lang niya ang ginagawa niya hanggang sa magawa niya.
"Pakinggan mo ang sinasabi ng kapangyarihan mo" pagsesenyas ko sa kanya ng walang boses na lumalabas sa akin bibig.
Nakuha naman niya ang ipinaparating ko kaya muli nitong ipinikit ang mga mata at ibinaling lahay ng atensiyon sa kanyang ginagawa.
"Aúțriúm đřætìņi ķíéťa!" Pagka-cast ko ng spell upang makita ko ang aura na kanyang pinapalabas.
Everything That I see turns to black, White and Red. Black is for the natural use of their shape, while white is for their vest and Red is for their temperature.
Iniikot ko ang paningin ko hanggang sa makita ko si zac sa plataporma na unti unting nawawala ang body temperature.
"Mierda!" Tanging sambit ko nalang dahil hindi ko inaasahan ang mangyayare sa katawan nito.
"Ķhańšílcimò" pagaalis ko ng spell sa aking paningin.
Bumalik sa dati ang aking paningin at nilingob ko ulit si Zac na nakatayo parin sa plataporma.
Nanginginig ang mga kamay nito at binti.
"Konti nalang Zac, huwag mo pigilan" bulong ko sa sarili ko.
Siguro sa mga oras na ito ay kinakausap siya ng kanyang buhay na kapangyarihan upang tulungan ito sa pagpapalabas ng enerhiya sa kauna unahang beses.
Ilang minuto pa ang lumipas ng dumilat ang mga mata nito at iniharap sa amin purong kulay na puti sa parehas nitong mata.
Nararamdaman ko na ang kanyang enerhiya, unit unti itong lumakas at deretso parin sa pagtaas ng level nito.
Hinahangin na sa loob ng gusaling ito ang mga studiyanteng gulat na gulat patin sa itsura ng mga mata ni Zac.
BINABASA MO ANG
The Gods Five Dragon [Wattys2018]
FantasiaThe Gods five dragon were known from the prophecy as a protector or the conqueror of the evil known darkness. The five children contains the true power of Their God which symbolizes the element of the "Fire, Water, Earth, Wind" the 5th power was a...