Vincent's POV
Hindi ko akalaing mas magiging malaki pala ang epekto ng pagkawala ng baby namin kay Bianca. Halos lahat ng oras niya ay ginugol niya sa pagsira sa kanyang sarili. Umabot din sa puntong pati si Calvin ay napapabayaan na niya.
Pero hindi ako sumuko. Pilit kong inuwa ang babaeng mahal ko. Kahit na minsan ay nagkakasugat ako dahil sa pananakit nito. Hinayaan kong ibunton niya sa akin lahat ng galit at sisi sa pagkawala ng anak namin. Wala naman kasi talagang dapat sisihin. Kung ipinaubaya ko sila kay Harvey, wala sanang ganitong mangyayari.
Unti-unti, inayos ni Bianca ang sarili niya. Isinama ko siya sa opisina at ilang branch na hawak ng kompanya para malibang ito. Naisip ko na baka kung magiging busy siya, baka kahit papaano makalimutan niya ang lungkot. Pero minsan, nakikita ko pa rin siyang tulala at malayo ang tingin. Hindi naman maiaalis sa kanya ang malungkot dahil siya ang ina.
"Daddy! Pasok na po ako school."si Calvin.
"Makikinig kay Teacher ha. Saka dapat, pagsinundo ka namin ni Mommy may star ka."sabi ko dito.
"Sige po. Kiss na." Yumuko ako at hinalikan ako nito sa pisngi. Ganoon din si Bianca na ngayon ay nakakangiti na.
"Bye bye Mommy at Daddy."paalam ni Calvin bago ito sumakay sa kotse.
"Bianca, maligo ka na. Aalis tayo."utos ko dito.
"Pwede bang dito na muna tayo sa bahay?"nakasimangot na sabi nito.
"Ha? Bakit? May masakit ba sa'yo? Okay ka lang ba?"sunud-sunod kong tanong dito.
"Ayan ka na naman. Ang O.A. mo mag-alala ha."natatawa naman nitong sabi.
"Maligo ka na. Baka gusto mong ako pa ang magpaligo sa'yo n'yan."pagbibiro ko.
"Pwede din."pilya nitong pagsakay sa biro ko.
"Talaga?"ngumisi ako dito.
"Syempre, ayoko!"saka ito naglakad papunta sa kwarto.
"Halika nga dito." Niyakap ko ito mula sa kanyang likuran. "So, bakit ayaw mong umalis?"tanong ko ulit dito.
"Tinatamad kasi ako."
"Tinatamad? "
"Oo. Gusto ko lang magpahinga buong araw." Kumalas ako sa pagyakap sa kanya. "Gusto ko matulog."saka ito humagikhik.
"Okay. Kung ganoon, hindi na din muna ako papasok. I will tell my secretary to cancel all my meetings today."saka ako namewang.
"Ano ka ba? Importante 'yung meetings mo ngayon."
"Mas importante ka. Saka wala silang magagawa. I'm the boss." Nakita kong ngumiti ito. "Sige na. Pumunta ka nang banyo. Ako na maghahanda ng damit mo at twalya mo."
"Napakabait talaga ng Baby Boy ko."saka nito pinisil ang magkabilang pisngi ko.
"Aray ko! Masakit 'yun ha."reklamo ko.
"Sorry naman." Hinalikan niya ako sa magkabila kong pisngi. Saka dumeretso na sa kwarto. Napailing na lang ako kasabay ng pagngiti. Pakiramdam ko, bumalik na ang dating Bianca. Ang Bianca na makulit at pilyang nakilala ko.
----------------
Matapos magshower ni Bianca, agad kong iniabot ang bathrob nito. Gustuhin ko mang may mangyari sa amin, pinigilan ko ang sarili ko.
BINABASA MO ANG
Opposite Attracts (Heartthrob Series 3)
Ficción GeneralWe are very opposite. She loves to sing but I love to dance. She is very noisy pero ako yung tipong hindi magsasalita kung hindi mo kakausapin. They say that I am a man of few words. Posible nga bang mainlove ako sa babaeng kabaliktaran kung sino...