Chapter 19

62 3 2
                                    


Bianca's POV



Inilihim ko kay Vincent na bukod sa sulat ni Dad sa akin ay makalakip din itong sulat para sa kanya. Halo-halong feeling ang naramdaman ko habang binabasa ang sulat na iyon ni Dad para kay Vincent.


"Vincent, anak. Sa oras na ito, marahil huli na ang lahat para humingi ng tawad sa mga nagawa ko at nasabi ko sa'yo noon. Patawad sa lahat anak. Tanging sa pagbibigay lang nang mga material na bagay at luho ang kaya kong ibayad sa nagawa ko lalo na sa Mama mo. Habang nagsasama kami ng Mama mo, pinasundan ko sa ilan sa mga tauhan ko ang babaeng nagawan ko ng malaking kasalanan. Dahil sa tawag ng laman kaya naghirap siya. Napag-alam kong nagbunga ang ginawa ko sa kanya ng isang batang babae. Si Bianca.

Noong mga panahong nalaman kong nagkakilala na kayo ni Bianca, hindi ko na pinalagpas ang pagkakataon. Oo, ako ang nagpakalat ng balitang may relasyon kayo. Ito ay sa kadahilanang wala akong ibang gustong makatuluyan ni Bianca kundi ikaw. When I heard na pumayag si Bianca na magpanggap bilang kayo ay natuwa ako. That situation made you close and love each other.


Pero nang malaman kong iniwan mo si Bianca kahit na alam mong nagdadalang-tao siya, I remember kung paano ko iniwan at sinira ang buhay ng kanyang ina na si Miranda. Gusto kong gawin mong lahat anak para maging buo kayo ni Bianca. Ayokong maranasan niya ang hirap na idinulot ko sa kanyang ina. Mahal na mahal kita, Vincent. Alam natin pareho na hindi tayo magkadugo, pero para sa akin anak pa rin kita. Ingatan mo ang mag-ina mo. Mahalin mo sila. Paalam anak."



Ipinagkatiwala ako ng sarili kong ama sa lalaking matagal nang nasa puso ko. Gusto kong patunayan niya lahat sa akin. Tanggap ko siya bilang ama ng anak ko. Sa ngayon, ganoon na lang muna siguro. I'm still confused sa nararamdaman ko. Ayokong magpadalus-dalos sa desisyon na baka pagsisihan ko lang din sa huli.




———————————————-



"Good morning, Teachers."bati nang Head Teachers sa amin.





"Okay ka na ba, Teacher Bianca? About what happened last time with Harvey, we're very sorry about that. Napag-alaman na may sakit ito sa pag-iisip. Well, don't worry Teachers. Nasa hospital na siya para magamot ang kondisyon niya."si Teacher Cris. Ang Head Teacher ng kabilang team. "Balik na tayo guys sa trabaho."nakangiting sabi nito saka lumabas ng faculty room.




"Talaga bang okay ka na. Napapansin namin na malalim ang iniisip mo."si Tr. Charisma.



"Yung mana ko sa biological father ko, tinanggihan ko."seryoso kong sabi.



"Ano? Bakit naman? Hindi mo naman hiningi 'yon 'di ba? Grab mo na girl."




"Ang biological kong ama ay ang amang kinalakihan ni Vincent."



"What? Step-father ng Ex mo?" Halata dito ang pagkagulat. Tango lang ako dito bilang sagot ko. "Talaga ngang maliit ang mundo para sa inyong dalawa. So, anong sabi? Syempre, may attorney na mag-aayos n'yang lahat."




"Well, mas malaki ang shares ng mana na napunta sa aming mag-ina kaysa kay Vincent. Ayokong tanggapin, Cha."





"Isipin mo ang kinabukasan ng anak mo. Kapag tinanggap mo ang mana ng papa mo, hindi mararanasan ni Baby Calvin ang mga naramasan mong hirap. Think wise. Sa panahon ngayon, pera na ang pinaiiral."




"Kaya nga hanggang ngayon, pinag-iisipan ko pa. Isa pa, gusto ni Vincent na doon na kami tumira ng anak ko sa mansyon dahil sa ginawa ni Harvey."kwento ko pa sa kanya.



Opposite Attracts (Heartthrob Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon