Chapter 27

48 2 0
                                    

Vincent's POV

This is it. Today is the day. After two months na pagpapractice, ito na talaga 'to. I wish she will say yes this time.

"'Wag kang matense. Siguradong mapapa"oo" mo siya sa gagawin natin."si Yna.


"Kinakabahan pa rin talaga ako."sagot ko.

"Pare, goodluck."si Migs na tinapik pa ako sa balikat.

"Salamat sa tulong n'yo."pilit ang ngiting sabi ko.


"Ano bang klaseng ngiti 'yan?"si James.

"'Wag ngayong araw, James!"inis kong sabi.

"Ito kasing lalaking 'to!"si Migs.

"Relax..."si James.

"Tama na 'yan."si Yna. Pumalakpak siya ng dalawang beses hudyat na para tawagin ang atensyon ng lahat. "Alam n'yo na ang gagawin n'yo mamaya. Let's go."

"Daddy?"si Calvin.

"Yes?"

"Pasayahin natin today si Mommy."

"Yes, Cal." Yumuko ako para ayusin ang coat nito. "Galingan natin mamaya ha." Tumango naman ito saka ngumiti. Huminga ako ng malalim saka inayos ang sarili. "Let's go."






————————————

Bianca's POV

"Bes? Gising."

Pinikit-pikit ko ang mata ko. Hindi ako nagkamali. Si Colleen nga ang nandito. "Anong ginagawa mo—"

"Bumangon ka na, Beshy. May pupuntahan tayo."si Oshin.


"Teka nga? Ano bang—"

"Wala nang tanong-tanong. Basta bumangon ka d'yan at mag-ayos. Girls bonding tayo today."si Colleen.

"Yung mga anak n'yo?"tanong ko ulit.

"Bumangon ka na."si Oshin na hinila ako kaya napilitan ako bumangon. "Maligo ka na. Nakahanda na susuotin mo." Saka ako tinulak papuntang banyo.


—————————-—



May dalawang oras din kaming nagbyahe para lang makarating sa amusement park na papasyalan namin. Kokonti lang ang taong nakikita kong narito. Malamang dahil Martes ngayon. Ang iba ay nasa work at ang ilan naman ay may pasok sa kani-kanilang schools.


"Tara sa souvenir shop. Ipapamili ko ng pasalubong sina Hyeji at Stanley."si Beshy.



"Ako rin."si Colleen.



"Sige. Ako rin. Nakakahiya naman na namasyal ako kasama kayo tapos wala man lang akong pasalubong sa mag-ama ko."sambit ko. Simula kasi noong magkaanak ako, hindi na ako sanay nang ako lang ang namamasyal o umaalis ng bahay. Palagi kong kasama si Calvin.


Kumain kami sa food court dito at sumakay sa ilang rides na kaya ko. Ayoko kasi talaga sa matataas. Mahihiluhin ako sa mga hieghts.



Ginabi rin kami sa paglalaro sa mga games na nandito. Pero ito na yata ang pinakamalas kong araw. Sina Colleen at Oshin, they have their big stufftoys. Samantalang ako, eto nganga!



"Tara na nga! Ayoko na. Ni-hindi man lang ako makapanalo. Umuwi na tayo."inis kong sabi.




"Teka!"sina Oshin at Colleen.


Opposite Attracts (Heartthrob Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon