Chapter 3

98 4 1
                                    

A/N: Sali kayo sa group namin sa FB. Search nyo lang ang HEARTTHROBS AND QUEENS SERIES OFFICIAL.

Dahil makulit ang OP's nina Bianca at Kyle, ito na ang update.


~~~~~~~~~~~~~~

Bianca's POV

Minsan nauuto ko din si Stanley. Sa kanya ko nakuha ang number ni Vincent. Haha. Naikwento din niya na magkaklase sila mula elementary before. Saya!

Naisipan kong tawagan ang number na nakuha ko at hindi naman ako nabigo. Sinagot naman ni Vincent. Kaya lang ang sungit!

Habang naglalakad papunta sa University ay may ilang babaeng humarang sa akin.

"Hey! Are you Bianca Mae Marquez?"tanong ng isa.

"Yes. Why?"mataray kong tanong. Hindi ko inaasahan ang ginawa niya. Bigla na lamang akong sinapal nito.

"Ang kapal ng mukha mo para tawagan si Vincent!"bulyaw nito sa akin.

"Oo nga."pagsang-yon ng mga alepores ng babaeng hindi ko naman kilala.

"Hey! Stop it!"sigaw ng isang lalaking ngayon ay papalapit sa amin. "Cassie, would you please stop what you're doing to those girls na fan ni Kyle?"

"Migs! Why me?!"maarteng sigaw nito. "Makapal lang talaga ang mukha niya!"sabay duro sa akin.

"Anong karapatan mo?!"sigaw ng isa pang lalaking sobrang pamilyar sa akin. Si Vincent!!!

"Kyle, I'm just-----"

"Wala kang karapatan gawin yan. Nakakasakit ka."inalis ni Vincent ang shades saka tumingin sa akin. Bumalik ang baling nito sa Cassie na yon saka nagsalita. "Leave us, now!"

"But-----"

"I said, LEAVE! And kapag inulut mo pang manakit ng fans, hindi mo gugustuhing isiwalat ko ang sekreto mo. Stop stalking at me, Cassie. Hindi kita type!" Wow ha. Sakit naman pala nitong magsalita ni Vincent ko. Vincent ko talaga, no? Hahaha pero bagay naman sa ubod ng pulang labi ng Cassie na yun. Daig pa sa pagkamaga ng nguso niya ang nakagat ng bubuyog.

Walang nagawa ang mga maarteng yon kundi umalis. "Okay ka lang ba, Miss Bianca?"tanong nung Migs sa akin.

"Oo, okay na okay ako. Pero masakit ang sampal ng babaeng yun ha."sabi ko pa.

"Insane!"narinig kong sabi ni Vincent.

"Salamat pala sa inyo."sabi ko.

"Tss. What happened to you was your fault."si Vincent.

"Anong kasalanan ko?! Ayos ka din ha. Naglalakad lang ako papasok dito sa University tapos sila itong hinarang ako!"bulyaw ko dito. "Ikaw! Ikaw ang insane!"saka ako naglakad. Baka nga siya ang baliw! Pero sa totoo lang, siguro nga baliw na ako. Baliw sa pagiging isa sa mga stalker niya.

~~~~~~~~

"Bakit ang pula ng pisngi mo?"tanong ni Colleen sa akin.

"Wala."tipid kong sagot.

Ang alamin ang lahat ng about sa kanya ay isa ngang kabaliwan. Akalain mo yun na talaga palang sikat si Vincent sa lahat ng universities. Ang dami kong kalaban. Sa totoo lang, hindi lang yan ang unang beses na may umaway sa akin dahil kay Vincent. Matagal na rin nung huling tawagan ko ang phone number niya. Pero unang beses lang na siya na mismo ang nagtanggol sa akin. Galit na galit siya kanina. Grabe yung pagbitaw niya ng mga salita dun sa maarteng si Cassie ha. Nakakahiya yun kung tutuusin.

Opposite Attracts (Heartthrob Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon